HOVOSAA ( S-2 ) Chap 1

324 1 0
                                    

WARNING:  FOUL AND ABUSIVE WORDS ARE WRITTEN IN THIS CHAPTER. READ IT AT YOUR OWN RISK❗️





*****

" P*tang*na mo Asiong!  Nasaan ang pera ko?!" Rinig kong sigaw ni Papa mula sa labas. Napangiwi naman  ako, Panigurado galing nanaman ito sa sugalan at kainuman sila Kuya Julio.

Mabilis naman ang hakbang ko na pumunta sa sala kong nasaan ang kapatid kong Babae.
" Diane" Tawag ko sakanya. Napalingon naman ito saakin, Bakas ang takot sa mga mata nito. Alam ko kong ano dahilan non, kaya naman naiyukom ko ang kamay ko dahil sa nararamdamang galit at takot.

" K-Kuya" Sagot nito

" Pumasok ka sa kwarto mo at huwag na huwag mong bubuksan hanggat di kita napupuntahan. Siguraduhin mo na lagyan ng bangko yong likod ng pinto. Harangan mo ng kahit ano. Bilis"

Tumango naman ito at dali daling kinuha ang mga notebook at pumasok na sa kwarto namin.

Napahinga naman ako ng malalim, hinahanda ang sarili para sa Tatay kong wala na ngang kwenta , Mapanakit pa.

" Pa-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ng may bigla nalang humigit sa braso ko saka ako binalibag sa sahig. Napangiwi naman ako sa sakit dahil sa lakas ng pagkabagsak ko.

Alam kong sanay na ako sa ganito. Pero hindi pa rin talaga ako nasasanay sa sakit na nararamdaman ko. Tao lang rin naman ako, nasasaktan rin.

" Pa-" Muli, Naputol ang sasabihin ko ng daganan ako ni Papa at sinakal.

" P*tang*namo Asiong, Saan mo dinala ang pera ko ha?!" Galit na sigaw nito sa mukha ko

" P-Pa--"

" Sumagot ka! " Bulyaw nito saakin , Nang I-angat ko ang tingin ko sakanya. Kita ko ang nanlilisik nitong mga mata, Na kong pakatitigan mo alam mong kahit anong ipaliwanag mo. Handa ka nitong patayin... Kahit anak ka pa nito

" P- Pa , H-Hindi ako maka-h-hinga" Utal kong sagot sakanya.

Tila mahika kong tawagin dahil biglang binitawan ni papa ang pagkakasakal saakin.
Nang umalis sya sa ibabaw ko dali dali naman akong umusog paatras palayo sakanya habang himas himas ang sumasakit kong leeg.

Gusto kong umiyak, Gustong gusto ko umiyak. Masakit ang katawan ko, Masakit ang leeg ko. Kumikirot ang ulo ko dahil nauntog rin ako ng binalibag ako ni papa. Naiiyak ako, Nasasaktan ako. Pero lalaki ako, Kaya kailangan kong tatagan ang sarili. Kailangan ako ang malakas saaming dalawa ng kapatid ko. Dahil sa aming dalawa ako ang may kakayahan kahit papaano. Babae si Diane, Hindi ko alam kong saan na umabot ang kasiraan ng Isip ni papa. Kaya hanggat nabubuhay ako, Ipagtatanggol ko ang kapatid ko. Kahit saktan ako ng paulit ulit, Titiisin ko.

' Grabe , Nakakahiya... Ka-lalaking  tao ko. Pero naiiyak ako'

" Sumagot kang H*nay*pak ka. Nasaan ang pera ko ha?! Sumagot ka Asiong kong hindi tatamaan ka talaga saking hay*p ka" Nagtitimpi nitong turan.

Naikagat ko ang pang ibaba kong labi dahil sa takot at inis.

" N-Nandoon pa rin ho sa D-Damitan n'yo. K-Kumuha lang ako ng singkwenta pambaon ni Diane" Nauutal kong sagot dahil masakit parin ang leeg ko mula sa pagkakasakal n'ya.

Muli bumakas ang inis sa mukha nito
" AT SINO NAGSABI SAYO NA KUMUHA KA HA?! SINABI KO BANG PWEDE?! ANO NAMAN KONG WALANG BAON YANG SI DIANE?!"

" P-Pa , Nag aaral pa si Diane. Kailangan niya ng Baon para may pambili s'ya sa recess nila" Paliwanag ko naman.

Pagkatapos ko magsalita , Marahas na lumingon si Papa saakin. At marahas na hinawakan ang panga ko.

" Sino bang nagsabi na Mag- Aral pa
si Diane ah? "

Kahit natatakot ay pilit ko parin tinatatagan ang sarili.

" B-Bata pa si Diane Pa. Kailangan nya Mag- Aral. T-Tumigil ako para sakanya" sagot ko kay Papa

" Kong hindi ka lang kasi nakialam sa pagkuha ni Pareng Gino kay Diane. Edi sana limpak limpak na salapi tinatamasa natin ngayon. Ano bang pinuputok ng butsi mo kong magtrabaho si Diane sa Bar ah? Hindi ka ba masaya , Mapagkakakitaan natin yang walang kwenta mong kapatid"

Dahil sa sinabi ni Papa tila naputol ang lubid na meron ako at marahas ni tinanggal ang pagkakahawak ni Papa sa panga ko at walang sabi sabing sinapak ito.

" HINDING HINDI MAPUPUNTA SI DIANE SA P*TANG*NANG BAR NA YON! HINDING HINDI KO IBEBENTA ANG KALAYAAN NG KAPATID KO PARA LANG SA KAHALANGAN NG SIKMURA MO! " Sigaw ko kay Papa at walang tigil na pinagsusuntok ang mukha nito.

Pero sino ngaba niloloko ko?

Mabilis na bumaliktad ang sitwasyon. Si papa na ngayon ang nakaibabaw saakin at sinasapak ako. Malaki si Papa, Kayang kaya nya akong saktan.

Samantalang ako, Payat .  Isang beses sa Isang Araw lang ako nakakakain. Kaya hindi ako ganon kalakas, Payat ako pero hindi gaanong payat , May laman laman naman ako dahil Dumidiskarte ako para may makain kami ni Diane. 

" P*TANG*NA MO! ANONG KARAPATAN MO DUNGISAN ANG MUKHA KO AH?! KONG MAKASAGOT KA AKALA MO MAY IPAGMAMALAKI KA NA AH?! ANO ASIONG! MAY BAYAG KA NABANG MAIPAGMAMALAKI AT ANG LAKAS NG LOOB MO SUMAGOT SAGOT SAAKIN?! HANGAT NANDITO KAYO SA PAMAMAHAY KO, AKO ANG MASUSUNOD!" Bulyaw nito , habang patuloy parin pinagsusuntok ang mukha ko.

Nalalasahan ko na ang Dugo sa labi ko.
Nasasaktan ako... Pero... Kahit masakit tatanggapin ko. Ayos na to kaysa naman maibuntong ni Papa ang galit nya kay Diane.

Saakin nalang, Ako nalang ang tatanggap. Kaya ko naman eh, Kaya ko pa

Napatitig naman ako sa kawalan. Isinasawalang bahala ang suntok ni Papa saakin.

Kong sana, Sana Hindi Umalis si Mama. Sana hindi ganito si Papa. Sana maayos pa kami

'  Ma.. Bakit kinailangan mo kaming Iwan?'










_____

Chapter 1 Done✅️
: Zzeishou_kun
Note: Dont forget to vote this story if you like and Dont forget to leave a comment so that I will know about your thought's in this chapter🌼

HIS OWN VERSION OF STAY AWAKE AGATHA ( A Novelette )Where stories live. Discover now