Prologue

23 3 0
                                    

Magandang tanawin sa ilog. Mga paro-parong nag liliparan. Mga makukulay na bulaklak na kay sarap pag masdan. Simoy ng hangin na malamig kapag dumadapo sa balat.

Biglang naisip ko, kamusta na kaya si Kael? Hindi ko alam kung ano ang nangyari noong gabing iyon at kaagad na lamang siyang umalis.

Hindi niya ba ako matanggap? Ayaw niya bang masira ang aming pagkakaibigan dahil lamang sa namumuong nararamdaman?
Hindi ko alam kung bakit ganon.

Hindi ko namalayang may namumuong luha sa aking mga mata, kaagad ko naman iyong pinunasan. Natawa ako, bakit ba napaka babaw ko pagdating sa kaniya.

"Kung sana lamang ay maibabalik ko ang oras" bulong ko.

"Anong oras na ba?" Tiningnan ko ang relos at nakitang mag aalas tres na ng hapon. tumayo ako para umuwi na pero nagulat ako nang may tinig akong narinig

"Shane.."

alam ko kung kanino ang boses iyon. Humarap ako sakanya "Kael?" Nabigla ako ng kaagad niya akong niyakap "Na miss kita" sambit nito. Naramdaman ko ang tuloy-tuloy na pagpatak ng mga luha ko "Bakit mo iyon nagawa?" Tanong ko.

Take My HandWhere stories live. Discover now