Prologue

37 4 0
                                    

Dr. Sanchez: Mij kamusta ka na? 

Mij: Ito doc okay pa naman po still maganda pa 'rin. 

Tumawa lang si Dr. Sanchez. 

Dr. Sanchez: Manang mana ka talaga sa mama mo. (natatawang saad niya) 

Mij: Kaya nga po, pati sakit niya pinamana niya sa akin. (sagot niya habang ngumingiti) 

Dr. Sanchez: About that Mij I am afraid na mas lumala yung condition mo. Lahat ng sabi kong bawal ginagawa mo.

Mij: Doc alam ko naman po 'yun pero minsan gusto ko rin po mabuhay ng normal. Yung kung ano yung nagagawa ng 24 year old lady. Buong buhay ko Doc ngayon ko lang po nararanasan ang mabuhay ng normal. Sa kagustuhan niyo, nila daddy at tita mommy na gumaling ako inilalayo niyo ako sa mga bagay na pwede kong maranasan.  

Dr. Sanchez: Mij alam mo naman na hindi biro ang cardiomyopathy di ba? Isang maling galaw mo pwede mong ikapahamak yan. 

Mij:  Alam ko po 'yun pwede po akong muntikan mamatay ng ilang beses, pero doc isang beses lang ako mabuhay at mas pipiliin ko na mabuhay at mamatay ng masaya kaysa naman po buhay nga ako pero paulit-ulit kong pinipigilang mabuhay. 

Mij: Sige po doc may klase pa po ako. Salamat po. 

Dr. Sanchez: Siya nga pala Mij mag migrate na kami ni ninang mo sa Canada. 

Mij: Ha? Paano po ako Doc? Sino na po magiging doctor ko? Tsaka po bakit biglaan? 

Dr. Sanchez: Matanda na ako kailangan ko na mag retire at mag settle. Don't worry Mij. I will assure you na yung papalit sa akin ay mas magaling pa and alam kong hindi ka papabayaan. 

Habang nag-uusap si Dr. Sanchez at Mij ay bigla naman bumukas ang pintuan. 

Dr. Sanchez: Ayan na pala siya, Mij meet Dr. Rad Elizondo he is a cardiologist he finished his studies at Yale University and top 2 sa physician's licensure  examination. Pamangkin ko si Rad, and Rad this is Mij Frado my patient since she was a kid. From now on ikaw na ang titingin sa kanya. 

Tumayo naman si Mij at nakipag shakehands kay Dr. Elizondo habang nakatingin naman ito kay Mij. 

Mij: Doc take a good care with my heart please. (saad niya habang hawak niya ang kamay ni Rad.) 


Heal me, doctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon