PROLOGUE

26 0 0
                                    

CHASING SUNSETS

PROLOGUE

THIS is the day. Finally.

Tahimik akong nagmumuni muni habang nakaupo sa isang high chair at inaayusan. Dahil medyo nakakasilaw ang mga ringlight at mga bumbilya sa vanity mirror na nasa harapan ko ay ipinikit ko ang mga mata ko.

"Teh, tanong ko lang, bat ga ako pa ang kinuha mong make up artist?"

Napamulat ako dahil sa tanong na yun ng make up artist ko na si Inay Love.

"What do you mean?"

"Eh kasi diga may friend ka naman na magaling mag make up? Tandem pa nga kayo madalas kapag may mag event. Ikaw ang organizer tapos nirerefer mo sya sa client bilang make up artist at host."

Napangiti ako dahil sa tanong nyang yun. I didn't know na medyo may mga nakakakilala na pala sa amin.

"Ahhhh. So kilala na din pala kami?" nakangiti kong tanong.

"Oo naman no te. Lalo na yung kasama mo. Magaling sya mag make up."

"Partida, self taught lang yun. Youtube youtube lang." pagmamayabang ko sa kanya.

"Nako sabihan mo na mag aral talaga at kumuha ng certificates. Para mas ma-enhance pa." Sandali syang natigilan at parang napaisip. "Pero pwede ding huwag na at baka mawalan na ako ng clients pag sumikat na sya ng todo. HAHAHAHAHAHA!"

Sabay kaming natawa dahil sa biro nya. Actually, magaling naman talaga ang kaibigan kong yun. There's just a reason kung bakit hindi sya ang kinuha kong make up artist sa araw na ito.

Medyo nawala ang ngiti sa muka ko nang maalala ang dahilan.

"So ano na nga te? Bat di sya kinuha mo? Hindi naman sa nagrereklamo ako ha, grateful ako sa opportunity na ito. Curious lang ga talaga ako."

"Hmmmm." I tried to smile again. Tapos na yun. She's okay now. "Maid of Honor ko kasi sya. Ayoko naman na aayusan nya ako then mag-mamaid of honor pa sya. Sobra sobrang favor na yun."

"Sabagay nga."

"Sabihan mo nalang sya mamaya pagdating nya ng mga courses na pwede nya kuhanin para mas ma-enhance nya pagmamake up nya."

"Nako wag na te. Baka talaga maagawan pa ako ng clients in the future." seryosong sabi ng baklang ito. "Charot lang!" Natawa naman ako sa kanya. "Oo na, mamaya kausapin ko sya."

Hindi naman na sya nagsalita pagkatapos nun. Pero hindi pa din mawala sa isip ko yung tanong nya kanina kung bakit hindi ang make up artist kong kaibigan ang nag aayos sa akin ngayong araw ng kasal ko.

She actually wanted to. But I insisted na wag na because of her condition.

"Where's my beautiful daughter?" napangiti ako dahil sa tinis ng boses ni Mame. Nakatalikod ako sa pinto kaya naman hindi ko makita kung nakaayos na ba sya or kung nagsisimula na ba sya magdrama.

"Oh my!" malakas pang tili nya. Nang mas makalapit ay nakita ko na ang reflection nya sa salamin, maluha luha sya at nakatakip pa sa bibig ang isang kamay na akala mo ay gulat na gulat. Nakayos na din sya, hair and make up. Pero naka white blouse pa sya at black pants.

"Napaka OA ng Mame! Hindi pa talaga ako tapos ayusan!" singhal ko sa kanya. Nang makalapit na sya ay pumwesto sya sa harap ko katabi ng vanity mirror. Naluluha pa din sya at parang iiyak na talaga.

Chasing SunsetsWhere stories live. Discover now