CHAPTER FIVE

44 1 0
                                    

Chapter Five:

“Kuya, ayaw ko ngang sumama 'e!” masungit kong ani kay kuya. Pano ba naman kase, pinipilit nya akong sumama sa dinner meeting nya.

“Come on little sis. Mabubusog karin naman don 'e.” pamimilit nya.

“It's a NO.” madiin kong ani.

Ayaw kona sumama sa mga meetings na yan, baka magkita pa kami ng kupal na'yon. Nakakahiya ngang may nangyari samin sa kompanya ni kuya! Sana walang nakarinig samin.

“Fine, di kita pipilitin but sasama ka sakin bukas. Papuntang resort ng isa sa mga kaibigan ko” ani nya.

“Eh, kuya naman 'e! I said I don't want it. And I can't leave my son here”

“Idiot, hindi ko naman sinabi na iiwan mo yong pamangkin ko dito. Syempre isasama mo sya” I sigh.

Wala na akong magagawa. Hindi talaga nya ako titigilan kapag hindi ako sumama. Fine, sasama nalang ako. Mag-eenjoy rin naman ang anak ko 'e.

“Fine, sasama kami pero dapat two days lang. Dahil may pasok pa si alex” ngumiti naman sya at tumango.

Pagka-alis ni kuya ay pinuntahan kona ang anak ko para gisingin. Medyo late na sya nakatulog dahil nga sa may lagnat sya at syempre, kulang din ang tulog ko.

“Baby, wake up na. Kailangan mo pang uminom ng gamot”

“Mama...” nanghihinang ani nya bago bumangon.

Kaagad ko syang binuhat at pumasok kami sa banyo upang makapag hilamos sya ng mukha at makapag toothbrush. Buti nanga lang at bumaba ang lagnat nya. 

Pagkatapos non ay bumaba na ako upang pakainin sya ng mainit na sopas. Sabi sakin ng doctor na pumunta ay kailangan ko lang daw sya painumin ng gamot at magiging okay lang din sya.

“Mama, i want a cookie please”

“Later baby okay? Pag nakainom kana ng gamot.” tumango naman sya.

Pinainom kona sya ng gamot pagkatapos non at inutusan ko si mang elen na magbake ng cookie. Binihisan kona ang anak ko at bumaba na kami. Naabutan ko naman si papa at si sergey. Simula ng marinig ko ang usapan nila ni papa ay iniiwasan ko sya. Ilang beses na rin nya sinabi na gusto nya ako kaso sinabi ko sa kanya na hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya.

“Ma'am Aly, tapos kona po i-bake ang cookies.” ani ni manang elen.

Kaagad ko itong kinuha at binigyan ng isa ang anak ko at masaya naman nyang tinanggap.

“Yehey! Cookie, cookie” dali dali syang umupo sa sofa habang kinakain ang cookies.

Pumunta naman ako sa taas para kunin ang phone ko, nag text kase sakin si hera na dumating nadaw yong inorder nyang dress para sakin. Nang makuha kona ang phone ko ay bumaba na ako. Pababa palang ako ay may naririnig akong mga sigawan.

Anong nangyayari?

Nang malapitan ko sila ay nagulat ako ng makita ang anak kong parang nauubusan ng hininga.

“A-alex!” kaagad ko itong nilapitan habang di kona mapigilan na maluha. “Papa, anong nangyari? Bakit nagkakaganto ang anak ko” naiiyak na ako dito.

“Hindi namin alam anak, narinig lang namin na sumisigaw si elen” nanginginig naman ako habang hinahawakan ang anak ko.

“Ano bang kinain ng apo ko? Baka may binigay ka sa kanya elen” seryusong tanong ni papa.

“S-sir h-hindi po. Nagbake lang po ako ng cookies dahil sabi ni ma'am aly” humihikbing ani nya.

“Wala kabang dinagdag?”

“Ah... p-peanut lang po” napamura naman ako.

Allergic si Alex sa peanut!

Sumugod na kami sa hospital dahil namumula na sya at kong anong anong mga pula na nagsisilitawan sa katawan nya.

“Doc, okay napo ba ang anak ko?”

“Actually Ms Martinez, kong hindi mo kaagad sinugod ang anak mo dito baka lumala pa. Buti nalang ay naagapan. Don't worry, magiging okay na sya. Napainom kona rin sa kanya ang gamot” nakahinga naman ako ng maluwag at nagpaalam na samin ang doktor.

Umupo ako sa upuan at hinawakan ang kamay ng anak ko. Nong three years old din sya ay nakakain rin sya ng peanut. Hindi ko alam na allergic sya non sa peanut kaya napakain ko sya. Hindi ko alam kong saan nya nakuha ang allergic sa peanut dahil hindi naman ako allergy don. Or baka kay Atticus?

Nang ilang araw ay na discharge narin ang anak ko at nakauwi na kami. And ngayon din ang araw na sasama kami kay kuya sa pupuntahan nya! Kahit ayaw ko ay hindi ko ay wala na akong magagawa.

Huminga ako ng malalim bago nag-impake. Nagdala ako ng sampong damit at short ng anak ko dahil nga pawisin sya. Nagdala lang ako ng dalawang swimsuit at limang pangsuot ko. Nang matapos ay bumaba na ako.

Naabutan ko naman na nakahanda na si kuya at mukhang ako nalang ang hinihintay. Kaagad na kaming sumakay sa kotse at sa harapan ako habang nasa kandungan ko ang anak ko.

“Little sis, nakakausap mo parin ba si kanna?” he ask.

“Well, minsan. Kaso mukhang busy kaya hindi kona sya nakakausap, why? Miss mo?” umirap lang sya sakin at hindi sinagot ang tanong ko.

Actually nakakausap ko sya minsan pero mukhang ayaw nya makipag usap kase lagi syang nagmamadali. Minsan panga sinasabi nya na huwag ko syang tawagan dahil baka mahanap sya ni kuya. Natatawa nga ako kase mukhang pinagtataguan nya si kuya kahit alam naman ni kuya kong nasan sya.

Sinabi narin sakin ni kanna na ayaw nya mo nang makausap o makita ang kuya ko. Well, i understand her. Naiintindihan ko kong bakit ayaw nyang makita ang kupal na'to, dahil narin sa sakit na nakuha nya kay kuya at yong mga nangyari.

Baliw kase itong kuya ko 'e. Nambabae pa kahit sila pa ni Kanna. Naawa narin ako sa bestfriend ko non, sinabi kopa sa kanya noon na huwag syang papatol kay kuya kase manloloko at babaero si kuya. Baka saktan lang sya kaso mukhang di nakinig sakin kaya ayon, nasaktan.

Habang nagmumuni-muni naman ako dito ay nilalaro naman ng anak ko ang kamay ko. Tumingin ako sa bintana at nahagip ng mata ko ang 'mcdo. Kaagad kong inutusan si kuya na bumili ng 'fries, coke, burger and sundae.

“Grabe, hanggang ngayon kumakain kapa rin nito? Diba pinagbawalan kana ni papa, nyan” ani nya.

“And so? Pake mo, gusto ko'to and gusto rin naman ang baby ko 'e” kaagad kong pinatikim ng sundae ang anak ko habang sinasawsaw ko naman ang fries sa sundae.

Pinagbabawalan talaga ako ni papa nito kase hindi nga daw healthy at na-aaddict na ako sa pagkain nito. Pano ba naman kase nong pinagbubuntis ko si alex, lagi akong nagpapabili ng mcdo. Hindi pa ako masuway ni papa non kase pinaglilihian ko yon.

“Mama, yummy!” ngumiti naman ako sa anak ko bago punasan ang mukha nya.

“Yes, baby. It's yummy ” ani ko at kumain na.

Natapos narin ako kumain ay nakarating narin kami sa resort na sinasabi ni kuya. Bumaba na ako habang buhat buhat ang anak ko. Si kuya na ang nagdala ng mga gamit namin. Pagkapasok ko palang ay namangha na ako dahil sa sobrang ganda nito. Malawak at napakaganda.

Nang makapasok rin kami sa kuwarto ko ay namangha ako dahil sa lawak nito, Hindi ganto yong kwarto ko sa bahay. Mas malaki pa 'to ah. Nilapag kona ang anak ko sa higaan.

Mukhang napagod sya dahil nakatulog pa sya. Sinabi ko kay kuya na bantayan mona ang anak ko dahil nakalimutan ko ang phone ko sa kotse nya.

Habang naglalakad ako patungo sa  kotse ni kuya ay may narinig akong nagsalita sa likuran ko.

“Oh, your here baby girl. Mukhang pinaglalapit tayo ng tadhana”

—itzmeyy_ayelah

VALENTINO SERIES #1: One Night Stand With Stranger Where stories live. Discover now