Chapter Eleven

23 0 0
                                    


**************

Nakaalis na ang mga tao sa Ignacio's Little forest, natanggal na rin ang mga decorations na nagamit at tapos na ring linisin ang lugar pero ramdam na ramdam pa rin ni Penelope ang init ng palad ni Noah sa pisngi niya. Para bang nasa pisngi pa rin niya ang palad nito.

"Penelope!"

"Ha?" Bumalik ang attention niya sa paligid.

"Ang sabi ko mauuna na kami," pag-uulit ni Joy sa sinabi nito.

"Ha? Paano ako?"

"Anong paano ka?"

"Saan ako sasakay?"

Binigyan siya ni Joy ng unbothered smile saka itinuro ang likod niya gamit ang ulo nito. "Sa kaniya ka na sumakay."

Sinundan niya ng tingin ang itinuro ni Joy at nakita niya si Noah na kausap si Attorney Sejas.

"Pero-"

"Oops, huwag mong sabihing ayaw mong makasama ang boyfriend mo." Nagdududa ang tingin na tiningnan siya ng kaibigan niya.

"Sumakay ka na kaya ikaw na lang yata ang hinihintay." Itinulak niya ito papunta sa close van.

"Bye!"

Kumaway muna sa kaniya si Joy bago ito pumasok sa loob ng sasakyan.
Napabuntong hininga siya pagkaalis ng mga ito. Sinilip niya ang relo sa kaniyang kamay. Sampong minuto na lang at alas diyes na ng gabi. Nagpakawala uli siya ng isang malalim na bunting hininga saka tumingin sa gawi ng fake boyfriend niya.

Mukhang seryoso ang usapan ng dalawa dahil panay ang kunot ng noo ni Noah. Hindi niya alam pero mas lalong gumagwapo ang lalaki sa tuwing ginagawa nito iyon. Sa trabaho niya marami naman siyang nakasalamuha na gwapo, mayaman at matangkad pero never pa siyang naatract gaya ng nararamdaman niya sa lalaki.

Napahawak siya sa kaniyang pisngi. Na-aatract? Na-aatract nga ba siya kay Noah?

Napakislot si Penelope ng biglang tumingin sa gawi niya ang lalaki. Ibinaba niya ang kamay niya at nag-iwas ng tingin. Pero bumalik din ang tingin niya s lalaki na nakatingin pa rin sa kaniya. Mag-iiwas Sana siya ng tingin ng sinenyasan siya nito na lumapit sa kanila.

Nag-aatubiling naglakad si Penelope papunta kina Noah at pilit na kinakalma ang sarili dahil palakas ng palakas ang tibok ng puso niya.

"There you are Miss Mallari," nakangiting salubong ni Mr. Sejas.

"Hello po attorney," nakangiting bati Niya sa attorney pagkatapos ay tumingin siya kay Noah.

Lumapat ang kamay nito sa balikat niya at hinila siya palapit dito.
A tingling sensation travel throughout her body. Hindi naman siya ganito kapag ginagawa ng lalaki iyon nitong mga nagdaang mga araw.

"Congratulations again on your coming wedding, Miss Mallari."

"Maraming salamat po attorney."

"O, siya, mauna na ako sa inyo." Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanilang dalawa.

"See you tomorrow morning," pagkasabi 'nun ay iniwan na sila ng attorney.

Marry Me And You're FreeWhere stories live. Discover now