Kabanata 24

486 14 4
                                    

Lost control

There's so much that has been going on these days. Sa sunod sunod na pangyayari ay halos hindi ko na alam ang iisipin. Tumigil na rin ako sa pagpapart time dahil hindi naman ako si kuya para kaya kong pagsabayin ang exams at pagtatrabaho. 

Bumuntong hininga ako bago ko isinandal ang likuran sa upuan. My head is spinning because of headache that I've been feeling two days from now.

Hindi lang sakit ng ulo ang dinaramdam ko ngayon, pati na rin ang bigat ng katawan. Napahawak ako sa leeg, mainit iyon dahil nilalagnat ako. 

Bukas na bukas ay semi-finals na namin sa tatlong major subjects. Sa susunod na linggo naman namin ite-take ang mga natitirang minors.

Minasahe ko ang ulo at batok bago nagsimulang magbasa ulit. Mayroon namang pumapasok sa ulo ko kahit papaano, kaya nga lang ang mas lamang ang bigat na nararamdaman ko.

Pumikit na lamang ako bago pansamantalang isinubsob ang ulo sa lamesa kasama ang mga ballpen at libro hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Maaga rin naman akong nagising dahil sa tunog ng alarm, naggamot na rin ako para kahit papaano ay lumakas lakas ang pakiramdam ko.

Hindi ko na rin kasi inabala pa sila kuya at papa na sabihin na may sakit ako dahil alam kong marami silang ginagawa sa bukid at sa iba pang trabaho. Ayaw ko namang makadagdag pa sa isipin nila. 

Nanghihina akong lumabas ng bahay, nakajacket na ako pero parang sobrang lamig pa rin. Bumuntong hininga na lamang ako ng madatnan ang labas ng bahay. Walang tao at wala ang sasakyan na nakasanayan kong makita araw araw.

Mapait akong napangiti. Bakit ko nga ba iniisip iyon? bakit ko nga ba siya iniisip? ipinilig ko na lamang ang ulo ng maalala ang mga nabasa. Ano naman ngayon kung ganoon nga? ano naman ngayon kung may nararamdaman ako para sa kaniya?

That's Iverson Romualdez! he doesn't care about girls, mas playboy pa siya kay Mavi. Tumigil ito sa pagtetext at pagtawag sa akin mahigit isang linggo na rin ang nakalipas.

Ang huling usap namin ay noon pang finals sa basketball, hindi na rin naman iyon nasundan pagkatapos. Nasabi sa akin ni Mavi na nakauwi na pala ito dalawang araw matapos ang finals sa basketball. 

Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin itong paramdam sa akin. Hindi ko alam kung bakit, ayaw ko na rin namang alamin. Mas maganda pa nga ang sitwasyon namin ngayon kung tutuusin.

First and for most, he's my brother's best friend. Hindi dapat ako nakakaramdam ng pagkagusto sa kaniya. The kiss? come on, that's Iverson we're talking about. Malamang...malamang sa malamang ay balewala lang sa kaniya iyon.

That's why I told myself, I wouldn't fall to such trap again. Isa pa, masiyado siyang matanda sa akin, para ko na rin siyang kapatid dahil sa lapit niya kuya. Tama, para ko na rin siya kuya.

Pinilit ko na lamang na burahin ang isipin ng makasakay ako ng bus. Pinili ko iyong hindi tabi ng bintana dahil kung doon ako naupo ay baka hindi na ako makababa sa lamig na nararamdaman. 

"Dagupan po, estudyante," sabi ko sa konduktor sabay abot sa kaniya ng sixty pesos na pamasahe. Tumango naman ito at lumipat na ng ibang upuan para maningil ng mga kasabayan kong pasahero. 

I tried my very best to stay on posture when the bus suddenly stopped. Nahihilo akong napakapit sa upang nasa harap, ilang segundo rin bago muling umandar ang bus.

Ito kasi ang uso sa probinsya sa tuwing sasakay ka ng mga pampasaherong sasakyan, ang karerahan ng mga bus. Kahit pa nga jeep minsan sa siyudad, talagang kakapit ka sa upuan. 

REST MY SOUL | Bloodline Series 2 By ArynvelWhere stories live. Discover now