Possible Story?

8 0 2
                                    

When he said those words, parang namulat ako sa reyalidad,

"Ahh... Kaibigan lang kami. Kaibigan lang pala."

Kaibigan...

Kaibigan...

Parati iyon umuulit sa isipan ko, hanggang sa pagpasok ko ng kwarto ko, unti-unting tumulo ang luha ko.

A-akala ko, okay na kami. Akala ko maliwanag na ang lahat. Ni hindi nga ako nakapagreact sa sinabi niya.

Ganito pala yung pakiramdam na masampal ng katotohanan? Bakit hinayaan kong itumba yung mataas na pader ng pagiging matatag ko para lang sa kaniya? Sino ba siya? Sino?

Ah, oo. Siya pala yung ex kong halos ibigay ko na sarili ko kahit alam ko namang ayaw na niya sakin. Siya pala yung ex kong alam niya in the first place na may mga pagkukulang siya, still wala siyang ginagawang effort para bumawi.

Ganon ko na ba naging pabaya yung sarili ko para ganito yung mangyari? Malakas nga ba kumpiyansa ko sa sarili ko para hindi ko makita?

Bakit? Kasi kaya mo kong paikutin sa mga salita mo?

Ang sakit. Ang sakit ng dulot ng pagiging tanga ko.

Hindi ko rin siya masisisi kasi ako rin may kasalanan.

Nakakainis! Yung puso ko tumatambol ng mabilis hindi dahil sa kinilig ako kundi dahil sa tindi ng galit ko... umiiyak ako ngayon.

Umiiyak dahil sa pagkakataong ito, niloko ko na naman sarili ko. Sinisisi ko sarili sa pagiging tanga ko!

Ano ba ang meron bakit ganito yung mga lalaking nakakatuluyan ko?

I've hated myself over time pero wala ng mas ikakasakit pa nito.

"I love you, friend."

Pinagtatawanan na ako ng isa ko pang karakter sa katawan, alam kong ang lakas-lakas ng tawa dahil kita mo? Iyang katagang iyan, iyan pa sasabihin habang papaalis siya.




----

I am actually crying right now. Gusto ko nalang magpataob sa lupa para lang itago ko sarili ko sa kahihiyan. For once, di ko aakalaing gagawin akong tanga at hinayaan ko sarili ko maginga tanga!

I'm sorry pero yung gigil ko, pinapakalma ko baka ako magwala dito sa lugar na tahimik. Yung mga tao dito, natutulog na.

I've written this maybe gawin ko siyang story someday. Triny ko lang siya.

If you think magandang ipagpatuloy yung ganitong scenario, let me know your ideas, suggestions and agreement.

I wrote these scenes kasi masakit na masiyado. Pasensiya na. I am very sorry for my rude words on the scenes. Goodnight!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 06 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Deceived Hearts: A Tale of Love and ManipulationWhere stories live. Discover now