CHAPTER 3 : SOMETHING WRONG

Start from the beginning
                                    

Pagkatapos kong magpaganda ay inayos ko ang damit ko at palda ko na mini skirt.

No'ng palabas na ako ay may bigla akong nakalimutan.

"Eyeliner!" sigaw ko at dali-daling bumalik sa harap ng salamin.

Nilabas ko ang ginagamit kong pang eye liner at naglagay na sa gilid ng mata ko.

"Perfect!" ang ganda ko na lalo.

Singkit na mata with eye liner, maputing kutis at clear skin na mukha. May kissable lips at pointed nose with long eyelashes.

Hindi na lugi magiging asawa ko kapag ako ang napangasawa niya.

Tinignan ko ang relo ko upang alamin kung anong oras na.

7 a.m na ng umaga, mamayang 8 pa ang pasok ko.

Pagkatapos kong alalahanin kung may mga nakalimutan pa ba ako ay bumaba na 'ko ng kwarto ko.

Nakasalubong ko naman si manang Esther sa hallway. May dala itong tray at may mga nakalagay doon na pagkain, mayroon itong isang basong gatas at sandwich.

"Where are you going manang?" tanong ko rito ng magkalapit kaming dalawa.

"Ah, señora, dadalhin ko po sana ito sa room ninyo. Inutusan po kase ako ng mommy mo na dalhin 'to sa loob ng kwarto mo. Baka raw po kase hindi ka–" tinakpan ko ng index finger ko ang bibig ni manang.

"Enough na, manang. Ayo'ko ng marinig pa ang mga sunod mo pang sasabihin." binitawan ko na ang bibig ni manang.

Nanahimik na 'to at tumango na lang.

"Samahan niyo na lang ako sa pagbaba, ako na sana ang maghahawak niyan kaso obvious naman siguro na hindi ko 'yan mahahawakan ng isang kamay lang ang gamit."

"O-opo, señora." yumuko ito at nag-umpisa ng maglakad.

Pagka-alis ni manang ay bigla akong natigilan at napatanong sa sarili ko.

Ganoon na ba talaga ako katindi? Sobrang sama na ba talaga ng ugali ko? Well, kulang pa 'yon.

Kailangan ko pang galingan, 'yong pati si Satanas mapapamura sa ugali ko.

Naglakad na lang ako pababa ng hagdan, sinundan ko na lang si manang.

Nang makababa na kami ay dumeretso kami ng dining room, nakita ko roon si mommy at daddy.

Si mommy ay kumakain habang si daddy ay busy na magbasa ng diyaryo niya.

"Shaine, umupo ka na rito." agad na yaya sa 'kin ni mom ng makita niya ako.

Hindi ko naman siya tinignan at deretsong umupo sa upuan.

Ayaw ko ng magtagal pa doon kaya naman binilisan ko na lang ang pagkain ng maya-maya ay bigla akong sinaway ni daddy.

"Shaine! Ano bang klaseng pag-uugali 'yan habang kumakain? Para kang patay gutom!" sigaw nito.

Hindi ko siya pinakinggan nagtuloy-tuloy lang ako sa pagkain ko, pagkatapos ay tumayo na sa upuan. Hindi ko na sila tinapunan pa ng tingin man lang bago umalis.

Nakita ko pa sa peripheral vision ko na napailing-iling na lang si dad sa inasta ko.

Sainyo na 'yan pagkain niyo, ang damot niyo. Mabuti nga kumakain pa 'ko kaysa hindi, eh. Tapos ano? Sasawayin ako sa pagkain ko? Wow!

Tangina talaga, mapapamura ka na lang talaga.

Lumabas na 'ko ng bahay at dumeretso sa garage, agad kong tinawag si kuya Jojo.

"Kuya Jojo! Tara na alis na tayo. I'm going to school na." sigaw ko sa driver namin.

"Sandali po, ma'am!" at nakita ko siyang galing sa maid rooms, anong ginawa no'n do'n?

Pawis na pawis pa siya, don't tell me???

Nang makalapit siya ay agad akong lumayo at pinagsabihan siya.

"Fix yourself, ang pawis mo pakipunasan siguraduhin mo rin na nalinisan mo ang kamay mo ng mabuti. Disgusting!" natukoy niya siguro kung saan tungkol ang sinasabi ko at inirapan ko siya.

Napayuko ito sa 'kin.

"S-sorry po, ma'am." ngayon ko lang 'to nakitang ganito, sino kayang inano nito doon sa maids room.

"Tsk." nagsungit ako at hinintay na pagbuksan niya 'ko ng pinto.

Agad itong lumapit sa kotse at binuksan ang passenger seat. Pumasok naman ako agad sa loob at bahagyang napalayo sakaniya sa pagpasok.

Isinara na niya ang pintuan ng kotse at pumasok na rin sa loob. Umupo siya sa driver seat, malamang saan pa siya uupo?

"Pakibilisan, mala-late na ako." mando ko rito.

Pina-andar naman nito agad ang makina ng kotse. Isinuot ko rin ang seat belt at prente ng umupo sa likuran.

Kusa namang bumukas ang gate namin at lumabas na kami doon.

Pagkalabas namin sa main gate ay may nahagip naman ang mata ko na isang lalaki.

Nandoon siya naka-upo sa isang bench na nasa lilim ng malaking puno sa harapan ng bahay namin. Sino 'yon?

Bago ang mukha no'n, ah. Bagong salta ba siya rito sa village?

Napukaw nito ang atensiyon ko dahil ang kulay ng damit na suot niya ay color black which is my favorite.

May hawak din itong white tulips. Panay amoy din siya doon. Mas lalo akong naging curious kung sino 'yon dahil gwapo at amo ng mukha nito.

Damn! Baka ako ang hinihintay nito rito sa bahay na lumabas?

No'ng nakita ko rin siya bigla rin nag-iba ang pakiramdam ko, parang sobrang gaan ng loob ko ng makita ko siya.

Naramdaman ko rin na labis ang saya ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, hindi ko rin namalayan na bigla na lang tumulo ang luha ko.

"Ma'am, ayos lang po ba kayo?" muli ako nakabalik sa ulirat ng tanungin ako ni kuya Jojo.

Agad ko namang pinunasan ang luha ko.

"Magmaneho ka nga lang, doon ka tumingin sa dinadaanan mo!" sigaw ko rito.

Bakit ako umiyak? Anong dahilan?

Hindi nga ako umiiyak kapag napapagalitan ako ng mga parents ko tapos no'ng nakita ko siya ay bigla na lang akong umiyak? Worst, wala namang dahilan kung bakit ako napaluha na lang bigla.

Pakiramdam ko may mali.

Wala sa 'kin 'yong mali, 'yong taong 'yon ang may mali.

Mayroon talagang something wrong sa lalaking 'yon.

-------&.&-------

The Red String Where stories live. Discover now