CHAPTER 4 : CARD

10 4 0
                                    

SHAINE'S POINT OF VIEW

Pumasok ako sa klase ng lutang pa rin ang isip. Iniisip ko pa rin kung sino 'yong lalaki na 'yon. Bago lang talaga siya sa paningin ko pero may kakaiba sa aking pakiramdam ng makita ko siya.

Ang weird 'di ba?  Ang mas weird pa ay umiyak ako no'ng nakita ko siya, hindi ko rin maipaliwanag kung bakit ang gian ng pakiramdam ko no'ng nakita ko siya at kung bakit bigla rin akong nakaramdam ng sakit kaya ako napaiyak.

Damn!

Mayroon talagang something 'don, hindi ako nito patutulugin, eh. Tirik pa nga ang araw hindi na ako magkamaliw sa kakaisip kung sino ba talaga 'yon.

Kung sino man siya, fvck him! Sinisira niya ang araw ko at binigyan niya pa ako ng ganitong weird na feeling.

I am busy mocking when suddenly an idea come up into my mind.

What if mag-investigate ako about him?

But, how? Baka nga mamaya pag-uwi ko ay wala na 'yon do'n. Ay malamang, may bahay 'yon siyempre uuwi 'yon sa bahay nila. Pero saan ang bahay niya?

Napasabunot na lamang ako sa aking sarili dahil sa sobrang inis. Damn, him! I really hate this man.

Bigla naman akong nabalik sa reyalidad nang maramdaman ko ang pagkalabit ni Leah sa 'kin. Dahan-dahan naman akong napalingon sa likod ko, and I saw her with a blank face.

Tinaasan ko siya ng kilay at inis na sumagot.

"What?" habang nakanatiling nakataas ang kanang kilay ko.

"Are you okay?"

"Yeah, I'm fine. Just don't mind me." medyo putol-putol din ang salita ko dahil hindi ko rin maproseso sa utak ko kung ano ang dapat kong sabihin.

Tinanguan niya na lamang ako at nakinig na ulit sa teacher naming panot na nagle-lecture.

"CLASS DISMISS!!!" sigaw no'ng teacher.

Ini-angat ko na rin ang aking ulo na galing sa pagkakatulog. Yes, you're right. Galing ako sa tulog, hindi ako nakinig at wala akong pakealam kung may na-miss akong quiz.

Kayang-kaya ko 'yon habulin at isa pa, as if naman kaya nito akong ibagsak? Subukan niya ng mawalan siya ng trabaho.

May hangover pa ako saka antok pa 'ko. Kailangan kong matulog dahil gusto ko. Wala rin namang kwenta ang mga sinasabi niya. Paulit-ulit na lang ang itinuturo naririndi na lang ang tainga ko sa kakarinig ng mga sinasabi niya.

"Shaine, tara sa cafeteria." yaya ni Lyca pagkatayo sa upuan.

"Sige." tipid kong sagot.

Inayos ko na ang sarili ko bago kunin ang bag ko at tumayo.

Nakita ko rin na nandoon na sa labas sila Kiko at Ethan, naghihintay sa 'min.

Hindi kami parehas ng section, kase hindi naman kami parehas ng strand. Kaming mga babae ay ABM students samantalang sila ay STEM students pero simpleng 1 divided by 1 ay hindi alam ang sagot.

Hindi ko alam kung nagbibiro lang 'yan dalawang 'yan pero pagdating talaga sa division ang hina ng utak nila.

Parehas kaseng mag E-Engineer ang dalawa kaya 'yan ang kinuha nila.

Mag-STEM din sana si Lyca kase gusto niya mag-nursing pero takot siya sa dugo.
Si Leah naman ay gusto talagang magtrabaho sa bangko. Lahat kami ay may mga mamanahing kompanya pero ayaw namin, responsibilidad lang 'yan. Mas masaya kung nai-enjoy mo ang buhay mo.

Ayo'kong matulad kayna dad and mom na nakakalimutan ng may anak sila dahil sa puro trabaho ang inaatupag.

Napabuntong hininga na lamang ako.

The Red String Where stories live. Discover now