13

21 3 2
                                    

13:

“May sinabi ba si Zowen?” bungad ni mama sa akin pagka-uwi ko. Mabilis naman agad akong napasalampak sa sofa at tinignan si mama ngayon na pagod, she’s just waiting for me to talk while she’s sipping with her tea.

“Thank you raw, ibabalik niya raw ’yon pag magka-pera siya.” I said boredly.

Tango lang ang sagot niya sa sinabi ko. She immediately stood up and told me to have a rest — at ’yon nga ang ginawa ko. Pagkatapos kong maligo ay umidlip agad ako at nagising nalang nang madaling araw.

My forehead immediately creased when I saw a familiar name on my friend request list. Halos paulit-ulit ko ’yon binasa.

Zowen Nabiste sent you a friend request

I gasped. It’s Zowen! Sa pagkaka-alam ko ay wala siyang account sa application na ’to but now she’s making one and she added me! Mabilis ko agad pinindot ang accept at deritso akong pumunta sa message.

Reina Ashley Castillo: crush mo talaga ako ’no?

Naligo agad ako no’ng nakita ko na hindi siya online. Nung pagkababa ko para kumuha ng breakfast ay roon na tumunog ang cellphone ko at nakita ang pangalan ni Zowen sa notification ko.

Zowen Nabiste: ?

I chuckled immediately. Napalingon agad ako sa mesa, hinanap ko agad si mama pero sabi nila ay maaga raw umalis para sa trabaho. Umupo nalang ako roon at kumain saglit, pagkatapos kong kumain ay mabilis agad akong bumalik sa kwarto para mag tipa ng sagot sa walang kwenta niyang mensahe sa akin.

Reina Ashley Castillo: mag start na next week ang enrollment. kailan ka mag pa enroll?

Zowen Nabiste: first day sa enrollment siguro

I immediately typed my reply.

Reina Ashley Castillo: sabay nalang tayo. wala pa kasi sila ezra at april. tapos kasabay ni maria si andrius ayoko ma third wheel.

Sineen niya lang ako kaya napasimangot ako. Umabot pa ’yon ng ilang minuto at hindi na siya nagtipa ng sagot. . . baka siguro pumayag siya na magsabay kami. Syempre, bakit naman siya tatanggi, crush niya ako.

I spent my whole day exercising and read some books out of boredom. Nag try ako mag bake ng cookies at ginawa ’yong frappe na tinuro ni Zowen sa akin. . . so far, may natutunan naman ako kahit papaano but I still searched the procedure just to make sure. Pagka hapon naman ay nagswimming ako.

Pumunta ako sa sun lounger pagkatapos kong magbabad sa tubig at kinuha ’yong cellphone ko para mag take ng picture. I immediately sent it to the girls group chat so that they would know what i’m doing lately.

Ezra Virtudazo: Himala nakapag update

April Zambalod: namiss ko na mag swimming d’yan.

Maria Ylona Galleto: ayan ka. . . pag wala ako nag eenjoy ka pero pag nandyan ako para kang sinaniban ng sampong demonyo

Ezra Virtudazo replied to Maria Ylona Galleto: Ikaw kasi 'yong demonyo. Kaya naging anghel siya bigla dahil wala kana

I immediately laughed loudly. Mabilis kong binaba ang cellphone at bumalik agad sa pool ng ilang minuto at umahon na para makapag-bihis. As expected, napuno ang group chat sa naging bardagulan ni Maria at Ezra kaya habang nagbabasa ako ay hindi ko mapigilang hindi ngumiti dahil ang competitive nila pag trashtalk na ang usapan.

I clicked my fingers before I typed a message to the group chat.

Reina Ashley Castillo: enrollment is coming. uwi na kayo mga haponesa.

Thirst Under The Wild Spell (Thirst Series #1)Where stories live. Discover now