Kabanta 2

4 1 10
                                    

Seraphina

Katatapos ko lang maligo at kumain kaya naman nag bihis na ako ng uniform. ang uniform dito ay, fitted na black blazer at mero'n itong logo 'embridered' sa pocket, ito ang logo ng lethal academy, halos lahat naman ng school ng magulang ko mero'n mga logo. white button-up shirt na mero'n black tie or black bow tie. knee-length black skirt at black knee-high socks at black leather shoes, pero mukha itong boots.

ang sa lalaki naman ay black military-style jacket with lethal academy logo in the chest. black or while button-up shirt, - Black tailored pants- Black combat bootsA black tie or a black bow tie.

Lumabas na ako ng dorm bitbit ang bag ko at may dala pa akong chips na kinakain ko habang nag lalakad. Nasa hallway na ako ng school nang biglang mag si gilid ang mga istudyante.

Andito na naman iyong tatlo.

Gumilid ako na at nag si yukoan naman ang mga istudyante, hindi ako yumoko at pinanood ang tatlo na mag lakad sa gitna. Nag tama ang paningin namin nung nasa gitna kaya tinaasan ko siya ng kilay.
Palagi bang gano'n ang position nila? Kung ano iyong pwesto nila kahapon nung una ko silang makita ganoon din.

Nag si layuan ang mga nasa tabi ko ng huminto ang tatlong Regent harapan ko. Buti nalang at matangkad ako kaya hindi mangangalay ang leeg ko 'pag tinignan 'tong tatlong Regent. Hindi ko pa alam kung anong pangalan nila dahil hindi naman sila nag sosout ng id.

"Nakalimutan namin mag pa kilala sa'yo" sabi nung asa gitna. "I'm Xavier Kyle Salazar, ako ang unang naging Regent sa paaralan na 'to at lahat ng gusto ko ay masusundo" natawa naman ako ng sakristo at inirapan siya.

Nilingon ko iyong asa kanan naman ang nag pakilala. "I'm Zeyphr Dave Ramirez, ako ang pangalawang Regent sa paaralan na 'to at ako ang may hawak sa mga istudyante"

"Ikaw?"

"Nova" nakunot ang noo ko at mag sasalita na sana ng mag salita siya. "Hindi ko masiyadong pinapakilala ang sarili ko"

"What's your name?" Taning ni Xavier na may nang aasar na tono kaya palihim akong umirap.

"Alexandra" simpleng sabi ko.

"Ayon lang? Hindi mo manlang ba sasabihin kung anong klase kang istudyante? Kung anong posi-" nag salita agad ako dahilan para matahimik siya at nag bulongan ang mga istudyante.

"Alexandra lang ang alam ko, hindi ko kilala ang magulang ko at ako lang ang may gawa sa pangalan ko dahil hindi nila ako nabigyan ng pangalan" syempre hindi totoo ang sinabi ko.

Hindi ko naman pwedeng sagotin ang mga tanong niya dahil mahuhuli ako. Sa 'pag kakaalam ko, bilang lang sa mga istudyante ang may kilala sa'kin. Hindi ako nagagawang ipakilala ng magulang ko, hindi dahil sa ayaw nila. Ako mismo ang nag sasabi na huwag nila akong ipakilala.

"Tapos na ba kayo?" Tinaasan ko silang tatlo ng kilay. Masiyadong naging tahimik kaya ako na ang bumasag sa katahimikan.

Hindi nag salita iyong tatlo at nag lakad patalikod sa'kin, panood ko naman sila saglit at nag lakad patungo sa classroom. Lunchbreak na at mag isa ako na nakain sa cafeteria, mas gusto ko pa 'tong mag isa ako kaysa naman sa may kasama na maingay.

Payapa akong kumakain mag isa kahit na dumating pa iyong tatlo ay hindi ko sila binigyan ng pansin o atensyon, mas uunahin ko ang pagkain dahil nagutom ako sa boring na klase.

"Hi, Xandra" napa angat ako ng tingin at nakita ang isang babae na may hawak na tray. Tinaasan ko siya ng kilay nang maupo siya sa harapan ko. "Paupo ah!"

Inirapan ko siya. Nakaupo na nga siya tas mag papaalam pa siya? Nag simula siyang kumain at hindi ko mapigilan na pag masdan siya. Maganda siya, maputi, may pag ka curly ang mahabang buhok, mahaba ang pilik mata, medyo makapal ang kilay at mapula ang labi at pisnge, itim ang kulay ng mata niya.

The Lethal Academy Kde žijí příběhy. Začni objevovat