24th Coffin

18 4 35
                                    

24th Coffin

Kadalasan tubig at hangin ang namamayani sa presensya ng isang diwata, para kay Lala, isa siyang nagmamatigas na yelo. Kahit anong presensya ng init, hinding-hindi siya matutunaw.

Matatalim ang titig sa kanya ni Magdalena. Ngayon lang ito nakilala ni Lala. Kilala niya ang mga Salvacion, lalong-lalo na si Zacharias at ngayon pa lang niya makakadaupang palad ang bunso nito.

Ipinaling ni Lala ang ulo habang hindi inaalis ang tingin kay Magdalena. "Naiisip mo bang ituro sa iba ang salamangka mo? Ang balita ko, magaling ka raw na manggagamot."

"Anong pakialam mo--"

Humalo kaagad sa usapan ang ama nitong Zacharias, sinuway nito ang kanyang anak. "Hindi mo dapat siya kinakausap nang ganyan."

“Ama, hindi ka dapat makipagtulungan sa katulad niya,” banta ni Magdalena, dinuro pa niya ang diwata. Ngumiti lang si Lala. 

Huminga nang malalim si Zacharias. “Nang dahil kay Lala, kumakagat ngayon sa pain natin ang bampira.”

Namilog ang mga mata ni Magdalena. Hinintay pa niya ang sunod na sasabihin ng ama.

“Matagal ko nang gustong mahuli ang bampira na ‘yon. Alam kong nasa puder ng Morales ang kabaong n’on pero dahil sa salamanca ng apo ni Conrado Aceso, naikubli ang bahay ng mga Morales kasama ng katawan ni Cullen. Ngayong nagising na siya, si Lala lang ang nakahanap sa bahay na ito at ipinalabas pa ang tunay na anyo ng bampira.”

Sumabat si Lala. “Hindi mo kailangang magpasalamat sa mismong trabaho ko, Zacharias. Alam mo ang lalim ng poot ko sa kanya. Marami sa kapatid ko ang ginawa niyang pagkain noon.”

Hindi na nakapagpigil pang magsalita si Magdalena. “Nadamay ang ibang tao, diwata!”

Tiningnan lang ni Lala ang bunsong Salvacion. Sumilay ang ngiti sa labi niya. Imbis na sagutin ang dalaga, mas hinarap niya ang ama nito. 

“Anong sunod na gagawin, Zacharias? Ilang bitag at pain ba ang kakailanganin natin?”

Nang maalala ni Magdalena ang nangyari sa kanyang pang-apat na kuya, halos sugurin na niya ang diwata pero nahawakan kaagad siya ng kanyang ama. “Magdalena, may mas importante kang gagawin kaysa saktan ang diwata na ‘to.”

“Pinatay n’yo si kuya!”

“Iyon ang gampanin niya sa pamilya–”

“Sinong susunod sa amin?! Ha?!”

“Maupo ka na muna, Magdalena.”

Naupo si Magdalena sa sulok. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng coffee shop. Umiling siya. Pilit niyang inaalis sa isip ang naalalang tagpo kasama ang kanyang ama at ang diwatang si Lala. 

Inayos niya ang mahabang buhok na nasa balikat niya. Inilagay niya iyon sa likuran. Kung pwede lang na ipusod ito pero hindi pwede dahil itinatago niya sa buhok ang tattoo ng mga Salvacion sa kanyang batok.

May babaeng lumapit sa kanya.

“Good afternoon! Welcome to The Coffin! Here’s our menu, Ma’am.”

“Thank you.”

Naningkit ang mga mata ni Magdalena habang binabasa ang nameplate ng kausap.

“Thank you, Medea. Oreo cheesecake milktea is fine for me.”

Ngumiti ang babae sa kanya. “Okay, Ma’am. May I know your name?”

“Magdalena…”

Pinanood ni Magdalena ang pag-alis ng babae sa harapan niya. 

Medea…

The Coffin is OpenWhere stories live. Discover now