Parang kasing pula na ako nang kamatis na ngayo'y sa pag nakaw niya na lang ng halik aa labi ko. Hinawakan na lang ni Dakila ang ulo ko at bahagyang ginulo na lang iyo nang konti na tumitig na lang ako sa guwapong mukha ng aking asawa.

"Ingat ka dito mahal, una na ako." Paalam na lang ni Dakila na nag pakawala na lang siya nang matamis na ngiti sa kanyang labi na makita ko na lang ang maputi at pantay-pantay niyang ngipin.

Naririnig ko na mismo ang malakas na kalabog ng aking puso na nangangatog na nanghina naman ang mga tuhod ko na ngayo'y umaapaw ang saya at kilig na aking naramdaman dahil nakita ko siyang ngumiti sa unang pag kakataon.

Ang guwapo.
Ang guwapo niya pala kapag ngumingiti.
Nakaka akit.
Nakaka hulog nang husto.
Ang sarap-sarap niyang pag masdan kapag ngumingiti.

Hindi na lang ako nakapag salita at para na akong tangang hindi na lang maalis ang mata kay Dakila na ngayo'y nag lakad na palabas nang balay namin at kumaway na lang sa akin tanda ng pag papaalam nito.

Sinundan ko na lang siya ng tingin hanggang kusa na siyang nawala sa aking paningin.

Naka pako lang ang aking mata sa pintuan na kanyang nilabasan at hanggang ngayon hindi pa rin ako makapag react sa aking nararamdaman.

Wala sa sariling napa hawak na lang ako sa aking labi, na hinalikan kanina ni Dakila.
Kahit wala na siya, naramdaman ko pa rin ang lambot at tamis nang mag lapat ang aming mga labi kanina.

Kinilig naman ako at para bang may nag liliparan na mga paru-paro sa aking tyan.

Sumilay na lang ang matamis na ngiti sa aking labi at napa hawak na lang ako sa aking dibdib, na hindi pa rin humuhupa ang malakas na kalabog ng aking puso.
Ito na ba iyon?
Unti-unti na akong nahulog sakanya nang tuluyan.

DOLORES POV

Unti-unti na lang sumilay ang matamis na ngiti sa aking labi na marinig na lang ang bagong binalita sa akin ni Bughaw. Nilayo niya na ang bibig niya sa aking taenga na may binulong at pag katapos maanggas na pomosisyon siya ng tindig lamang sa aking likuran, na dalawang hakbang lang naman ang layo sa kinatatayuan ko.

"Talaga ba, Bughaw? Ginawa iyon ni Makisig kay Ligaya?" Lalo pang sumilay ang ngiti sa aking labi. Hindi maipaliwanag ang aking nararamdaman sa bago kong nalaman na balita.

Balitang nag papasaya at gaan na naman sa aking dibdib sa aking mga nalaman.

"Opo, Binibini." Malagong na salaysay naman ni Bughaw na pinag patuloy ko na lamang sa pag lalakad, ramdam ko na lang ang presinsiya niyang pag sunod sa akin sa pamamaraan ng yabag ng paa nito sa lupa.

"Hmm, nakaka-hanga." Kibit-balikat ko pang turan. "Buong akala ko tumigil na si Makisig sa kabaliwan niya kay Ligaya no'ng siya ikasal sa iba. Ngunit parang hindi pa pala. Para siyang asong buntot na buntot pa rin sakanya." Maka hulugang tinig sa aking labi.

"Ipag papatuloy ko pa ba Binibini, ang pag manman sa lahat ng ginagawa at kinikilos ni Makisig?"

"Oo," aniya ko. "Manmanan mo pa si Makisig at baka may maka kuha pa tayo sakanya." Naging mataray na lang ang aking mata at walang emosyon na lang ang gumuhit doon.

Taas-noo na lamang akong nag lalakad na hindi na sumagot pa si Bughaw, hanggang mapadpad kami sa Bayan. Pinapanuod at pinag aaralan ko ang mga ginagawa ng mga Ka-Nayon namin, hindi ako mag sasawang pag masdan sila na abala sa kanya-kanya nilang mga ginagawa.

May mga nadaanan pa kaming nag titinda sa kaliwa't-kanan namin at mga masasayang mga taong ngumingiti at binabati na ako'y makilala nila.
Ilang minuto na naming binabaybay ang daan at napaka presko lamang ang hangin na aking nalalanghap. Hindi naman gaanong mainit dahil dapit alas tres na nang hapon na iyon kaya't nag karoon ako ng pag kakataon na mamasyal muna.

Hunk Series 4: Damian Garcia (ON-GOING)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin