Chapter 23

80 6 6
                                    

Solene

The year started out busy for Max and my cousin. Hectic ang schedule nila dahil nagsisimula na ang promotions: mall shows, interviews, press cons. Kaya naman minsan na lang kaming magkita ni Max.  I didn't mind it much at first because I was also busy with taping. Magtatapos na kasi ang teleserye. But when we finally wrapped things up and I had more time in my hands, I missed him more than usual and I guess that was inevitable. 

I'm just glad he still did his best to see me, usually on Sundays. Madalas late-night drive lang, o 'di kaya sa condo niya 'ko natutulog kapag hindi maaga ang call time niya kinabukasan. We stopped seeing each other at my place since their promo started. Gawa na rin 'yon ng pag-iingat dahil 'di gaya ng condo niya, wala namang mahigpit na patakaran ang building namin tungkol sa privacy ng mga taong kagaya niya.

"I actually like your stubble."

He chuckled without moving his jaw too much. 

"How about a full beard?"

Tumigil ako saglit at pinaningkitan siya ng mga mata.

"Hmm, I don't know. May plano ka, love?"

"I might."

I continued shaving him with the razor. Nakaupo lang ako sa sink habang siya naman ay nakatayo ngunit nakatukod ang mga kamay sa magkabilang gilid ko upang magkalebel ang mukha namin at hindi ako mahirapan.  Nangangalahati na 'ko kaya kalahati na lang din ng bibig niya ang mayroong shaving cream.

"Baka pagkatapos ng movie niyo? You'll be done with this project next week," I said. I've been keeping that in mind since the year started. Tila 'yon ang lubos na pinanghahawakan ko dahil sa wakas, malapit na ring matapos ang ugnayan nila ni Kai kaya hindi na 'ko lalamunin pa ng kaba o guilt sa tuwing nagkikita kami. We just have to get through this week, and probably a few weeks after but that's fine. The important thing is, Max and I can finally be more at ease with our relationship.

"You excited?"

I shook my head, stopping myself from grinning. He probably saw right through me. Sa halip na sagutin siya ay itinuon ko na lang ang pansin sa ginagawa. We spent the remaining minutes in silence. Ramdam ko ang minsang pamumula ng magkabilang pisngi dahil sa pagtitig ni Max. It didn't help that he was leaning over me, topless because I was wearing his shirt.

"Done," sabi ko bago siya itinulak ng mahina para makaalis ako sa sink. He was examining his jaw in the mirror when I asked, "Sinong unang maliligo?"

When a smirk appeared on his face, I knew I just gave him a crazy idea. I smacked his arm lightly as he chuckled. Hinarap niya 'ko at ipinulupot ang mga braso sa baywang ko.

"Nagmamadali ka, 'di ba?"

His tone was suggestive. This guy!

"Oo nga. I have to get ready and meet Kai."

Today is their last promo. Kinuha ako ni Kai bilang PA kaya kailangang mauna akong makipagkita sa kanya.

"We'll save more time if we shower together..."

Unti-unti na 'kong nahahawa sa malapad niyang ngiti. Umiling-iling ako ngunit hinayaan na lang din si Max na hubarin ang shirt. I saw how fast his eyes landed on my breasts.

"Sa mga titig mong 'yan, siguradong matatagalan tayo."

His devilish grin remained as he pulled me towards the shower.

"You know how good I am at time management, love."

Hindi ko na napigilan ang matawa. I tiptoed and reached for his lips. He kissed back with the same intensity while my hands untied the drawstrings of his pajama pants. Saglit na naputol ang halikan namin nang hinubad niya 'yon kasama ang underwear. My back hit the tiled wall when he kissed me again. Narinig ko na lang ang pagpihit ng shower at kasabay no'n ang pagbuhos ng tubig sa ulo namin. The water was a bit cold but we didn't mind. Halos hindi ko na rin naman 'yon maramdaman dahil sa init na dala ng mga halik ni Max, lalo na nang matagpuan ng bibig niya ang tuktok ng dibdib ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Behind The Scenes With Solene (Villaverde Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon