CHAPTER 1

13 0 0
                                    

CHASING SUNSETS 

CHAPTER ONE

"Good morning Mame!" humalik ako sa pisngi ni Mame at dumiretso na sa pwesto ko sa dining table.

"Parang mas excited ka pa ngayon kesa nung first day of school ah." malamig nyang sabi sa akin.

"Ngayon kasi Me ang labas ng result nung sa dance troupe. Hehe." sagot ko sa kanya habang kumukuha ng kanin, hotdog at itlog.

Hindi pa nag iinit ang puwet ko sa pag upo ay parehas kaming napatalon ni Mame sa gulat nang marinig ang pabagsak na pagkakasara ng pinto galing sa taas. Agad akong kinabahan dahil dun. God, please no. Ang aga aga pa at kakaaway lang nila nung nakaraang gabi.

Mabibigat ang lakad ni Dade habang pababa ng hagdan at ayoko syang lingunin habang papasok sya dito sa dining room kaya humigop na lang ako ng kape habang nakatingin kay Mame na abala pa din sa paglalagay ng pagkain sa mesa na ngayon ay nakabusangot na ang muka.

"Kape." matigas na utos ni Daddy habang umuupo sa dulo ng mesa na nasa kanan ko. Hinimas himas nya ang sintido nya.

Hindi umimik si Mame pero sinunod nya ito ng padabog. Halos matapon ang kape nang pabagsak yun ilapag ni Mame sa harap ni Dade. Agad na nanlisik ang mata ni Dade kay Mame.

"Problema mo?" iritang tanong ni Dade kay Mame na ngayon ay umuupo na sa kanan nya.

"Ano sa tingin mo?" sagot ni Mame na hindi manlang tinapunan ng tingin si Dade at inabala ang sarili sa pagkuha ng pagkain. "Scarlet malalate ka na!" malakas pang sigaw nya sa kapatid kong hanggang ngayon ay di pa din bumababa.

"Seph, tawagin mo kapatid mo." utos sa akin ni Dade.

Ayaw ko man umalis dahil baka mag away na naman sila ni Mame ay sinunod ko na lang sya at baka mas mag init pa ang ulo nya.

"Scarlet." tawag ko sa kapatid ko kahit na medyo malayo pa ako sa pinto nya.

"Eto na po!" bago pa ako makarating sa harap ng pinto nya ay lumabas na sya. Naka uniform na, putting blouse at maroon checkered na palda. Tumutulo tulo pa ang tubig sa buhok nya at hindi pa ito nasusuklay.

"Bilisan mo, parehas mainit ulo nina Mame at Dade, baka mag away nanaman yun." mariing sabi ko sa kanya habang inaayos ang buhok nyang nakaharang sa harap ng muka nya.

Fourteen na sya pero wala pa din kaarte arte sa katawan. Samantalang nung ganyang edad ko ay sinusubukan ko nang maglipstick.

"Duh Ate, what's new? Lasing si Dade kagabi, badtrip nanaman sigurado si Mame. At dahil badtrip si Mame, maiirita si Dade." pairap nyang sagot sa akin habang sinusuklay ang buhok nya.

Nasa gitna pa lang kami sa pagbaba ng hagdan ay narinig na agad namin ang mga kalabog sa dining room. Halos likdangan namin ni Scarlet ang ilang baitang pababa dahil sa narinig.

"Puta puta puta." narinig ko pang sabi ni Scarlet kaya naman hinila ko ang buhok nya.

"Bibig mo!"

Ngumuso lang sya sakin habang papasok ng dining room. Doon ay naabutan namin si Mame at Dade na nakatayo, nakatumba ang upuan ni Dade at hawak hawak niya ang pulsuhan ni Mame. Kahit hindi pa ako nakakalapit ng husto ay siurado akong mahigpit ang hawak nya dahil halos mamula yun.

"Me! De Ano nanaman ba yan!?" malakas kong sigaw sa kanilang dalawa. Mabilis akong lumapit at hinawakan ang kamay ni Dade na nakahawak kay Mame habang si Scarlet naman ay itinatayo ang upuan ni Dade na natumba.

Chasing SunsetsWhere stories live. Discover now