CHAPTER 12 - Long Term Girlfriend?

147 10 0
                                    

Eng

Maaga akong pumasok sa office, may importanteng pupuntahan about duon sa dalawang bata tyaka kay lola may kakausapin akong tao para matulungan sila.

Hindi ko inaabala pa si lot alam kong pagod yun sa gala namin kaya ako nalang ang mag aasikaso para duon.

Papatulong nalang siguro ako kay Trisha may alam kasi sya kung pano ko matutulungan ung dalawang bata tyaka si lola, pupunta nalang siguro ako sa place nya.

Kaya bumaba na ako, pumunta muna ako kay gian para sya muna ang bahala dito.

"Gian ikaw na muna ang bahala dito, pag hinanap ako ni Miss Dela Cruz sabihin mo may lakad, thank you" sabi ko kay gian tyaka umalis na ako.

Dumiretso na ako kaagad sa parking lot, malapit lang naman yung place ni trish dito sa company ko kaya mapapabilis lang ang byahe ko.

Agad ko din pinark ung kotse ko at dali ng pumasok sa loob dahil naka condo lang din itong si trish.

Friend ko si trisha nung college kami meron pa naman akong naging kaibigan kaso hindi ko na alam kung saan sila ngayon, si trish lang ang malapit saakin pero hindi gaano kami nakakabounding busy din sya sa work nya.

Kumatok muna ako, maya lang din ay bumukas na yung pinto laking gulat nya naman na makita ako.

"Fa, naparito ka pasok ka muna" sabi nya kaya pumasok naman na ako sa loob.

"Busy kaba sa work mo Trish?" tanong ko sakanya.

"Hindi naman gaano bakit mo na itanong?" sabi nya.

"Papatulong sana ako eh, may nakita kasi kaming dalawang bata na pagala gala duon sa park tas may kasama pang lola, naisipan ko nga na sa orphanage nalang eh kaso ayaw nung dalawang bata pano kaya iyon trish?" paliwanag ko at tanong narin sakanya kung may case sa ganoon.

"Oh sige, maghahanap ako kung sinong pwedeng mag adopt sakanila, ako na ang bahala tatawag ako pag may mag aadopt na" paliwanag nya kaya laking tuwa ko ng marinig iyon kaya agad ko syang niyakap.

"Hey fa, di na ako makahinga" reklamo nya naman kaya kumalas na ako ng yakap.

"Thank you talaga trish ah" ngiting sabi ko sakanya.

"Ano kaba wla yun noh tyaka pag humingi din ako ng tulong sayo tudo help kadin saakin eh kaya fair lang tayo" sabi nya sabay tapik sa braso ko.

"Kamusta ka nga pala" tanong ko dito.

"Okay lang naman ako minsan busy sa work pero nakakapagpahinga naman kahit papano" natatawa nyang sabi.

"Dpat lang na magpahinga ka noh wag mo pabayaan sarili mo lalo't mag isa kalang dito" alalang sabi ko sakanya.

"Oo na, thanks sa concern saakin" ngiting sabi nito saakin.

"Oh sya mauna na ako tawagan mo lang ako ah same parin naman ang number ko" sabi ko dito at tumayo na.

"Sige na ingat ka" taboy pa nito saakin palabas.

Habang nasa byahe ako nag ring naman ung phone ko kaya dali ko iyong sinagot.

"Hello sino toh?" takang tanong ko dito habang nakatingin sa daan.

"Hi babe, i want you to know na I'm here at the airport so can you fetch mo here?" masiglang sabi nito.

"Ok fine, on my way" sabi ko dito tyaka ibinaba na ang tawag.

Nakabalik na pala sya at ako pa talaga ang naisipan nyang magsundo sakanya hays wala na akong nagawa imbis na pabalik na sa office napunta pa sa airport.

My secretary is My Childhood FriendWhere stories live. Discover now