CHAPTER 17

141 9 3
                                    

Eng

Patuloy parin kami sa paghahanap kay naria dito sa mall pero hindi parin naman sya nakikita dito.

"Saan ba nag punta yung kaibigan mo" sabi ni patricia.

"Hindi ko nga alam eh, kaya nga hinahanap natin diba" sabi ko sakanya.

"Kamusta naba iyang paa mo?" tanong ko naman sakanya.

"Masakit pero nakakaya ko pa naman" sabi nya.

Kaya napatingin ako sakanya naawa naman ako kaya naisipan kong magpahinga na muna kami kakahanap.

Yung mga tao patuloy din naghahanap sa kabilang nawawalang mahal sa buhay dito yung iba ay umiiyak na sa paghahanap.

Naria saan kaba nagpunta bakit hindi ka namin mahanap hanap. Palinga linga naman ako sa paligid baka sakaling makita ko sya.

Kakalinga ko ay parang nahagip sya ng mga mata ko kaya napatayo ako para tingnan kung sya talaya. Nung nakita ko syang lumingon sa kasama nyang matanda na mukhang tinulungan nya kaya sinigaw ko na ang pangalan nya "nariaa!" sigaw ko sakanya na ikinatayo din ni patricia.

"Tawagin mo na sya para nakalabas na tayo ditoo" arte nyang sabi.

Naglakad naman ako papunta sakanya nakarinig naman ako ng pagbagsak sa sahig kaya napalingon ako sa tunog na iyon.

Si Patricia nabangga ng nagmamadaling tao kaya napa bagsak sya sa sahig, napatakbo nanan ako sa kanya.

"Aray yung paa ko ang sakitt!" naiiyak na nyang sabi.

"Teka, bubuhatin na kita hanggang sa paglabas" sabi ko sakanya tyaka sya binuhat na pa bridal style.

Sumulpot naman saamin si naria.

"San kaba napunta akala ko kung ano na nangyare sayo eh!" sabi ko na pagalit na sakanya.

"Pasensya na lalabas na sana ako kaso biglang gumuho kaya napabalik ako sa loob, inaantay ko muna na mag stop tyaka na ako lumabas" mahabang sabi ni naria saakin.

"Kaso may nakita akong matanda na nadapa eh kaaya tinulungan ko ayun" dagdag nya pa.

"Wala naman bang masakit sayo, ayos ka lang ba?" alalang tanong ko sakanya.

"Unting gasgas lang naman" sagot nya.

"Anyare jan sa kasama mo?" tanong nya.

"Nabangga tas sumakit lalo yung paa kaya ganyan nangyare sakanya, kailangan na natin makalabas dito" sabi ko sakanya habang buhat buhat si Patricia.

Napansin ko naman na may dumadating na mga tumutulong sa mga taong na stock padin dito, napansin ko din na may mga tunog ng mga ambulance kaya nagmadali na akong lumabas.

Sa ibang exit na kami lumabas kasi malapit na ito saamin kung dun mismo pa sa pinasukan namin kanina ay mapapalayo pa kami kaya dito nalang kami lumabas.

Pagkalabas namin kaagad, nagulat nalang ako naandito yung apat na nag aabang, may nag asikaso nadin saamin na mag gagamot.

Inilapag ko naman na si Patricia, may lumapit naman sakanyang mga nurses at dali dali syang check.

Tumakbo na si naria kay clarisse, nagkayakapan pa sila halata sa mukha ni clarisse na super alala nya kay naria.

Dali naman napa takbo saakin si lot, mabilis nya akong niyakap kaya niyakap ko nadin sya habang hinahaplos ko ang mga buhok nya.

"Wag kana mag alala ligtas kaming nakalabas" mahinhin kong sabi sakanya.

Humiwalay naman na ako sa yakap, naalala ko ang kalagayan ni patricia kaya dali dali akong nagtungo sa loob ng ambulance.

My secretary is My Childhood FriendWhere stories live. Discover now