02

6 3 0
                                    

Bakit?

Bakit?
Tanong ko sa kung saan
Sa tuwing ako'y may nagugustuhan,
Kay daming hadlang ang dumaraan.

Naninigurado,
Aminado akong totoo iyon.
Panlabas na anyo ko pa lamang ay wala ng tugon,
Isa din sa iniisip kong rason.

Kung bakit?
Bakit ’di nalang kasi ako ang iyong naisin.
Kay hirap ba ng aking hiling?
O sadyang ayaw mo talaga sa akin.

Patawad kung ganoon,
Bato lamang ako't ikaw ay bituin.
Na nagni-ningning,
Kay hirap mong abutin.

Mga bulaklak sa hardin,
Malamig na ihip ng hangin
Humaplos sa puso ko't damdamin
Bakit kaya hindi ka mapasakin.

— nev

12.15.23

La Douleur Exquise Where stories live. Discover now