kabanata 1

1 0 0
                                    

Maya pov.

Shet naman oh kung kailan pa first day ng klase saka ang tagal ng mga jeep. Kanina pa ako tingin ng tingin sa orasan ko at 30 mins nalang malalate na ako!

Ang init na nga tas ang tagal pa ng jeep ayos toh maganda toh para simulan ang umaga.. nice!

Habang palinga linga sa terminal ng jeep my biglang kumurot naman sa pisngi ko at kung swe-swertehin ka ba naman na kasabay ko pa tong dalawa.

"Grabeng pag mamahalan toh maya di ko akalain na susurpresahin mo pa kami dito sa terminal ni borj"  sabi sa akin ni aldrin hinampas ko naman sya.

"Aray para san yun?!" Tanong nito sa akin habang hawak ang brasong hinampas ko.

"Utang na loob wag kana dumagdag sa bungad ng araw ko ngayon ah!"  Sabi ko sa kanya at binalik ang tingin sa sakayan ng mga jeep.

Lintek na yan ang tagal talaga pumunta ako dito ng basa ang buhok takte tuyo na lahat lahat, haggard na nga ata ako eh tas wala pa rin!?

Habang inis na nag aantay sa jeep may humarang naman sa harap ko.

"Bat naiinis ang batang yan?" Pangasar na tono sa akin ni borj agad ko naman iginilid ang mukha nya.

"Umisa ka pa letche naman!" Sabi ko sa kanya tinawanan lang naman ako ng dalawa.

"Easy ka lang kasi ayos lang na malate sa first day noh" sabi sa akin ni borj habang prenteng syang nag aantay rin ng jeep.

"Ang panget kaya nun."  Sabi ko sabay tingin kay aldrin napahawak naman sya sa dibdib nya at gulat na gulat tumingin sa akin.

"Tangina ang ganda talaga oh." Sabi nito sa akin na ikinatawa ko."Yan dapat ganyan lang itawa mo lang lahat ng stress mo." Sabi nya sa akin.

"Oo nga maya, saka bat mo pa kasi kailangan mag intay ng jeep kung kaya mo naman lumipad?"  Sabi sa akin ni borj, nag katinginan naman kami ni aldrin.

"Kulang ba almusal mo?" Tanong ko kay borj.

"Sabi ko sayo dalasan mo pag inom ng gamot mo eh." Sabi ni aldrin kay borj na bigla nitong niyakap at hahalikan sana sa pisnge ng umiwas si borj.

Natatawa lang ako kung paano sila mag kulitan pilit na hahalik si aldrin kay borj habang si borj naman ay unti nalang iuuntog na si aldrin sa pader.

Habang nasa ganun kaming posisyon biglang may nagsiharurot na mga big bike ang dumaan, sa sobrang lakas nito maski ang ibang tao ay napatingin sa 4 na motor na toh.

"Yabang nyo ya!" Sabi ni borj dito.

"Hoy baka balikan tayo nan if ever na marinig ka" sabi ko dito.

"Ate oa ka po?" Tapik sa akin ni aldrin nag tawanan naman sila ni borj.

Mabuti nalang at nakakita agad ako ng jeep pinara ko na agad yun at tumakbo para maiwan ko ung dalawa.

"Hoyy!!" Sigaw ng dalawa sa akin, tingin nyo ba naabutan nila ako HAHAHA syempre hi-

"Usog ka nga upong otso ka eh" bahagyang tulak sa akin ni borj kasunod naman nya si aldrin tumabi sa gilid ko, inshort napapagitnaan ako ng mga demonyo.

"Luh gaya gaya ba kayo? Bat kayo nandito pumayag ba ako?" Sabi ko sa dalawa pero di ako pinansin ng dalawa sa halip kinuha lang ni aldrin ung mga nagbabayad.

friends!Where stories live. Discover now