Who the hell is sleeping on my sofa and shirtless?!





I managed not to scream. Nagmadali akong kinuha ang walis sa gilid ng pinto at lumapit sa lalaking natutulog. He looked so damn comfortable! Sa sobrang gulat kanina ay nanghina ang mga tuhod ko at napasandal. Shit, Keira! Ano bang pinaggagagawa mo kagabi?! Sinong damuho ang kinaladkad ko rito kagabi?!





Napailing na lang ako at muling tumayo. Mas lalong sumasakit ang ulo ko. Naglakad na ako palapit at dahan-dahang tinutusok ang kanyang likuran upang magising. Nakataklob pa ang unan sa kanyang mukha habang yakap niya ito. Ang kapal ng mukha! Nilakasan ko lalo ang pagsundot ko sa kanya ng hawak ko.




"Mom, stop. 10 minutes..." biglaan niyang sambit nang hawiin niya ang dulo ng walis. Naramdaman niya na ang malakas kong pagtusok sa kanya. Hindi na ako nagdalawang-isip at hinablot na sa kanya ang unan na yakap at umamba nang hahampasin na siya ng tambo.





"Sino—" Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap nang tuluyan nang masilayan ang kanyang mukha.





"What the fuck is he doing here?" bulong ko sa aking sarili nang tumalikod ako sa kanya. Pigil na pigil ang kagustuhan kong sumigaw, dinadaan din sa paghinga ng malalim.






"Oh, you're awa—" Napatigil ako sa pagpapakalma ng aking sarili nang marinig ko siyang magsalita muli. At sa gulat, hindi ko sinasadyang tuluyan nang maihampas sa kanya ang walis na hawak ko.





"A-anong ginagawa mo rito?!" Tutok ko sa kanya ng tambo.





"And that's how you greet people — ouch..." Minamasahe niya ang kanyang ilong, medyo namumula rin ng kaunti ang kanyang pisngi. Mukhang sobrang lakas nga talaga ng pagkakahampas ko... Well, hindi niya naman ako masisisi ro'n!




"Answer me! Why are you here?! You're up to something?! You're stalking me?!"





"Pardon?" He looked offended when he finally turned his gaze at me. "Oh, sorry. My bad. I'm not supposed to be here. Where are my manners..." My broom followed him as he stood up and raised his hands, surrendering.





"Take your time to explain yourself. It's not hard to call the police."



"Whoa, chill. First thing's first, I don't have anything to do with you."




"Then why are you here?" Inilapit ko na tuluyan sa mukha niya ang walis. Hindi ko rin alam kung bakit siya natatawa ngayon. "You sure you want to hear it?" Ngisi niya. "If only you knew which one was your car last night..."





"Diretsuhin mo na nang makaalis ka na sa harapan ko."





And he did. He started telling me how fucked up I was last night... "Papasok ako sa kotse ko kagabi when I saw you passed out in my driver's seat. I tried to wake you up, but guess what? You're dead. Tinawagan ko na rin si Ninang at 'yong secretary niya — buong miyembro ng kompanya niyo to be exact but none of them answered either."




Napaiwas ako ng tingin. Kung ganoon, hindi lang pala ako ang bagsak mula kagabi? Parehas kaming hindi sinagot ng mga 'yon, eh... Nabalik ko lang ang atensyon ko ulit sa kanya nang hindi na siya nagsasalita. "Tapos? A-anong sunod na nangyari?"






"Sumuka ka na rin sa loob ng sasakyan. And since I have no choice, I drove you home at sumuka ka ulit. This time, sa akin na."




Nabuhayan ako lalo ng dugo nang maintindihan ko na ang nangyayari ngayon. "Iyong leather jacket..."




At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Where stories live. Discover now