Sais

7 0 0
                                    

“Hi,” pag-aalinlangang sabi ni Jaye, “Tulog ka kanina? Pasensya kung nagising kita.”

Bumangon ako at pinagpagan ang suot kong puting polo. “Nope. Nag-iisip lang.” Ibinaba ko ang paningin para tingnan ang relo. “You’re ten minutes late.” Sa hindi inaasahan, sigurado akong nanlalaking mata ko siyang tiningnan ng bigla na lang niya akong binatukan!

“Ang OA mo. Parang ten minutes lang,” dagdag niya pa.

“How dare you to do that?” Hindi ko pa ring makapaniwalang tanong.

“Ang alin ba?” Masungit at malakas na boses niyang tanong. Dinaig pa ang speaker ng nasa kabilang bahay namin.

“Bakit mo ako binatukan?” pagtatanong ko habang nakahawak pa rin doon sa tinamaang parte ng ulo ko.

Napatampal siya ng noo at nag-aalalang tumingin sa akin, pero bigla na lang nag-iba ang emosyon niya at tinaasan ako ng isang kilay. Nakacross arm pa talaga. Ang bilis namang mag-iba ng mood Ang babaeng ito. “Eh Ikaw kasi!”

Bumuntong hininga ako at ipinagwalang bahala ang sinabi niya. Inilahad ko ang kanang kamay ko astang may kukuhanin. “Give me back my phone.”

“Atat na atat.” Aniya habang nagkakalkal ng bag. “Parang phone lang. Eh kayang-kaya mo namang bumili niyan. Mayaman nga kayo eh.”

Napakunot noo ako dahil sa sinabi niya. “I can afford, but doesn't mean I carelessly spend my money. And I’m the one who bought this phone. Sariling pera ko ang pinamili. Galing sa ipon. At mayroong importanteng bagay sa loob—”

“Nyenyenyene,” sabi niya habang nagmamake face. “Eh di wow!”

Ipinagwalang bahala ko ang sinabi niya at in-inspect Ang phone kung maayos pa ba. Inuubos ng babaeng ito ang pasensya ko.

“Siya nga pala, Jhante,” sabi niya.

"It’s not Jant,” pagtatama ko sa pagbigkas niya sa pangalan ko, “Pronounced it the same way with haunt.”

“Okay, Jhante,” sabi niya na tumatango-tango pa.

Binalik ko ang paningin sa cellphone habang inusisa ang pagtawag niya sa pangalan ko kanina. “What?”

“Ang sungit mo naman,” sabi niya. Tiningnan ko lang siya at hindi nagsalita. Kaya wala siyang nagawa kundi ipagpatuloy ang sasabihin. “Kinuha ko ’yong pera sa loob ng phone case mo. 500 ata ’yon, pero huwag kang mag-alala babayaran ko kapag nakuha ko sahod ko. Kinailangan ko lang talaga ang pera. Kaya sorry talaga,” dagdag niya.

Bumuntong hininga ako at ipinasok ko sa bulsa ang phone. “Saan mo ba ginamit ang pera?”

“A-ano kasi,” nauutal niyang sabi,“m-may pinaggamitan kasi ako sa—” Hindi niya natuloy ang sasabihin dahil naagaw ang atensyon naming pareho sa Kalam ng sikmura niya. Sabay kaming napatingin sa tiyan niya at magkasabay ring nag-angat ng tingin. Hindi siya makatingin sa akin tila nahihiya.

Napabuntong hininga ako at napakurot sa tungki ng ilong ko. Hinawakan ko ang ibabang parte ng braso niya at hinila siyang maglakad.

“W-woy! Teka! Teka! Saan mo ako dadalhin?” pagtatanong niya habang nagpupumiglas.

Hindi ako sumagot at hinila siya papuntang canteen. Ipinalibot ko ang paningin sa kabuuan at naghanap ng bakanteng table. Nang may mahanap, pinaghila ko siya ng upuan at pinaupo. “Stay here whether you like it or not.”

Naglakad ako papunta sa dulo ng counter para kumuha ng tray at lumapit sa cashier. “One cornsilog and two chicken egg sandwich. Tatlong mineral water na rin. Pakilagay sa isang plastic bag ang isang chicken egg sandwich at isang mineral water, ate.”

Almost an EndWhere stories live. Discover now