Kabanata 19

0 0 0
                                    

                                  Seraphina

"Phina, sa'n ka pupunta?" Tanong ni Astrid. Simula nalaman niya ang tunay ko na pangalan tinawagan niya na ako sa 'Phina' inalis niya lang iyong 'Sera'

"Kay Valeria, sama ka?" Mabiliss siyang umiling bilang tanggi.

"Nex time nalang, mag da-date pa kami ni Luke eh!" Sabi niya at tinapik ako sa balikat ko bago nag lakad palayo.Bumili muna ako ng favorite ni Valeria na pizza bago pumunta.

"Oh"

"Thankyou, Ate!" Yumakap siya sa'kin at sinumulan kainin ang pizza na binili ko.

"Nasa'n si Nova?" Tanong ko sa kaniya.

"Ewan," kibit balikat na sabi niya at kumunot naman ang noo ko. "Pag-gising ko wala na siya diyan, may iniwan naman siya na notes at almusal ko"

"Anong nakalagay sa notes?"

"Chismosa ka pala, Teh?" Tanong niya pabalik at tumawa. Inirapak ko lang siya at ininom ang ice coffee na dala ko. "Sabi niya, ubusin ko raw iyong pagkain na dinala niya sa'kin, wala naman siyang sinabi na iba pa o kahit na kung sa'n siya pupunta"

"Ah," simpleng na sagot ko. "Anong araw ka makakauwi?"

"Bakit?" Kunot noong tanong niya. "Ate, ayoko!" Napangisi ako ng mabasa niya ang iniisip ko.

"Okay," simpleng sabi ko "basta't, huwag kang mag rereklamo sa gagawin ko"

Ngumisi ako sa kaniya bago nag lakad palabas. Balak ko lang naman siyang kuhanan ng body guard! Hindi ako makakampati ngayon! Buhay pa ang magulang ni Liam, pangungunahan akong mero'n bagong plano ang mga iyon kaya kailangan kong mabantayan si Valeria.

"Nakaready naba lahat?" Tumango si Liam sa'kin bilang sagot. Dala dala ang sniper at iba pang pwede namin gamitin. Mero'n din naman akong kutsilyo na nakalagay sa bulsa ng pants ko.

Nag tago kami sa likod ng puno at doon hinintay ang kotse ng magulang ni Liam. "Wait lang" nahinto ako sa 'pag aayos ng gloves ko nang kalabitin ako ni Liam.

"Ano?" Kunot noong tanong ko sa kaniya.

"Papatayin naba natin agad?" Tanong niya. Tumango naman ako sa kaniya.

"Tatlong araw ka nalang mabubuhay 'diba?" Tanong ko sa kaniya at nagulat naman siya sa sinabi ko. Iyong 3months na sinabi niya sa'kin ay patapos na, nahalata ko iyon sa itsura niya pero hindi ako nag sasalita.

Nakarinig ako ng sasakyan at mabilis na inalis ang atensyon ko kay Liam. Napangisi ako ng makitang bumaba si Angela at ang asawa nitong si Lance.

Itinutok ko sa dibdib ng babae ang baril at walang ano ano ay ipinutok pero sumablay. Agad naman naarelto ang body guard nito at dali dali silang pinasakay sa kotse.

"Sira ba 'to!?" Inis na tanong ko kay Liam. Kinasa ko ulit at pinutok sa ibon na medyo malayo sa'kin pero nakatakas din iyon.

"Akin na nga" kinuha ni Liam ang sniper sa'kin at chineck. "Ah, may sira 'tong nilalabasan ng bala, 'oag pinutok mo ito hindi naabot ang bala sa target mo"

"Bakit mo pa dinala 'yan?"

"Malay ko ba na sira 'to" Sakristong na sagot niya. "Lumipat tayo ng pwesto, alam ko kung sa'n dadaan ang mga iyon"

"Sa'n?"

"Dami mong tanong," irita na sabi niya imbes na sagotin ang tanong ko. "Sa likod" Maingat kami na nag lakad dahil marami ang bantay na nakapaligid.

Napayoko kami ng makarinig nang putok nang baril. "Habulin niyo sila!" Sigaw ng kung sino at ng lumingon ako ay bigla nalang ako na hinila ni Liam.

"Bakit nila tayo hinahabol?" Tanong ko habang patuloy na tumatakbo. Hindi niya ako sinagot at nag tago kami sa likod mg puno.

"Nakita nila tayo, 'di alam kung pa'n-" bago niya matuloy ang sasabihin ay biglang may pumutok ng baril dahilan para mapayoko ulit kaming dalawa.

"Kulit ng mga 'to" irita na sabi ko at nilabas ang baril sa bulsa ko. Ng lumabas ako sa puno ay pintukan ko ang mga lalaking humahabol sa'min at gano'n din ang ginawa nila kaya hinila ako patago ni Liam.

Buti malang at tago ang mukha namin kaya hindi kami makikilala. Kahit ang sout namin.

"Lumabas kayo d'yan!" Sigaw ng isang lalaki at pinapotokan ang likod nitong puno na tinataguan namin.

Nilingon ko si Liam. "Lumabas ka, ako anh bahala sa kanila"

Tumango siya. Bitbit ang sniper, dahan dahan akong nag lakad at lumipat ng pwesto. Kita ko naman na lumabas si Liam at napangisi ako ng dahan-dahan lumapit sa kaniya ang limang lalaki.

"Isang putok lang 'to taob ang limang 'yan" ngisi na sabi ko sa sarili. Mabilis kong pinutok sa tatlo dahilan para matumba ito at dalawa na lang ang natira. Agad na sumugod si Liam at pinag sasapak, tinadyakan, suntok ang dalawang ito at nawalan ng malay.

Lumabas ako sa pinag tataguan ko at lumapit sa kaniya. "Sa'n tayo dadan?" Tanong ko at tinuro niya ang pader na nasa harapan namin.

"Likod ng gym 'to, madali tayong makakapasok kung diyan tayo dadaan" sabi niya at tumango naman ako. "Marunong ka bang umakyat?"

"Oo" sabi ko at ngumisi. Tumuntong ako sa bato at humawak sa pinaka dulo ng pader. Agad naman akong nakaakyat at hinintay si Liam, onting mali na galaw ko lang mahuhulog ako dito. "Dalian mo"

Tumalon na agad ako at pinagpag ang sout ko. "Mag hiwalay tayo, dito ako sa kanan ikaw sa kaliwa" sabi niya at tumango naman ako.

Nag simula akong mag lakad na hindi gumagawa ng ingay.
"Aray!" Sigaw ni Liam kaya sinamaan ko siya ng tingin, napakaingay!

Ngayon ay nasa tagong parte na kami ng gym at kitang kita namin ang magulang ni Liam at iyong mga mag lalaban. "Ikaw ang pumatay" sabi ko at tumango naman siya. "Siguradohin mong magulang mo lang ang madadamay" banta ko sa kaniya.

Ngumisi siya. "Hindi, kailangan kong idamay iyong matanda na katabi nila" sumilip ako sa medyo kalakihan na botas at nakita ang matanda na kausap ng Daddy niya.

Hindi ako nag salita at tahimik na hinintay siyang kumilos. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala ni patay na ang magulang ni Liam, bakit hindj niya sinasabi sa'kin ang totoo noon? Nahinto ako sa 'pag iisip ng may marinig nang putok nang baril at nakangisi si Liam. Muli niyang pinutok ang sniper ng dalawang beses.

"Tapos" sabi niya. "Umalis na tayo dito"

Tumalon kami sa bintana at muling umakyat sa bakod at tumakbo palayo. Hingal na hingal tuloy ako kaya ng makarating kami sa bahay niya at pinakuha ko siya ng tubig. Nasa sala kami ngayon dalawa, nainom ako ng tubig habang siya ay nainom ng wine.

"Galit ka pa rin ba sa'kin?" Nahinto ako sa 'pag salin ng tubig sa baso dahil sa tanong niya.

Umayos ako ng upo at nilagok ang tubig na malamig. "Sa gjnawa mo sa'kin? Hindi" sambit ko. "Pero sa ginawa mo sa kapatid ko? Oo" natahimik siya at napatingin sa sahig. "Kaya kitang mapatawad kung hindi mo ginalaw ang kapatid ko"

"I'm sorry.."

"Nangyari na" sabi ko at tumayo. "Aalis na ako, i lock mo 'tong bahay mo, hindi pa sigurado kung napatay mo talaga ang dalawang 'yon" tumango siya at nag lakad na ako palayo.

-End of  Chapter 19-

Thankyou for reading my story! Labyu💋💢‼️

__________________________________________________________________:D

The Lethal Academy Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz