He was wearing a white sando na bahagya kong ikinabahala. Malamig kasi dito sa kwarto and he wasn't covering himself with a blanket. Immune ba sa lamig ang lalaking 'to?

Ako nga, nakabalot na pero giniginaw pa rin. Hindi pa nakatulong ang sahig na inuupuan ko ngayon.

Shein Muerte: I assumed...

Shein Muerte: My bad.

Akala ko, hindi na siya mag-m-message. Pero matapos lang ang ilang minuto, may natanggap na ulit akong message mula sa kanya.

She sent me a picture of herself. Nakasuot siya ng damit na kinulang sa tela but it didn't make her look slutty. Instead, she looked clean in those clothes despite the kulang.

Shein Muerte: Story mo ko daliiii

Kumunot ang noo ko sa gusto niya. Kapal naman ng babaeng 'to. Close kami?

Sarili ko nga di ko ini-story...siya pa kaya na ibang tao?

Rhys Labreja: Yoko. Wala akong load.

Shein Muerte: Sinungaling! Ni-like mo pa nga ang pic ni Ryuki ngayon lang!

Rhys Labreja: Ayoko pa rin.

"Your gonna hurt your eyes."

Napatingin ako sa likod ng biglang magsalita si Lionel. Hindi naman ako masyadong nagulat dahil deretso akong natakot.

Halos itapon ko sa inis ang tsenilas na suot ko sa kanya dahil sa ginawa niyang biglaang pagsasalita.

"Ba't gising ka pa?" naiinis na tanong ko sa kanya.

"Ba't gising ka pa?" balik niya sa akin.

Pinanood ko siyang mag-inat bago nakapamulsang lumapit sa akin. He sat beside me and heaved a sigh.

"Sino bang kausap mo?" sinubukan niyang tumingin sa screen ng phone ko pero nilayo ko ito agad.

"Ba't gising ka pa?"

"Your chuckles are disturbing. Para bang may binabalak kang masama. Sinong kausap mo?"

"Shein."

"Yung classmate natin?" tumango ako bilang sagot. "You often talk?"

Nagkibit balikat lang ako. Another message pooped in my screen so I checked it.

Another picture but instead, it was a screenshot. Kilala ko ang may-ari ng account.

His profile pic was too obvious to tell it was him.

Rhys Labreja: Are you stalking him?

Shein Muerte: Nakita ko lang

Ayaw kong maniwala. Mahirap paniwalaan. Si Shein pa...

Rhys Labreja: I don't believe you.

Shein Muerte: Edi wag! Sumbong kita kay Lionel eh.

Natawa ako at tiningnan si Lionel na nakapikit. He was sitting beside me but he was sleeping—I guess. Kung inaantok na pala siya, bakit hindi siya bumalik sa kama?

Another message popped in.

Shein Muerte: Isusumbong talaga kita kay Lionel!

Wala na ata ako sa tamang wisyo. Unconscious and distracted, I replied to her.

Rhys Labreja: Pa'no ka magsusumbong kung wala siya diyan at nandito sa tabi ko?

The smile on my face slowly left as I watched the message sending to SheIn. Agad akong naalarma at naghintay na ma-send ito para agad kong mabura.

Pero nauna si Shein at nabasa niya ito.

Nahulog ang phone ko sa sahig making a loud thud because of the vibration. Bigla na lang kasng nakikipag video call si Shein. Siguro, dahil sa message.

"Mag-ingat ka nga," ang sabi ng katabi kong anino na mukhang nagising sa tunog ng mahulog ang telepono ko.

Sinamaan ko siya ng tingin. Kahit kailan, pahamak na siya sa buhay ko.

I rejected the call and deleted the message. Then, pinatay ko ang telepono at tumayo. With a sigh, pinatayo ko na rin si Lionel.

"Tara na sa kama...para kang ano diyan."

Inaantok man nagawa niya pa ring tumayo at pumunta sa kama. Hindi ko tuloy alam kung bakit pa siya tumabi
doon. Sana lang, makalimutan na ni Shein ang message.

Pahamak talaga oh!

"Go to sleep already, Labreja."

Napairap ulit ako.

"Distorbo ang mga buntong hininga mo."

"Then don't listen."

"Sana nga, kaya lang wala akong choice e," sarkastiko siyang tumawa.

Tiningnan ko ang nakapikit na si Lionel. He's handsome alright, pero may malalaban rin naman ako.

"Please go to sleep."

"My eyes are closed," pagsisinungaling ko. I thought he would take the bait but next thing he said left me dumbfounded.

"I can feel you staring at me. If you wanna watch me sleep at least don't make it obvious. Your piercing a hole in the back of my head."

Napairap na lang ako at tumingin sa kabilang side. Ang hangin! Mas guminaw tuloy!

Tell Me Where It Hurts Where stories live. Discover now