9. Meeting

5 2 0
                                    


Kamala the Scorpio

"Yes, headmistress," ang tanging nasabi ko na lamang habang nakayuko bilang pagtanggap ko sa misyon.

Hinintay ko na makaupo si Averill bago ako umupo. Sa totoo lang ay kanina ko pa gustong bumalik sa dorm namin dahil na o-overwhelmed ako sa mga nilalang na nasa paligid ko lang. Umaapaw ang kanilang mga presensiya na parang sinasakal ako at hindi makahinga. Hindi ako komportable habang nakaupo rito sa bandang likod.

May nakaupo naman sa bandang likod ko, ang bagong dating, ang Sagittarius. Unang kita ko pa lang sa kanya ay alam kong katulad ko rin ang nararamdaman niya sa mga oras na ito. Hindi mapakali ang kanyang mga mata na parang may iniiwasan na matignan. I know she's too overwhelmed.

Bagama"t hindi komportable ay pinilit kong kumain, ang bango kasi nang nasa lamesa ko hindi ko kayang hayaan lang na hindi tinitikman. Isang buong lechon na manok na sobrang sarap tignan dahil sa sauce na nakayakap dito. May ibat-ibang klase ng prutas din na naka sliced na at nabalatan. May lotus soup at tsaa din na sobrang bango ng aroma. Bukod sa mga pagkain na ito ay may ibinigay din silang dessert, isang scoop ng vanilla ice cream na may bulaklak sa ibabaw bilang desinyo.

Nag desisyon na akong kumain habang nakikinig sa kanilang mga report tungkol sa naging misyon nila. Hindi ako kasali dahil bago lang din naman ako rito, kahapon nga lang ako dumating.

Ayon na nga, kahapon lang ako dumating ngunit may misyon nang nakahain sa akin at sa kasamaang palad ay kasama ko pa ang tao na iyon.

Lihim kong nilingon ang direksyon kung nasaan nakaupo si Averill. He's silently eating gamit ang chopsticks. Nakayuko lang ako ng bahagya upang hindi mahalata na nakatingin ako sa kanya, malakas pa naman ang pandama nito.

Tila ba tansyanado niya ang pagkuha ng laman mula sa manok, sa pagnganga niya at pagsubo pati na rin aa pag nguya niya. Tuwid na tuwid din ang likod nito habang kumakain at tanging ang mata lamang nito ang tumitingin sa baba at kamay lamang nito ang pinapagana. Sa nakikita ko sa kanya kung paano ito gumalaw ngayon, paano niya dalhin ang sarili ay tila ba galing siya sa angkan na iyon. I tried to remember his moves back there in Caro, pulido at parang tansyado rin niya ang bawat galaw niya habang nakikipaglaban.

Baka galing talaga siya sa Louen Clan, they practice cultivation and they are not easy to mess with. Madali rin ma distinguish ang clan, isang tingin mo lang malalaman mo kaagad. Mahaba ang kanilang mga buhok at ang kulay ng kanilang roba ay kakulay ng langit at ulap, may band of fabric din silang inilalagay sa kanilang noo na nakapusod sa likod ng kanilang ulo. I don't know what is that for, but most of the men in Louen Clan has headbands. I even heard about their ancestor na nakamit ang phase of immortality, hindi ko lang din alam kung totoo ito.

Present din sila sa nagdaan na labanan dahil galit din sila sa mga demon or anything that has something to do with dark entities. Sa mundo na aming ginagalawan ay natural na ang mga ganito. Kaya rin siguro may tulad nila na pumupuksa sa kasamaan.

Hindi ko yata napansin na sa kanya lang naka pokus ang aking atensyon ng ilang minuto dahil tila naramdaman niya ang mga mata ko na sa kanya nakapukol. Hindi ako kaagad nakabawi nang bahagya siyang lumingon sa aking direksyon. Nanlalaki lang ang aking mga mata nang magkatinginan kami. Walang emosyon ang abuhan nitong mga mata na hindi man lang nag bawi ng tingin kahit na ilang segundo na kami sa gano'n posisyon. Ako na mismo ang pumutol sa tensyon sa pagitan naming dalawa.

Bumalik na ako sa pagkain ko at nakinig sa kasalukuyang nagsasalita.

"May palagay ako na iisang rank lang ng mga demon ang gumagawa nito, headmistress. Sa Cameron ay gano'n din kasi ang nangyari. All the mythical creatures inside that town was killed. Although we captured one but I don't think it will survive. Their magic is gone even their core is missing. Hindi na namin maramdaman ang bawat presensya nila sa buong lugar at unti-unti na ring kinakain ng kadiliman dahil wala ng pomo-protekta rito. We've done further investigation and found nothing. Wala namang napahamak na mga mamamayan, tanging ang mga magical beasts lang."

The ZodiacsWhere stories live. Discover now