Kabanata Anim

3 0 0
                                    

Kabanata Anim –Tell Me Where It Hurts

Wala ng masyadong tao dito sa labas ng gate. After kasi ng training ko, Lionel insisted on coming with me.

Sinamahan niya ako sa canteen ng college department at hanggang ngayon ay kasama ko pa rin siya.

Nakatayo kami sa may waiting shed. Hindi kasi malinis ang upuan so we remained standing.

"Handa ka na?" tanong niya bigla. "Confident na akong mag-uwi ng Gold medal."

Napairap ako sa kayabangan niya. Nagsalita siya para lang sabihin yun? Para namang may pake ako.

"Edi congratulations," puno ng sarcasm na sagot ko sa kanya.

Lionel was definitely getting good in annoying me. Para bang, hindi na kompleto ang araw niya kapag hindi ako naaasar.

Hindi naman ako pikon. But Lionel knew what to hit para magtagumpay siya.

"Handa ka na, Rhys?"

"Tsk," sumimangot ako. "I'd rather not answer."

"Don't be rude."

"I'm not," tiningnan ko siya. "Mapilit ka lang talaga."

"I'm just asking."

"And I don't want to answer. Anong pake mo kung mag-uuwi ako ng gold medal o hindi?"

"Sa ating dalawa mas ine-expect nilang ikaw ang mag-uuwi ng gold medal. Kapag natalo ako...ayos lang. Pero kapag ikaw—"

"Look. I still have three weeks to prepare. Kung hindi mo ako lalapitan at aasarin I can finally focus on my trainings," naiinis ng sabi ko at bahagyang lumayo sa kanya.

A minute passed by at walang nagsalita sa aming dalawa.

Ang tagal namang dumating ni mommy. Ang tagal rin dumating ng dad niya.

Napatingin ako sa kanya ng tumikhim siya bigla.

"Sorry..."he whispered.

Just then, tumunog ang telepono ko. Tiningnan ko ang pangalan sa screen. Tumatawag si dad.

"Dad?"

"Your grandda is home. Puwede ka bang bumisita?"

Bahagya akong nagulat. "Kailan pa siya nakauwi?"

"Kaninang umaga lang. I wanted to call you as soon as possible pero naisip ko na baka nasa school ka pa rin."

"Hhm."

Tiningnan ko si Lionel na mukhang nakikinig sa akin. Sinimangutan ko siya at sinenyasang wag makinig pero lumapit siya bigla sa akin.

"He wants to see you."

"I'll go tommorow. Saturday naman at wala akong training. I'll take the subway."

"Tell your mom. Baka mag-alala siya sa'yo."

"Sure."

Mas lalong nilapit ni Lionel ang tenga niya sa akin para makinig sa usapan. Mas lalo akong nainis at pilit na inalis ang mukha niya.

"Call me once you get there. And bring some fruits."

"Opo."

Pinatay ko ang tawag at agarang sinamaan ng tingin si Lionel. Is he serious?

Inosente niya akong tiningnan. Para bang wala siyang ginawa para sirain ang mood ko.

I was so close on punching him when he stopped my hand on time. Hindi naman mahigpit ang hawak niya sa braso ko pero sakto lang rin para hindi ko magalaw ang kamay ko.

Tell Me Where It Hurts Where stories live. Discover now