Chapter Thirty Eight - Cold Night

12.6K 208 3
                                    


Jane's POV


 Tinapik-tapik ni Jane ang kanyang noo dahil kanina pa siya hindi makatulog. Ginaw na ginaw kasi siya at kahit hininaan niya na kanina ang aircon ay hindi pa rin ito nakatulong. Hindi naman niya magawang patayin iyon dahil maiinitan si Kaleb. Hindi pa kasi ito gaano nakaka-adjust sa temperatura sa Pilipinas. Malamig kasi sa San Francisco.


Bumangon siya at umupo sa kama. Hinihimas niya ang likod nito. 


"Masaya ka ba, Kaleb? Pero ba't ko pa iyan itatanong? I coulde see the happiness in your eyes when we were on the beach. But I'm still afraid, paano kung saktan ka niya? I would never let it happen, anak," Mahinang sabi niya.


Ilang minuto pa niya pinagmasdan ang mukha nito at pagkatapos ay tumayo siya at isinuot ang kanyang roba. She walked her way out in the veranda.


Nang makalabas siya ay agad niyang naramdaman ang malamig na simoy ng hangin. She missed this feeling.


"Hindi ka ba makatulog?" 


Napalingon siya sa may-ari ng boses na iyon. Nakangiting lumapit si Ryan sa kanya.


"Here, drink my milk. It will help you get warm and of course, sleep. Magtitimpla na lang ako uli mamaya." Anito at inabot ang isang mug sa kanya.


Hindi na siya nagprotesta pa dahil alam niyang mag-iinsist ito. 


Iisa lang ang veranda ng mga kwarto nila. Dahil connected rooms naman din ang kinuha nila.


"Ikaw? Ba't hindi ka pa makatulog?" Tanong niya bago nag-sip ng kaunti sa mug.



Nagkibit-balikat ito. "Ewan ko. I don't know, basta hindi lang ako makatulog." Sagot nito.


Dinahan-dahan niya ang pag-inom sa gatas hanggang sa mangalahati na ang laman niyon.


"Thank you, Jane. Thank you for letting me be a part of my son's life. Kahit marami akong nagawang mali sa inyo," Anito.


Nilagay niya ang empty mug sa mesa na andun. Tumalikod siya dito at humarap uli sa dagat.



"Kung ako lang ang pipiliin, I would've not come back here in the Philippines, Ryan. Itatago ko si Kaleb hanggat makakaya ko. Pero hindi ko pwedeng i-balewala lang ang feelings ng anak ko. I know he needs a dad. Kahit punan ko man ang posisyon mo bilang ama niya, it will still not fill in the empty space in his heart. I was raised in a happy and complete family. Ipagkakait ko ba sa kanya iyon? He deserves all the happiness that he could get because he's an awesome child, Ryan." Sabi niya.


Naramdaman naman niyang lumapit ito sa kanya.


"Thank you for raising him, Jane. Alam ko na mahirap sa'yo ang pagiging single parent. Hanga ako sa'yo dahil nakaya mo iyon. Nakaya mo iyon para sa atin. Pero kahit masakit man sa akin that you took my right to take care of you and our child while he was still there in your tummy, nagpapasalamat pa rin ako dahil kung noon ko pa nalaman na buntis ka, baka di ko matanggap iyan. I was so blinded. Baka mas nasaktan kita," Ani Ryan.


Hinarap niya ito.


"There's only one thing I would ask you from now on, Ryan. Just don't hurt him. Iyon lang ang hinihingi kong kapalit." Aniya.


Tumingin ito sa mga mata niya bago tumango. "I will never let anyone, even myself, hurt Kaleb. Siya na ang buhay ko simula nang malaman kong ako ang ama niya. I felt like he was the missing piece. Nung mawala ka, I admit, I felt so alone and lonely. Kahit galit ako sa'yo noon, my heart still constantly long to see you again." Sabi nito at hinawakan siya sa pisngi.



Ryan's hand run from the side of her eyes down to her cheeks and her lips. Napatingin siya sa mga labi nito.



Tinaas niya ang kamay niya at ibinaba ang kamay nito. She immediately turned away from him.


"No, don't say that. Hindi pwede, mali iyang sinasabi mo, Ryan." Sabi niya.


Hinawakan naman siya nito sa braso at pinaharap dito. Pinigilan niya ang sarili na tumingin sa mga mata nito.


"Bakit? I still love you, Jane. Ano'ng mali dun?" Sabi nito.


"Mali iyon! Hindi na tayo kasal at may Natalie ka na. Please, Ryan, leave me alone. Si Kaleb na lang ang natitira na nagkokonekta sa atin. Let's just forget about the past and move on!" Sabi niya.


"How? Tell me how, Jane? Paano ako makakapag-move on? Nagkamali lang ako sa pag-file ng annulment! Believe me, hindi ko ginusto iyon." Giit nito.


Magsasalita pa sana siya pero tumunog ang cellphone nito.


Binitawan nito ang mga kamay niya at kinuha iyon sa bulsa nito. Napakunot-noo ito bago tumingin sa kanya.


"Excuse me, Jane." Sabi nito.


Tumalikod si Ryan pero hindi ito lumayo sa kanya.


"Why are you calling me, Nat?" Simula nito.


Medyo malakas ang volume ng telepono nito kaya naririnig niya ang sinabi ni Natalie sa kabilang linya.


"You have to come here now, Ryan. May sasabihin ako sa'yo." 


Napabuntong-hininga ito. "Sabihin mo na lang sa 'kin ngayon. I'm in Palawan right now," 


Ilang segundong tahimik ang buong paligid tanging ang paglalaro ng alon at buhangin ang nariringig nila.


"I'm pregnant, Ryan." Sabi nito.


Bigla siyang napahawak sa dibdib niya. 


Napatingin naman bigla si Ryan sa kanya. His eyes were pleading.


"Ano? Let's just talk about it when I get home." Sabi nito at ibinaba agad ang cellphone.


Lumapit ito sa kanya but she took a step back.


"Kung hindi mo nagawa sa amin ni Kaleb ang alagaan kami, don't let this chance skip, Ryan. Malaki na si Kaleb. Kailangan ka nila," Sabi niya.


"Pero, Jane. Hindi ko pa sigurado kung anak ko ba ang dinadala niya," Mahinang sabi nito.



Umiling siya. "Huwag mong ulitin ang ginawa mo sa akin, Ryan. Nagkamali ka na minsan sa akin Ryan, don't make it to a point that you'll commit again that mistake with Natalie." Sabi niya at tinalikuran na ito.

Married to Mr. Sungit (Completed)Where stories live. Discover now