Chapter 1

9 3 0
                                    

Naglalakad ako sa Engineering building huminto ako ng makita sa pinto ang 1-A.

Pagpasok ng room nakita ko si Kael na natutulog, aba't naman napaka aga natutulog kaagad. Agad akong umupo sa tabi niya "Hoy Kael, gumising ka nga!" habang niyuyugyog ang balikat. Tumingin siya saakin ng nanlilisik na mata, "ano ba?" singhal nito. "anong nangyari at parang antok na antok ka?" "I've been playing video games whole night" sagot nito na kaagad yumuko at natulog. Umiling iling ako, hindi talaga nagbabago ang isang to.

Kinuha ko sa bag ang cellphone at naglaro ng temple run, I really love this game! natalo ako sa laro kaya napasigaw ako. They looked at me glaring so I smiled nervously.

Lunch Time, hindi ko alam kung nasaan si Kael paano ba naman kasi pag ring ng bell kaagad lumabas eh ang laki ba naman ng hakbang ng lalaking iyon.

Hinanap ko siya sa mga bench malapit sa field at hindi nga ako nabigo, kaagad ko siyang nakita na nakaupo.

Pumunta ako sa tabi niya, tahimik akong umupo sa tabi niya at binuksan ko kaagad ang bag na dala ko at nilabas ang dalawang lunchbox "oh, niluto ko kaninang umaga. Alam kong paborito mo ang adobo kaya dinalhan na kita"

Kinuha niya yung inabot ko. Sinimulan niya na itong kainin at alam kong nasarapan ito sa pagkain. Paano ba naman kasi eh subo ng subo parang hindi pinapakain sa kanila eh ang yaman-yaman naman.

Nang matapos ito ay uminom ito ng tubig "Salamat" tanging sabi niya. Nag thumbs up lang ako dito at pinag pa tuloy ang pagkain.

Si Kael ang tipong lalaki na may pagka suplado minsan lang rin yan kung kumausap sakin pero nararamdaman ko naman na pinapahalagahan niya ako bilang kababata.

Nagulat ako nang kaagad siyang tumayo at nag lakad "Hoy! San ka punta?" Tanong ko habang ngumunguya, hindi rin naman ito sumagot kaya dali-dali kong niligpit ang pinagkainan at kaagad sumunod sakaniya, at ayun nga sa classroom at natulog ulit.

Pagkauwi sa bahay ay nadatnan ko si mama na naghuhugas ng mga plato "Asan si papa, ma?" Tanong ko habang hinuhubad ang uniform. "Aba, parang hindi mo kilala ang papa mo ah. kamusta yung klase?" Tanong nito atsaka pinunas ang kamay sa damit. "Okay lang ma, kapagod" tinawanan niya lang ako "akyat muna ako ma" paalam ko, tumango naman ito.

Pagka akyat sa kwarto ay humiga kaagad ako, nag open ako ng messenger at chinat si Kael

:nakauwi ka na?

Hinintay ko ang sagot nito ngunit ilang minuto na ang lumipas eh hindi parin nag rereply. Baka busy isip ko nalang. Kaagad rin akong natawa, kailan ba nag reply ang lalaking iyon?

Nagising ako ng marinig na may nag aaway sa baba. Nandito na ata si papa "Aba't uuwi ka dito ng lasing? Ba't hindi ka nalang doon tumira sa mga barkada mo?!" Rinig kong sigaw ni mama. Kaagad rin akong bumaba "Aba, kung pwede nga lang eh doon na talaga ako!" Pabalik na bulyaw ni papa at lumabas muli ng bahay. Narinig ko ang hikbi ni mama, nilapitan ko ito at niyakap. Bakit ba lagi nalang ganito?

Take My HandOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz