03

8 2 0
                                    

Matematika


Ang pinaka ayaw kong asignatura,
Nahihilo't natutunganga
Makita ang mga numero sa pisara,
Gusto ko na lamang umuwi ng maaga

Ito'y paborito niya,
Kay bilis niyang makuha.
Bigyan mo lang ng formula,
Tatlong minuto ay tapos na.

Isa sa mga nagustuhan ko sa kaniya,
Atentibo at nangunguna,
Mga opinyon at kaalaman niya
Puno ng mga aral, walang patapon ni isa.

Kahit ganoon siya,
Kayabangan ay wala
Mabait at mapagpakumbaba,
Willing pang turuan ang gaya kong boba.

Napahanga niya ako ng sobra,
Kung kaya't eto siya ang paksa,
Tula kong para sa matematika sana,
Pero napunta lamang ulit sa kaniya.

— nev

10.12.23

La Douleur Exquise Where stories live. Discover now