5. Monday Ganap

0 0 0
                                    

April 1, 2024

Hi.

Kanina, habang nasa opisina ako, bigla na lang nangusap ang Lord sa akin about sa dapat na gawin para sa future.

"Worship and Evangelistic Night at Heroes Park"

Nasabi ko na yun sa mga kinauukulan hehe.

Pero syempre matagal na preparation yun.

At yun nga ang ni-reveal ng Lord, ako, as part of Mission Department ay need na mag-start ng preparation.

Simula kanina, pag-dating ko sa bayan, uupo ako sa mga benches sa Heroes Park at ipagpepray ko ang lugar kung saan kami magdadaos ng Event. Everyday hanggang sa dumating yung event na yun or hangga't hindi sinasabi ng Lord na tumigil ako.

Naupo ako and prayed for that event.

Then umuwi na ako kasi may prayer meeting naman kaming youth.

I tried my very best na hindi lingunin at tingnan si Guy pagdating ko, sa bandang likod na ako nakaupo. Pero sa peripheral view ko ay kita ko naman sya. Alam kong di ko naman sya kayang iwasan. Magka churchmate kami e.

Napansin kong ilang beses nya ako nilingon. Siguro ay nagtataka sya bakit wala pa ako kasi ang pwesto ko lagi ay sa harap. Kaya siguro sya nalingon (sana nga yun na lang.)
Kaya ang ginagawa ko, sa kabilang side talaga ako tumitingin para hindi ko sya makita.

Natapos ang prayer meeting. Hindi ko talaga sya nilingon, pinansin o anuman. Kahit magkatabi na kami or nasa likod ko sya. Deadma.

Then, nakasakay na sya sa motor, kausap ko ibang youth, tumigil sya sa harap ko kaya yung mga kausap ko napatingin din sa kanya. He offered a fist bump at me. Sa akin lang.

Sa totoo lang ayoko sana. Ilang segundo bago ako nagrespond. But then wala ako magawa. Mapapansin nya kung di ako magrespond. I fist bumped him and then he smiled. Wala ako sinabi. Ni hindi ko sinabing, "Ingat sa pagda-drive", na usual kong sinasabi sa lahat. Saka lang sya umalis. At ulitin ko ulit. Sa akin lang sya nag fist bumped. Sa mga kasama ko ay hindi.

Ang hirap.

Pero I still prayed for God's intervention about this thing. Kasi umaasa na ako, base sa mga napapansin at nararamdaman ko nga.

Ayokong tumagal at lumalim ito. Lord, alisin mo po ito.

TalaarawanWo Geschichten leben. Entdecke jetzt