"What about our wedding?" Baling naman nito kay Belle.

"N-nothing, I just want to congratulate both of you."

"'di ba Penelope?" baling naman ng babae sa kaniya.

"Oo naman," pagsang-ayon niya. Awkward naman yata kung hindi siya sasangayon.

"Gusto ko rin sanang ipagpaalam kay Penelope kung pwede kitang makausap sandali." Makahulugan ang ibinigay nitong tingin sa kaniya.

"I'm sorry but, I don't think I have the time," mabilis na tangi ni Noah.

"Oh, m-maybe next time."
Halata sa mukha ni Belle ang disappointment.

Pakiramdam ni Penelope ay siya ang nasaktan para sa babae. Hay, ang lambot naman ng puso niya.

"Then I'll see you around." Bagsak ang mga balikat na iniwan sila ng babae.

Napabuga ng malakas na hininga si Penelope ng makaalis na si Belle.
Hindi niya napansin na kanina pa pala siya nagpipigil ng hininga.

"Are you okay?" Tanong ni Noah.

"Grabe din...." Napahinto siya. Kahit naman malaking hadlang si Belle sa trabaho niya naiintindihan niya ang nararamdaman ng babae. So wala naman sigurong masama kung sa kanilang dalawa lang ang pinag-usapan nila kanina.

"Grabe ka din, no, ni hindi mo man lang sinabi sa akin na ikakasal na pala tayo," bagkus ay sabi niya.

"Nakasulat naman sa agreement natin kaya dapat expected mo na mangyayari ang ganito."

Sinimangutan niya ang lalaki. "Pero dapat sinabi mo pa rin sa akin nang makapaghanda ako," katwiran niya.

"There's nothing to get ready."

Umikot ang mga mata niya at napunta iyon sa kaniyang kamay na nakahawak pa rin sa braso ng lalaki. Mabilis na bumitaw siya at lumayo ng isang hakbang.
Tiningnan lang siya nito at hindi na umimik pa. Hindi na rin siya nagsalita pa at in-enjoy ang sarili sa panonood sa mga guest na nagsasayaw. Alas syete na ng gabi at mas lalong gumanda ang paligid. Napangiti siya ng mapalitan ng sweet music ang kanta. Bawat isa ay akay ang mga partner na pumunta sa dance floor sa pamumuno ng bagong kasal.
Ang saya sigurong maikasal sa taong mahal mo. Hindi pa naman siya naiingit na maikasal pero kung may dumating man ay very much ready siya. Matagal na rin siyang naghihintay ng makasama sa buhay.

Sinulyapan niya ang katabi niya na nakatingin din pala sa mga nagsasayaw.

Ano kaya ang feeling nang maikasal sa lalaking 'to? tanong niya sa sarili.

Nagkaroon din naman siya ng dalawang boyfriend pero hindi pa naman umabot sa kasalan. Hindi nga umabot ng isang taon ang mga relasyon niya dahil kung hindi siya busy ay ang karelasyon naman niya ang walang time sa kaniya.
Kung tutuusin pa nga ay mas intimate pa ang fake relationship nila ni Noah kaysa sa nagdaang relasyon niya.
Hindi niya alam kung bakit napakakomportable niya sa lalaki gayong hindi naman niya ito kilala ng lubusan. Siguro dahil nararamdaman niya na mabuting tao ito. She never felt scared nor threatened in a way that he will hurt her. Maliban na lang sa napakasungit nito at pabago-bago ng mood lalo na kapag kaharap nito si Tita Clarisse at Belle.

"So, anong nangyari sa inyo ni Belle?" Hindi niya napigilang isa tinig ng maalala niya ang babae.

Napakagat siya ng labi ng marealized niya ang tanong.

"Ahm, ang ibig kong sabihin bakit ang sungit mo sa kaniya?" Napangiwi siya, parang pareho din lang naman yata sa una niyang tanong.

"Sabagay masungit ka naman talaga," nasabi na lang niya.
Hindi rin naman niya aasahan na may makukuha siyang sagot mula sa lalaki.

"Do you want to dance?"

"Huh?" Napaangat siya ng tingin.
Napaka random naman ng tanong ng lalaki.

"Tayo, magsasayaw?" Tanong niya dahil baka nagkamali lang siya ng dinig.

"Attorney Sejas is watching us, remember?"

Oo nga pala, hindi pa pala tapos ang trabaho niya.

"Sabi mo, eh." Nagkibit siya ng balikat at nagpatiuna nang naglakad.

Pero ng malapit na sila sa dance floor ay bigla siyang napatigil nang maalalang matagal na siyang hindi nakakasayaw ng sweet music.

Humakbang siya paatras at humarap Kay Noah. Pero sa ginawa niya ay muntik na siyang bumanga dito. Napapikit siya nang inakala niyang babagsak ang ulo niya sa mukha ng lalaki pero bagkus ay lumapat ang noo niya sa labi nito.

Higit ang hiningang napatingala siya.
"Sorry, naalala ko kase, hindi ako sanay sa ganitong sayaw, baka maapakan ko ang paa mo."
Napabuga ito ng hininga.

"It's okay, just follow my lead." Kinuha ng lalaki ang kamay niya at iginaya siya sa dance floor.

Sa sobrang tagal ay hindi na maalala ni Penelope ang huling beses na naisayaw siya ng ganito. Hindi naman kasi siya mahilig um-attend ng mga party o kaya ay lumabas at mag-bar.
Naasiwa din siya sa sobrang lapit ng katawan nila ni Noah dahil hindi siya sanay. Sa sobrang lapit nga ng katawan nila ng lalaki ay dinig niya ang tibok ng puso nito.

"Relax," bulong ng binata sa tainga niya.

"N-naiilang ako," pagsasabi niya ng totoo.

"I bet you don't have a boyfriend."

Kahit na hindi niya kita ang mukha ng lalaki ay nararamdaman niyang nakangisi ito.

"May boyfriend ako, no," pagsisinungaling niya. Ayaw naman niyang pagtawanan siya nito.

"Really? ang bait naman ng boyfriend mo at pinayagan ka niyang mapunta sa akin."

"Talagang mabait ang boyfriend ko, maalalahanin at very understanding pa."

Naramdaman niyang tumango-tango ang lalaki. "Then I think I need to meet your boyfriend. I need to learn from him to make our performance better, right?"

"No need, our performance is excellent," mabilis niyang tutol.

"Really? Sayang gusto ko pa naman itanong kung bakit hindi ka niya naisasayaw ng ganito."

Nagtaas siya ng mukha at sinalubong ang tingin ng lalaki. "Are you making fun of my boyfriend?"

"No, I'm not." Umiling ito.

Nakatingalang sinimangutan ni Penelope ang lalaki. Nawala naman ang ngisi nito sa ginawa niya pero nagulat siya ng bigla na lang niyang maramdaman ang banayad na paghaplos ng kamay nito sa pisngi niya. Pero parang mas nagulat ang lalaki sa ginawa nito.

"I-I'm sorry, it's... it's.. Attorney Sejas is watching us."

"O-oo nga nanonood si Attorney Sejas," tumango-tangong pagsang-ayon niya.

Mabuti na lang at natapos na ang kanta ng may dahilan siyang lumayo sa lalaki.

*****Next Chapter*****

Marry Me And You're FreeWhere stories live. Discover now