Chapter 41 (Last)

1.7K 37 0
                                    

Chapter 41

Dati naman ay ayos ako.Dati naman ay tanggap ko kung anuman ang flaws ko.I know that I am not perfect for no one is perfect, but, I'm wondering why all of a sudden I've been wishing  that I am.

Parang bigla ko na lang ginustong maging morena,matangkad at petite.Iyong petite talaga.Iyong mala- Kim Chiu ang dating.Bigla na lang,gusto kong maging tulad ni Tammy.

Kasalukuyan kaming naghihintay kay Ma'am Romero para sa orientation na gagawin niya.It has been a week after our shipboard training and the next would be the Restaurant internship.We could choose whatever restaurant we want as long as it is affiliated to our school.

Ang tagal naming naghintay tapos wala pang 30 minutes ay tapos na magsalita si Ma'am Romero at pinaalis na kami para pumunta doon sa restaurant na ini-refer niya sa amin.We could choose though pero para sa mga katulad ko na lutang,brokenhearted na nga b-ini-aby pa ang pagkaheartbroken at di na makapag-isip ng tama ay pwede namang magpatulong na lang sa aming prof.Not that I'm saying na mga brokenhearted din ang mga kasama ko.They may have other reasons.Much acceptable reasons.

Wala akong maisip na restaurant.Well,tinatamad talaga ako maghanap.Mas gusto kong magkulong na lang sa kwarto.Ayoko ring matulog dahil bago matulog ay naiisip ko na naman si Seth.Pagkagising ko naman ay siya ulit ang una kong naiisip.Tapos mararamdaman kong magcoconstrict 'yung puso kong sobrang tanga dahil di pa makaintindi na magmove on na lang.Pati utak ko ay natatanga na rin.Sabi na ngang huwag isipin,iniisip pa rin.

Sampu kaming pumunta sa Alabang Town Center dahil naroon nakalocate ang Restaurant na pupuntahan namin.Maiingay sila maliban sa amin ni Rich.Dalawa lang kami habang walo naman silang mula sa grupo nila Tammy kaya hindi namin maiwasang makaramdam ni Rich ng pagka-OP.

Mabuti na lang at nakarating kami agad doon.Isa-isa kaming tinawag hanggang sa dalawa na lang kaming natirang di pa tinawag.I readily stood up and gave the sweetest smile I could muster when my name was called.

Pagkapasok ko pa lang,all smiles na.I never sit until the interviewer told me so.I answered the interviewer's questions politely.I'll answer in English when she asked me in English and Filipino when she asked me in Filipino.

"Sige,tatawagan ka na lang namin," sabi ng interviewer sa akin.Ngumiti ako at nagpasalamat tapos ay lumabas na sa secluded area ng dining.

I know I'm not accepted.Lahat na lang ba nirereject ako? Kung bakit pa kasi kailangan ng interview kung OJT lang naman ang papasukan namin.Choosy pa sila? Makakalibre na nga sila sa amin eh.Kami pa ang nirereject nila? Nakakainis isipin na kami na nga ang nagbayad para sa training namin pero sila 'yubg may karapatan mangreject.If their reason is that they need to know the ability of the students first just by sitting down and talking with them,eh di sana inalam muna nila iyon bago nila kami pinagbayad.The hell!

"Anong sabi sa'yo?," napatingin ako kay Rich nang tinanong niya ako.Napansin kong nakatingin na din sa akin sila Tammy.

"Inaway ka ba doon? Tulala ka kasi," tanong naman ni Jewel,kaklase rin namin.

Naiiling akong ngumiti. "Tatawagan na lang daw ako," di na lang sabihin na hindi ako tanggap.Hindi ko na iyon isinatinig. "Tammy,ikaw na," baling ko kay Tammy.

"Ay! thank you," aniya sabay tayo.Sinundan ko siya ng tingin.She looked gorgeous with her knee length pencil cut skirt paired with a white three-fourths blouse.I could see her curves in there.Mas nabigyan pa ng accent ang kanyang height sa 3" black high heels niya.Her face was covered with nude make-up which enhanced her facial features.Fresh na fresh din siyang tignan dahil sa nakaponytail niyang buhok.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok na siya doon sa pinag-iinterviewhan.Nakipagshake hands siya sa interviewer at pagkatapos ay umupo.She was smiling while talking with the interviewer.

"Okay ka lang?," nilingon ko ang nagtatanong na si Rich.

"Bakit?," naguguluhan kong tanong.

"Tulala ka," imporma niya sa akin.

"Ah! Okay lang ako,ano ka ba?," ani ko sabay tawa ng mahina. "Brokenhearted ako pero okay lang ako,I will live," dugtong ko na di mapigilan ang pagtawa ng mapakla.

"Talaga lang ha!," tugon ni Rich.

"Oh! Ang bilis ah,anong nangyari?," napatingin ako kay Tammy na nakatayo na sa harapan namin.Napag-alaman kong si Jewel ang nagtanong base na rin sa kanyang pag-aabang ng sagot ni Tammy.

"Sabi ko pag-iisipan ko," panimula niya na agad ay naintindihan ko kung ano ang ibig sabihin. "Yung sched na ibibigay sa akin ay 9PM to 6AM.Parang delikado sa biyahe," dagdag niya.

Buti pa siya,may choice mag-isip.Rh ako? Walang choice kundi maghanap ng ibang restaurant.

Hindi rin kami nagtagal doon at nagkaayaang maglibot muna sa buong mall.Nakisama na rin kami ni Rich dahil mahirap nang masabihan ng KJ.And I guess,it's better to make friends.

Alam kong mukha na akong tanga.Hindi labg siguro napapansin ng iba pero ako ay alam ko.Habang naglalakad kasi kami sa mall ay nasa likuran ako ng mga kasama ko.And I couldn't help but stare at Tammy.Siguro nga,kung ako si Seth,mahihirapan din akong makapagmove on kay Tammy.What else would you ask for,kung ang girlfriend mo ay si Tammy.Maganda,sexy,matalino,mabait,knows to play guitar, mapagmahal sa mga kaibigan,open-minded at higit sa lahat,pantasya ng kalalakihan.Kitang-kita ko 'yun sa mga lalaking nakakasalubong namin na talaga namang willing mabali ang leeg,matignan lang si Tammy.

And me,wallflower.Hindi pinapansin.Invisible.Wala man lang akong makita na tumitingin sa akin.

Nakakatawang isipin na imbes na 'yung kasalukuyang girlfriend ni Seth,ay iyong ex-girlfriend niya ang pinagseselosan ko.Baligtad! Pero sabi nga nila,it's not the person he's going to love after you but the person he loved before you will make you feel jealous the most.

At saan naman daw nanggaling 'ying jealous-jealous na sinasabi ko? Ako ba ang girlfriend? Bakit ako magseselos? May karapatan? Mayroon?

Move on na nga kasi.Gusto ko nang sabunutan ang aking sarili dahil sarili ko na nga lang,ang hirap pang kausapin.Panay ang sabi ng move on pero kung anu-ano naman ang pinag-iisip dahilan para masaktan.Kung hindi ba naman tanga!

Sige,Rhum.Saktan mo pa sarili mo.Gusto mo 'yan eh.Hala! Isampal mo sa sarili mo na you are not worth the wait tulad ni Scarlette at you are not worth the  pain and tears tulad ni Tammy.You are just a phase.Kumbaga sa kalsada,humps ka lang.Huwag kang paka-OA.

I felt like crying though I know I am weeping inside.

Masarap ang BawalWhere stories live. Discover now