"Nasa Abreeza ako ngayon. With the twins. Why?" Sagot ko.

"Oh, okay. I just wanna let you know. Pupunta tayo ng Dahican mamaya!" My bestfriend giggled. "Pinagpaalam ka na ni Dom kay tita."

"H-ha? I mean, wait. Ba't tayo pupunta doon? At saka ba't cellphone ni Valentine ang gamit mo?" Kumagat ako ng kaunti sa chicken sandwich na in-order ko habang naghihintay sa sagot ni Shane.

"Naka-charge ang phone ko. Nandito kami kina Dom. Pinapunta niya si Valentine to hang out. Then yun, ni-suggest ni Valentine na mag-Dahican tayo." Ani Shane.

So that's why. I bet my bestfriend's really excited, huh? Sa tono ba naman kasi ng boses niya.

"Okay. Text na lang kita pag on the way na ako diyan." sabi ko. "Bibili na lang din ako ng pagkain para sa biyahe."

"Ikaw ang bahala. Pero, Nana.." she trailed off.

"What?"

"Hmm, sabi ng pinsan mo huwag mo na daw isama si Gael."

Napatitig ako saglit sa chicken sandwich na kinakain ko.

Humugot ako ng isang malalim na hininga bago sumagot. "Okay. See you."

Kinansela ko na yung tawag. Hindi ko na hinintay na makapagsalita si Shane. Medyo sumama kasi ang loob ko sa sinabi niya kahit na hindi naman talaga siya ang nag-isip noon.

"Saan niyo gustong pumunta pagkatapos dito?" Tanong ko sa kambal.

Tumingin si Sean kay Simon na abala sa pagkain ng spaghetti. Ibinalik niya ang tingin sa akin pagkatapos ay ngumiti.

"Pwede ba tayong mag-arcade?"

Tumango ako at saka ngumiti kay Sean.

"Sure. Pero pagkatapos mag-arcade samahan niyo akong mag-grocery, okay?"

"Yes, ate." Ngumiti si Sean sa akin.

Sumulyap ako kay Simon. Nung unang dating ko pa lang sa bahay nila noon ay ganyan na siya. Tahimik, masungit at suplado.

Wala akong ideya kung gusto ba niya ako bilang ate niya o hindi. Si Sean kasi ang palagi kong nakakausap. Siya itong kasalungat ng ugali ni Simon.

Naglaro lang ng video games ang kambal habang nakaupo ako sa isa sa mga benches na nandito sa may gilid ng escalator. Tahimik ko lang silang tinitingnan dito habang naghihintay rin sa text ni Gael.

Ba't ba hindi na nagtext ang isang 'yon? Kanina pa kasi ang last text niya.

Hanggang sa natapos kami ng mga kapatid ko sa pag go-grocery ay hindi pa rin nagtext si Gael. Hindi ko tuloy maiwasan ang mag-isip ng masama. Maybe he's doing it again?

No. It can't be. He promised me that he won't do it again. That he won't cheat on me again. But promises are made to be broken, Lainey. Right?

Tinadtad na ako ng text ni Shane. Tanong ng tanong kung ano na ba daw ang ginagawa ko, kung nakapag-impake na ba daw ako, kung handa na ba daw ako, etc. Hindi halatang excited siya ah. Grabe.

Mag a-alas siete na ng matapos ako sa paghahanda ng mga gamit na dadalhin ko sa Dahican. I brought three bikinis just in case na magtagal kami doon ay may maisusuot pa akong panligo.

I was about to call Gael nang biglang mag-ring ang phone ko. Napataas ang kilay ko nang makita ang pangalan niya dun.

"Hello, babe? Ba't di ka na nagreply sa mga texts ko? Kanina pa yun ah?" Sunod sunod kong tanong sa kanya.

"I'm really sorry, babe. Sumama kasi ang pakiramdam ko kanina." Aniya sa matamlay na boses."Di na nga ako nakapaglaro, eh. Natulog ako. Ngayon lang ako nagising."

HelainaWhere stories live. Discover now