MY FAKE BROTHER IS A BILLIONAIRE

3 0 0
                                    

CHAPTER 1

Nag hihigab at nag-iinat pa nga ang siyam na taong gulang na si Joan habang palabas ito ng kuwarto nang bigla na lamang siyang matigilan ng matanaw ang isang batang lalaki na kumakain mag-isa sa hapag kainan nila.

"Hoy! Sino ka?!"-Pasigaw na tanong nga niya at patakbong nagtungo rito.

Agad namang tumayo ang batang lalaki habang punong-puno pa ang bibig nito.

"Sabi na sino ka e?!"-Muling tanong niya.

Inapura nga ng batang lalaki na maubos ang pagkain sa bibig niya upang masagot na niya ang tanong sa kaniya ng batang babae.

"Joan, anak.. Gising ka na pala?"-Tanong nga ng ama ni Joan.

"Sino s'ya, 'tay?"

"Ah, Ito si Liam.."

"Liam? Bakit s'ya nandito?"-Nagtatakang tanong ngang muli ni Joan habang nagpapalit-palit ang tingin niya sa mga ito.

"Ahm.. ano kasi anak e, dito na s'ya titira"

"Po?! Ano'ng dito s'ya titira?! Niloloko mo ba 'ko 'tay?!"-Sigaw nga ni Joan sa ama nito.

"Hindi kita niloloko, Anak. dito na nga s'ya titira sa'tin, mula ngayon tatawagin mo na siyang kuya"

"Bakit ko naman po tatawaging kuya ang hindi ko naman totoong kapatid?! Ayoko po! Ayoko!"

"Joan! Ano ba?! Kailan ka pa natutong sumigaw-sigaw sa akin ng ganiyan? Nakakalimutan mo na yatang tatay mo 'ko?"-Galit na sambit ng ama ni Joan.

"Sorry po, 'tay.. Hindi lang ako makapaniwala na nagawa mo pang mag ampon, ako nga hindi mo po maalagaan e, lagi akong nag-iisa sa bahay. tapos may dadagdag pa? May makikihati pa sa pagmamahal at atensyon mo sa akin?"

"Bakit kailangang mahati ang atensyon at pagmamahal ko? Anak kita, at mahal kita. at hinding-hindi mababawasan 'yun dahil lang may bago kang kapatid"

Isa ngang guro sa pampublikong paaralan si Jonas at mag-isa na lamang niyang binubuhay ang nag-iisa nilang anak na si Joan ng pumanaw ang asawa nito noong nakaraang taon lamang.

"Oo nga, Joan. Hindi ako hahati sa pagmamahal sa'yo ng tatay mo, sapat na sa akin ang may matitirhan at may ituturing na bagong pamilya"-Naka ngiti ngang sambit ni Liam.

"Sige na, Liam. Tapusin mo na ang pagkain mo at nang makaligo ka na, Ikaw rin Joan, Kumain ka na. at ipapasyal ko kayo ng Kuya Liam mo"

"Ayoko pong kumain, busog po ako"-Tugon ni Joan at bumalik ito sa kaniyang kuwarto.

"Joan, ano ba?! Binabastos mo na ba 'ko?"-Tanong nga ni Jonas sa anak ng sundan niya ito sa kwarto.

"Hindi ko po kayang tawaging kuya ang batang 'yun, 'tay. hindi naman natin s'ya kaanu-ano e, at mas lalong hindi natin s'ya kilala 'tay. ibalik mo na kasi s'ya kung saan mo siya kinuha"

Tumabi naman si Jonas sa kaniyang anak na naka upo ngayon sa kama nito.

"Anak"-Sabay hawak niya sa balikat ng kaniyang anak. "Wala na kasing babalikang pamilya si Liam e, wala na siyang mga magulang. Ulilang lubos na siya, tumakas siya mula sa bahay ampunan dahil lagi raw siyang binu-bully ng mga kapwa niya mga bata roon"

"Po? Galing siyang bahay ampunan 'tay?"

"Oo, anak. kaya sana mahalin mo s'ya at ituring mong tunay na kapatid. naaawa ako kay Liam, dahil alam ko ang pakiramdam na maging ulilang lubos at walang nagmamahal, Dahil kagaya rin ako noon ni Liam na pinagpapasa-pasahan ng mga kamag-anak, inaalipusta at ginugutom"

"Pero 'tay, naniniwala ka ba sa sinasabi n'ya? Paano kung hindi naman pala 'yun totoo? Baka naglayas lang 'yan sa kanila tapos hinahanap na pala siya ng parents niya. tignan mo nga 'tay, mukha siyang anak mayaman. Hindi naman siya mukhang mahirap eh"

"Bakit naman niya gagawin 'yun kung mayaman pala sila? Ramdam kong nagsasabi s'ya ng totoo, Anak. kaya sana naman 'wag mo na s'yang pagdudahan pa"-Ani ni Jonas sa anak at bahagya pang ginulo ang buhok nito.

"Tay naman, ginulo mo pa ang buhok ko eh"

"Ang haba-haba na ng buhok mo, wala kang balak na paputulan 'yan?"

"Wala po, ayoko po, alam mo ba 'tay? May school mate po ako, may cancer po s'ya, wala na po s'yang buhok. kawawa nga po e, ang bata pa n'ya para magkasakit. kahapon nga po nakita ko siyang nakatingin sa akin tapos umiiyak siya. Siguro nami-miss niya ang buhok niya, sabi po ng teacher namin dati, ang buhok ang isa sa nagpapaganda sa mga kababaihan."

"Tama ang teacher mo, Anak"-Tugon ni Jonas sa anak. "Halika na, kain na tayo. sabay na tayong dalawa"

"Nga po pala, 'yung sinasabi mo kanina na mamamasyal tayo? Totoo ba 'yun?"

"Oo naman, anak. totoo 'yun. Kaya naman kumain na tayo para makaligo ka na. Naku mukhang maasim na ang kili-kili ng anak ko ah"

"Tatay naman, hindi po ah. mabango pa rin 'to 'tay, kahit amuyin mo pa po oh"-Sabay taas ng kamay ni Joan at idinikit iyon sa ilong ng kaniyang ama.

"Aba, oo nga 'no? Ang bango nga, amoy paksiw na galunggong"

"Grabe si tatay! Bully talaga e"

"Siyempre joke lang 'yun, anak. kahit isang linggo ka pang hindi maligo, para sa akin mabango ka pa rin"

"Ayiieee. si tatay, ang galing mambola."

Nang sabay nga silang mapalingon sa pinto ng kuwarto dahil naroroon si Liam at nakatingin sa kanilang mag-ama.

"Liam? Andiyan ka pala?"-Tanong nga ni Jonas sa batang lalaki.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MY FAKE BROTHER IS A BILLIONAIRE Where stories live. Discover now