"Kung gusto mo manood muna kayo ng DVDs?" Sabay pakita niya sa mga dvd.

"Oo nga, Rosie. May dalaw ka ba ngayon?" Tumawa si Callix.

Nakita kong nag iba ang ekspresyon ng mukha ni Jacob habang tinitignan si Callix. Galit siya. Anong ikinagalit niya sa sinabi ni Callix?

"Wala!" Sabi ko habang umiinit ang pisngi.

"Jacob... turuan mo ako ah?" Ngumisi ang flirt na si Belle habang ipinapakita kay Jacob ang gitara pati ang cleavage niya.

Sumulyap ulit si Jacob sakin. Tinaas ko na lang ang kilay ko.

"Pahiram ng laptop, Jacob. I mean... Uh... meron ka bang laptop?" Muntik na ako dun ah!

"Oo. Sandali lang." Tumakbo siya at umalis para kumuha ng laptop.

Binigay niya agad sakin ito. Sumang-ayon na lang ako sa ideya nilang uunahin nila ang practice. Gusto ni Belle na manood din kami ng dvd (kahit na di namin yun maririnig dahil sa ingay nina Jacob). Pero bago daw siya manonood ay magpapaturo muna siya ng gitara.

Nakita kong nasa likuran na ni Belle si Jacob. Hinahawakan ni Jacob ang mga daliri ni Belle para ilagay sa tamang strings... I looked away. Tinignan ko na lang yung laptop at nagulantang ako sa nakita kong wallpaper.

"Sh1t!" Sabi ko.

Lakas ng pintig ng puso ko. Agad kong isinarado ang laptop. Kinakabahan akong may makakita. Lumingon ako sa kanila. Busy si Callix sa pakikipag usap sa bandmates ni Jacob, si Jacob busy kay Belle, si Teddy ang nakakita sa nangyari.

Ang wallpaper ng laptop ni Jacob ay kaming dalawa sa Alegria. Dahan-dahan kong pinalitan ito ng kahit ano.

Ilang sandali ang nakalipas, nagsimula na sila sa pagpapractice habang kami ni Belle at Callix ay nandoon sa sofa. Sinubukan kong maging busy sa laptop lalo na nung kinanta na ni Jacob ang dalawang kantang nakakapagpaalala sakin saming dalawa.

Sinubukan kong di tumingin sa kanila pero tuwing naliligaw ang mga mata ko, lagi kong nahuhuli na nakatitig siya sakin. Umubo ako at narealize ko na baka malaman na ni Callix o di kaya ni Belle na may something kaming dalawa dahil sa pag titig niya sakin. Kainis talaga tong si Jacob!

Nang natapos sila sa pagpapractice, nag merienda muna kami habang nanonood ng dvd. Si Belle ang pumili ng palabas. Talagang Friends with Benefits pa yung napili niya huh?

Habang kumakain kami ng cake at napunta sa part na bed scene yung movie...

"Favorite part!" Tumawa si Callix at nakipag high five kay Jacob.

Syempre, katabi ko si Callix. Si Belle naman at Jacob sa kabila. Tahimik kaming nanonood ng bed scene. Tinitignan ko si Belle na hindi nakatingin sa bed scene kundi kay Jacob. Kulang na lang ay tumulo yung laway niya sa kakatingin kay Jacob eh.

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Where stories live. Discover now