Chapter 21: Ambush

241 20 8
                                    

"Sigurado ka na ba sa binabalak mo, Cordelia?" Napabaling ako kay Aavir noong magsalita itong muli. Maingat naman akong tumango sa kanya at umayos nang pagkakaupo.

Kanina pa umalis ang ibang mga officer ng Apex Tribe. Pagkatapos nang pagpupulong namin tungkol sa kung anong gagawin para mahuli lahat ng spy sa lugar na ito, mabilis na i-dinismiss ni Aavir ang mga ito. Maging si Esther ay umalis na rin at tanging kaming dalawa na lamang ang naiwan sa malawak na sala ng bahay na ito.

"I need to know what kind of prophecy she saw that day, Aavir. Kailangan kong malaman kung anong klaseng propesiya ang sumira sa buhay ko," seryosong saad ko sa kanya.

Sa totoo lang ay naaawa ako kay Cordelia. She's a princess! The first born of the current royal family of this realm! Dapat ay iba ang buhay nito ngayon! She should be living inside that luxurious castle! Hindi iyong nanirahan siya sa tila kulungan na shelter mansion ni Carolina!

"At kung malaman mo ang totoo, ano na ang susunod mong gagawin?" tanong muli ni Aavir sa akin. "Babalik ka ba sa palasyo?"

Nagkibit-balikat ako sa kanya. "Depende sa kung anong klaseng propesiya ang malalaman ko sa Oracle, Aavir. Masasagot ko lang ang tanong na iyan kapag nasa Evraren na ako."

Hindi na ako pinalabas pa ni Aavir sa malaking bahay. May mga silid naman daw dito kaya naman ay dito na ako magpapalipas ng oras hanggang sa magsimula na kami sa gagawing operasyon.

Yes. We're having an operation here! Operation: Capture all the freaking spies!

Sa dami ng miyembro ng Apex Tribe, hindi ko alam kung paano namin sila mahuhuli lahat. I have an idea, but I doubt if Aavir and the rest of the officers will agree with me. Afterall, masyadong risky iyon. Maaaring mapahamak ang ibang miyembro kung ang ideyang nasa isip ko ang susundin namin.

Hindi ko na namalayan pa ang oras. Nakatitig lang ako sa kulay puting kisame ng silid na kinaroroonan at noong marinig ko tunog ng kampana, hudyat na iyon para simulan ang operasyon namin.

"Listen carefully, Cordelia. Tuwing alas kuwatro ng hapon, pinapatunog namin ang kampana na nasa tuktok ng isa sa matayug na gusali na mayroon kami rito sa Apex Tribe. Members of our tribe will be busy with their respective assignments, kaya naman ay may pagkakataon ka para tingnan sila," seryosong saad sa akin ni Aavir. "Some will be out of their homes and meet other members. May kanya-kanyang rules ang bawat miyembro ng Apex Tribe at tanging sa oras na lamang iyon makikita mo ang halos lahat na narito ngayon sa loob ng tribe."

"Paano niya naman makikita lahat ng may dark energy sa maiksing oras mamaya? At paano natin malalaman na iyon nga ay isang spy? She just can't shout it out and tell us that he or she a spy! Magkakagulo ang mga miyembro, Sir Aavir!" turan naman ng isang lalaking officer.

"I think Cordelia knows exactly what to do now. Right, Cordelia?" makahulugang tanong ni Aavir sa akin na siyang ikinakunot ng noo ko na lamang.

Isa lamang ang sumagi sa isipan ko noong sambitin iyon kanina ni Aavir sa akin. Maliban sa nakikita ko nga ang kung sino mang may dark energy sa katawan nila, tanging ang gumawa ng isang magic circle gamit ang kamay ko ang kaya kong gawin ngayon. So, Aavir wants me to create a magic circle and confirmed with them all the members with dark magic.

And I only have one hour to do it! Isang oras lang magtitipon-tipon ang mga miyembro at pagkatapos noon, babalik na sila sa loob ng kani-kanilang bahay. At kapag mangyari iyon, kailangan naming maghintay muli para gawin ang operasyong ito!

"Okay, Cordelia. Let's see if kaya nating gawin itong nais nilang mangyari," mahinang turan ko sa sarili at bumangon na mula sa pagkakahiga. Maingat akong kumilos at noong nakalabas na ako ng silid, agad na bumungad sa akin si Maori at Howard. Seryoso nila akong tiningnan at mayamaya lang ay maingat na yumukod. Napakunot naman ang noo habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Realm of the EastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon