Chapter 2: How to be romantic?

15 1 0
                                    

Nung gabing yun hindi na rin nakatulog ang dalawa.

Higit sa masama ang loob ng mag-asawa ngunit wala naman silang magagawa.

Tinawagan ni Frederick ang magulang ni Elle upang sabihin na kailangan nilang pag-usapan ang nangyari ngayong gabi.

Dahil higit namang ginagalang nila ang magulang ng dalaga sa kadahilanang tinuring rin ng mga itong anak si Anastasia.

Sa tingin niya ay hindi nila kakayaning mag-asawa ang pagdedesisyon sa dalawa kaya naman mas maganda ay magkausap na sila bilang mga magulang.

Kinabukasan, kaagad na tinungo ni Anastasia ang matalik na kaibigan upang makausap ito ng maayos at humingi ng tawad sa nangyari noong nakaraang gabi dahil hindi sila nagkaroon ng pagkakataong magkausap pa dahil nagpaalam na ito na uuwi.

As usual, abala nanaman si Elle sa pagtatrabaho.

Labis ang kaba ni Anastasia habang pinagmamasdan ang kaibigan na katulad niya ay mukhang hindi rin nakatulog.

Kumatok ang dalaga at pagkatapos ay kaagad na napatingala ang isa saka nito sinamaan ng tingin ang isa na kulang na lang ay magtago sa ilalim ng mesa sa sobrang kahihiyan.

"Elle, I'm so sorry.... Sorry napasubo ka kagabi... I wasn't really thinking properly... Wag kang mag-alala babawiin ko kina Dad yung sinabi ko. Wag ka na magalit please?"

Napaupo na lang si Anastasia sa harap ni Elle habang parang tuta itong nagmamakaawa sa kanya.

Ngunit hindi niya mabasa sa mukha ng isa kung ano ba ang iniisip nito.

Nakatitig lamang ito sa kanya saka napahinga ng malalim.

"Kapag sinabi mo yan sa kanila, siguradong ipipilit nilang makipagdate ka kay Nash."

"Gusto mo ba yun?"

Seryoso ang mukha nito nang sabihin yun.

Napahinga ng malalim si Anastasia saka nito isinanda sa kinauupuan ang kanyang likod.

"Ayoko, but I have no choice."

Malungkot na sagot niya.

"I'm really sorry for dragging you into this mess Elle."

"Ano pa bang magagawa ko eh nangyare na."

"So what it's gonna be? What you said last night..."

"I said what I said."

Sagot ng dalaga saka nito muling itinuon ang pansin sa kanyang ginagawa.

"You know we'll have to pretend from now on."




"Yun na nga ang mangyayari."








"Pumayag si Elle??? Wow ibang klaseng friendship na yan ah."

Tinawagan ni Anastasia ang mga kaibigan upang ipaalam sa kanila ang nangyari, dahil sa tingin niya ay kailanganin nila ng tulong ng mga ito.

"Yes, kahit ako di makapaniwala na papayag siya. She was mad at me, but she said we had no other choice. Nakokonsensya rin naman ako, kaya nga gusto ko sanang sabihin ang totoo kina Dad but she refused."

"Girl, alam mo naman si Elle... Baka iniisip niya rin ang kapakanan mo. Kahit kami di namin hahayaang mapunta sa ganung sitwasyon kaya tutulungan namin kayo sa kalokohang to."

Saad ni Sorn.

Higit na gumaan ang loob ni Ana, dahil kahit papano ay naiiintindihan siya ng mga kaibigan niya.

"Pero, pano kung dumating sa point na isa sa inyo yung mainlove sa iba? How would you two deal with it?"

Tanong ni Paula.

Next Level: Us Lovers?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon