Nag paalam agad si Astrid 'pag tapos niyang kumain para bumalik sa klase, ako naman ay nag punta sa likod ng gym, wala naman silang sinabi na mag dala ako ng armas kaya sarili ko lang ang dinala ko.

Habang nag lalakad sa gilid ng gym dahil tinatamad akong dumaan sa loob ay biglang may bala ng pana ang papunta sa gawi ko kaya mabilis ko ko itong pinigilan gamit ang isang palad. Nang makuha ko ito at binitbit ko para ibalik sa may ari. Muntik pa ako matamaan sa mata, buti nalang at magaling akong umiwas at mag control sa mga bagay.

"T-thankyou, pasensya na, natamaan kaba?" Kamot ulong tanong ng lalaking nasa harapan ko. Mas matangkad ako sa kaniya kaya naman nakaangat ang tingin niya sa'kin.

"Muntik na, buti nalang napigilan ko" nag lakad na ako palayo pero nakahagip pa rin ng mata ko ang pag nakakunot ng itsura nung lalaking lumapit sa'kin.

Agad naman na lumapit si Nova sa'kin at inihagis ang baril. Lumapit ito sa'kin at tinuro ang isang ang lata na naka sabit gamit ang lubit. Nalutang ito sa era, alam ko na agad ang gagawin ko.

"Sa sampong bala, kailangan mong maihulog ang sampong lata na iyan" sabi ni Nova sa'kin at tumango naman ako. "Mag simula kana, mukhang alam mo naman na ang gagawin"

Ngumisi lang ako sa kaniya at hindi nag salita. Kinasa ko ang baril at mabilis na tinutok sa pinaka pinaka unahan ang baril. Pinutok ko ito at muling kinasa ang baril para sa pangalawa.

Hulog ang unang lata.

Sinunod sumod ang ang pag kasa at pag baril sa sampong lata hanggang sa mahulog lahat. Ni hindi manlang ako nag kamali kahit isa. Pag sasanay sa espada ang sunod na dapat namin gagawin kaso biglang umulan ng malakas kaya hindi natuloy.

Kahit naman matuloy ay hindi nila ako itra-training dahil magaling na ako pag dating sa espada, pana, 'pag hawak ng kutsilyo at iba pang armas. Kahit naman sa 'pag baril pero kailangan ko parin mag sanay ro'n dahil minsan ay pumapalya ako 'pag tao na mismo ang babarilin ko.

Hindi ako masiyadong naturuan ng magulang ko sa pag baril, pero kung tatanong ako lang ang tinuruan nila kung pa'no gumamit ng mga armas samantalang si Valeria ay hindi. Walang alam ang babaeng iyon, gustong gusto siyang turuan nila Daddy pero siya 'tong may ayaw, hindi niya tuloy na ligtas ang sarili niya.

"Xandra!" Napalingon ako sa tumawag sa'kin, papasok na ako sa dorm ko nang bigla akong tawagin ni Astrid.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Pabalik na ako sa dorm ko" sabi nito. "Nakita lang kita eh!"

"Bumalik kana" umirap lang siya at tinapik ako sa braso. Pumasok na ako sa dorm at nag luto ng noodles. Ang alam ko ay busog pa ako pero bigla nalang ako nagutom.

Matapos kong kumain ay hinugasan ko lang ang pinagkainan ko at nag linis ng katawan. Habang nag ay naisipan ko na buksan iyong monitor rito sa kwarto ko. Para siyang tv o kaya cctv pero hindi. Binuksan ko ang monitor at bumungad sa'kin ang malawak na gym.

Kumunot naman ang noo ko ng makita ang tatlong Regent at ilang istudyante na nakagapos sa upuan kasama na ang midnightbane. Andoon din si Astrid. Pinindot ko iyong volume para marinig ang usapan nila.

"Pakawalan mo kami rito!" Sigaw ni Xavier. Napaka ingay talaga ng boses niya, 'di gaya nila Nova. Nag tataka na nga lang ako paano nakakayanan nung dalawa na kasama siya.

"Manahimik ka kung ayaw mong tanggalan ng ulo!" Sigaw ng isang lalaki. Nakapalibot sa kina Astrid ang mga lalaki, mukhang madami sila kaya hindi nakapalag ang mga 'to.

"Anong bang kailangan niyo sa'min?" Seryoso na tanong ni Zeyphr sa kanila.

Naningkit ang mga mata ko ng makita ang isang pamilyar na mukha. Si Liam.  Matalik kong kaibigan dati si Liam pero simula nang tumungtong kami sa edad na 14, nag bago ang ugali niya. 14 years old kami ay doon kami nag simulang mag training sa pakikipag laban at 'pag gamit ng armas. 

Naalala ko pa na muntikan niya pa akong patayin para makuha ang ipapamana sa'kin ng magulang ko bilang isang Archduchess, iyon naman ang tawag sa position na mas mataas sa Regent. hindi ito pumapangalawa o pumapangatlo, sadyang mas makapangyarihan lang ang Archduchess sa Regent.

Ang Archduchess ay sa babae at ang Archduke naman ay sa lalaki, ito ay ang pangalawang namamahala sa lahat ng paaraan na hawak ng Sovereign habang ang Regent ay isang paaralan lamang ang hawak ng mga ito kahit na iilan sila sa paaralan. Masiyadong naging sakim si Liam at nabulag kaya muntik niya na 'kong mapatay.

Kitang kita naman mula sa monitor ang sugat niya sa bandang leeg, ako ang may gawa non sa kanya para lang maligtas ang sarili ko. Napabalik ako sa ulirat ng mag salita si Liam.

"Ibigay niyo sa'kin ang paaralan na 'to" seryoso at may banta sa boses nito. Kumunot ang noo ko ng lumapit ito kay Astrid at hinawakan ang buhok, inangat nito ang ulo ni Astrid at sinugatan ang leeg dahilan para impit na mapasigaw si Astrid.

Hindi ko namalayan na tumatakbo ako palabas ng dorm habang tinatali ko ang buhok ko at nag sout ng takip sa mukha. Sinuot ko ang malaking jacket na maraming bulsa kung saan nakalagay ang  iba kong armas na pwedeng magamit.

Habang natakbo, nahinto ako ng marinig ang yapak ng paa na papunta sa gawi ko. Agad naman akong nag tago at inihanda ang sniper na dala ko. Bumungad ang dalawang lalaki sa'kin na kasabwat ni Liam kaya walang alinlangan ko itong binaril.

Patay.

Bumalik ako sa 'pag takbo at dumaretso sa isang silid kung saan ang bintana nito ay nakatuktok sa labas ng gym. Hindi nga ako nag kakamali, halos kalahati sa kanila ay nakabantay sa labas.

-End of  Chapter 4-

Thankyou for reading my story! Labyu💋💢‼️

__________________________________________________________________:D

The Lethal Academy Donde viven las historias. Descúbrelo ahora