Una niyang hinanap sa kusina ang dalaga dahil baka tumutulong ito roon pero bigo siyang makita ito. Sinunod niyang puntahan ay ang kuwarto nito, kumatok siya pero walang sumasagot. Pinihit niya ang seradura at hindi iyon naka-lock. Iyon nga lang, wala rin doon ang dalaga.

“Nandito ka lang pala. Muntik ko pang itaob ang buong mansiyon, makita ka lang. Dito ka lang pala nagtatago.” Nang sa hardin na siya magpunta, kung saan nandoon din ang pool area, nakita niya si Isadella na nakaupo sa lounge chair at may hawak na libro.

Hindi siya pinansin ng dalaga, nagpatuloy lang ito sa pagbabasa na para bang wala siya roon. Umupo siya sa inuupuan nito pero sa may tabi siya ng paa nito naupo. Kaya bahagyang umusod ng kaunti ang paa ng dalaga palayo para hindi madantay ang paa nito sa kaniya.

“So, what are you reading? Care to share?” tanong niya rito pero ilang minuto ang lumipas, hindi pa rin ito nagsalita.

Ang pisi ng pasensiya niya ay unti-unti ng lumiliit. Pero dahil ang balak niya ay mapalagay ang loob ni Isadella sa kaniya, sasabayan niya ito. Sasabayan sa kung ano ang gusto nito. Naisip niya kasi kung pipilitin niya ang dalaga, baka mas lalo lang itong maging aloof sa kaniya.

Gusto niyang makuha ulit ang tiwala ni Isadella para kapag muli niya itong tatanungin, may sagot na siyang makukuha mula rito.

“Pwede ba akong makibasa sa ‘yo? Kung ayaw mo naman sabihin ang binabasa mo, makikibasa na lang ako.”

Tatayo na sana siya para tumabi talaga sa dalaga, para namang biglang bumalik ang dila nito. “Hindi ako nagbabasa, tinitignan ko lang ito. Bakit ka ba nandito? Wala ka bang gagawin ngayon?”

Hindi ito nakipag-eye contact sa kaniya. Nanatili pa rin ang mga mata nito sa librong hawak.

“Gusto mo, ako na lang ang magbasa? So, I’ll be able to share it with you. How’s that, hmm?”

Tila umaalab ang mga matang tumingin sa kaniya ang dalaga. “Pwede ba, Gionne? Hindi ko kailangan ang presensiya mo. Kaya ko ang sarili ko. Marunong akong magbasa. Kaya kong basahin ito kung hindi ka lang istorbo.”

Siguro dahil naputol na ang pisi ng pasensiya niya. Nakapagbitiw siya ng salita na agad din naman niyang pinagsisihan. “Hindi ba dapat ay hindi ka nagpapahinga? Binabayaran ka sa mansiyon na ito para magtrabaho. Alila, alipin, muchacha, katulong o anumang tawag sa isang katulad mo, ay dapat nagta-trabaho. Pero para kang prinsesa rito sa may pool area. Paupo-upo at pabasa-basa lang. Hindi mo pa nilubos, bakit hindi ka nagsuot ng swimsuit para sana ay nag-si-swimming ka rin? Kawawa naman ang ibang katulong, may special treatment ang isa nilang kasamahan.”

“I don’t care what you say, Gionne. Alam ko kung ano ang ginagawa ko. Hindi ko rin inaabuso ang binibigay sa akin ng mga magulang mo. Kung wala ka rin namang magandang sasabihin, mabuti pa, umalis ka na lang.”

Tumayo na si Isadella at lalakad na sana papalayo sa binata pero mabilis na hinawakan ni Gionne ang wrist niya. “I . . . I’m sorry. Nakakainis lang kasi. I was talking to you nicely but you kept on shutting me out. Can’t we at least be friends?”

Isadella laughs at him in a mocking way. “Oh, really? Really, Gionne? Friends? Utot mo, t*nga! Hindi pakikipagkaibigan ang gusto mo. We both know what you want and I’m not d*mb to fall for your sweet words again. Minsan na akong nagpakat*ng* sa ‘yo at ‘di na ‘yon mauulit ulit.”

“Oh, Ella, I can’t wait for you to eat your words. I won’t stop, I’ll still pursue you. Ikaw na lang ang mapapagod at bibigay sa kakulitan ko.” He wink at her then give her a quick kiss on the left cheek before leaving her.

Na-fu-frustate naman na tinawag siya ng dalaga pero tanging tawa lang ang ibinigay niya rito. Bago siya tuluyang umalis doon, binigyan niya muna ng flying kiss ang dalaga na mas lalo namang nagpakulo sa dugo nito.

Steps to YoursWhere stories live. Discover now