Prologue

34 4 6
                                    

Gianna

Ang hirap maging mahirap. Iyan ang mga kataga na palagi kong sinasabi sa sarili ko. Minsan napapaisip ako ano bang pakiramdam magkaroon nang marangyang pamumuhay? Iyong tipong kumakain kayo nang tatlo o apat na beses sa isang araw, iyong nabibili mo lahat ng bagay na gusto mo, iyong napupuntahan mo 'yong mga lugar na gusto mong puntahan, iyong nakakapunta ka sa concert nang idol mo, iyong nabibili mo 'yong mga mamahalim na alahas. Iyan 'yong mga bagay na gusto kong maranasan kapag yumaman ako. Pero kailan pa, kapag namuti na ang uwak? Jusko! Hindi na ako aasa na maranasan ko ang mga bagay na 'yan. Masaya naman ako sa buhay ko ngayon dahil kasama ko ang mga mga taong nagpaparamdam sa'kin kung gaano kasarap mamuhay nang simple.

Si Nanay Vilma at Tatay Herminio, ang tanging kumup-kop sa'kin noong nakita nila akong umiiyak sa gilid nang kalsada. Hindi ko sila totoong mga magulang dahil ang mga totoo kong mga magulang ay namatay na noong labing dalawang gulang pa lang ako. Ayon sa napagtanungan ko noong simulang hinanap ko sila ay namatay daw ang totoo kong mga magulang dahil sa isang sunog. Nakakalungkot pero natutunan ko naman na tanggapin na baka tinadhana talaga silang mawalay sa'kin para magkaroon ako nang sariling kompyansa sa sarili, para maging matapang at para maging handa sa mga pagsubok na darating sa buhay ko.

At ngayon ay bente uno anyos na ako at nag tra-trabaho ako sa isang hindi kilalang bar dito sa maynila. Kasama ko mag trabaho dito ang hindi ko tunay na kapatid na si Merly. Siya ang tunay na anak ni Nanay Vilma at Tatay Herminio, mas matanda ako sa kanya ng isang taon. Waitress siya dito sa The Velvet Lounge habang ako naman ay cigarette girl.

"Ate ano kumusta marami ka na ba nabenta?" Tanong sa'kin ni Merly.

Bumuntong hininga ako bago sumagot. "Kaunti pa lang eh, matumal ngayon, ewan ko rin ba kakaunti ang costumer ngayon." Sagot ko.

"Kaya nga ate eh, kundi isa ay wala na pumupunta parang gusto ko na lang umuwi at matulog."

"Baliw ka kapag umuwi ka mapapagalitan naman tayo ni Tarub." Pagtutukoy ko sa bakla naming amo.

"Jusko! Iniintindi mo 'yon si Tarub, magagalit lang 'yon kapag wala 'yong lakaki." Natatawang sabi ni Merly.

"Loka-loka, bumalik ka nanga doon at hayun oh, may bagong costumers." Taboy ko kay Merly.

Inirapan niya lang ako at agad naman akong iniwan. Ang maganda sa relasyon namin ni Merly, bilang hindj tunay na magkapatid ay magkasundo talaga kami. Kung ituring niya ako ay parang magkadugo talaga kaming dalawa. Sa lahat nang bagay ay magkasangga kami at marami rin bagay na napagkakasunduan kami maliban na lang sa lalaki lalo na kung foreigners. Ang sabi niya kasi ay kano daw ang gusto niya maging asawa dahil bukod sa mayaman na malaki pa ang pasensya. Ako ayoko nang may lahi dahil ang gusto kong mapangasawa ay dugong pinoy. Marami rin namang pinoy ang mayaman at mahaba ang pasensya.

Natawa na lang ako sa akong naisip pero natigilan rin ako nang may bumili nang sigarilyo.

"Hoy! Gia, nananaginip ka na naman nang gising."

Inirapan ko si Pepe, ang kababata namin ni Merly.

"Ano bang pake mo." Sagot ko sabay irap ulit.

Si Pepe ang tanging kaibigan ko na lalaki dito sa lugar namin. Mabait siya at talagang mapagkakatiwalaan. May gusto siya sa kapatid ko pero ayaw naman sakanya ni Merly, dahil na rin siguro ang gusto nang kapatid ko ay mayaman hindi katulad ni Pepe na ang trabaho lang ay tumambay at magpalaki ng tiyan. Hindi ko masasabing panget si Pepe, sa katunayan ay may ibubuga ang lalaking ito. May hitsura at dati nga ay may abs siya pero nag rebelde kasi siya noong namatay ang nanay niya dahil sa tatay niyang adik.

"Hoy Pepe, ano na namang ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Bibili sigarilyo sayo malamang, nakita kasi kitang nakangiting mag-isa akala ko nababaliw ka na." Natatawa nitong sagot.

Beauty And Beast (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon