Wala namang gagawin sa school pero kailangan pa namin i-cleared ang aming clearance para maka-enroll na kami para sa grade 12. Hindi ko kaklase si Maria kaya no'ng pagdating sa school ay hindi na kami magkasabay, dumiretso na ako sa classroom habang ang mga mata ko ay naka-titig lang sa folder ko.

"Si Zowen ba 'yon?"

Napabaling agad ako sa field no'ng may nagturo roon, nakita ko si Zowen na naglilinis at may anong ginagawa. Napakunot ang noo ko at napatigil at hinayaan ang sarili na makinig sa mga bulong ng mga estudyante.

"Hindi kasi siya naka-gawa sa performance task kaya 'yan nalang ang ginawa niya. . ."

Napatango naman agad ako. Deserve niya 'yan.

Maglalakad na sana ako para makapasok sa classroom no'ng may nabangga ako at mas lalong napakunot ang noo ko na 'yong nabangga ko ay 'yong kausap ni Ezra sa likuran sa school noon. He immediately smiled apologetically.

"Sorry. . ." he said. Mabilis siyang napayuko at aaktong punasan ang sapatos ko dahil natapakan niya 'yon pero iniwas ko agad.

"Bakit paharang-harang ka?" inis ko na usal at ako 'yong nag punas sa sapatos ko.

Napakamot siya sa kanyang batok at nahihiya. "May. . . tinitignan lang. . ." agad siyang umiwas ng tingin at parang may tinitignan kaya nilingon ko 'yon at napaangat ang kilay kasi alam ko na si Zowen ang tinitignan niya.

"Zowen?" I sneered.

His lips immediately agape but formed a smirked right after. "Yeah. She's cool right?"

Napangiwi ako at tinignan ang kanyang id lace at nakita ko na HUMSS ang nakalugay roon. I looked at her face and surveyed him. "Kaano-ano mo si Ezra?" I squinted my eyes.

Nanlaki agad ang mga mata niya. "Hala ka! Hindi ko ano-ano 'yon! May sadya lang siya. . . hindi ko 'yon type!" nag panic siya.

I rolled my eyes. Dami pang sinabi, isa lang naman ang tanong ko. Mabilis kong hinablot ang id niya at nakita na sa HUMSS 2 siya. Prince Arlo Acenas. Kaya pala hindi siya pamilyar sa akin kasi hindi ko naman Ito kaklase. Marahas kong binaba ang id niya kaya napahawak agad siya sa dibdib niya at kunwari nasaktan.

"Bakit? Type mo 'yan?" I said and point at Zowen using my lips. 

Napatawa siya ng mahina. "Secret. . ."

I scoffed. Type mo 'yan? Eh, ako type n'yan.

"Wala kang pag asa n'yan. . ." I said and sighed boredly.

I saw him shrugged his shoulders, "Randam ko nga. . ."

I smirked. Anong randam? Talagang wala kang pag-asa n'yan. I just shrugged my head, mabilis na ako umalis sa kung saan ako tumayo at pumasok na sa classroom, mabuti at hindi ko na nakita ang lalaki pagkatapos no'n.

Napalingon ako sa bulletin board namin sa room nung pinalabas na ang honorlist. Napaawang ang bibig ko no'ng nakita ko ang pangalan ko sa pinaka-unahan. Zowen's name are no longer there. Marami rin ang nawala sa honorlist kaya napuno ang room ng iyakan at tuwa.

My lips became thin and immediately looked for Zowen but when our eyes immediately met — I withdrew. Mabilis akong napaiwas at umalis doon sa harap ng bulletin board para naman makakita pa ang iba. I was bombarded with the word congratulations. Me on the top is unexpected — everyone expected it to be Zowen.

Nagtipa agad ako ng mensahe sa gc namin.

Reina Ashley Castillo: with high honor ako.

Maria Ylona Galleto: oh my god? congratulations reiii

Thirst Under The Wild Spell (Thirst Series #1)Where stories live. Discover now