Chapter 1: Love Letter

36 0 0
                                    

It was a sunny day, patuloy ako sa paglalakad habang may munting ngiti sa aking labi. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako sa bawat hakbang na aking ginagawa dahil natatakot ako hindi niya tanggapin ang aking sulat para sakanya. I was afraid that he'll dump it.

Agad nagliwanag ang aking muka nang makita ko ang lalaking nagpalundag at nagpapasaya sakin, siya rin ang rason kung bakit minsan ako'y nasasaktan ngunit ayos lang. Ganito talaga.

Nakita ko siyang pumasok ng school kaya naman agad agad akong tumakbo papunta sakanya.

''Adrian! Magandang umaga sa'yo, may ibibigay pala ako sa'yo. Sana magustuhan mo.'' I handed him a pink envelope with a cute ribbon on it. He looked at me with a cold face while accepting the letter. I felt butterflies inside my stomach. Akala ko babasahin niya pero nagkamali pala ako. He threw it away in front of my face while everyone was watching the most embarrassing moment in my life. 

''I don't like you, Luna! Get lost!'' sagot niya. Ang sakit pakinggan ng mga salitang binanggit niya pero ito ang pinili kong tahakin kaya dapat ko itong panindinigan. Bago siya umalis dumating si Elaiza, alam kong nakita niya ang lahat. Sa hindi ko inaasahan ay biglang niyang tinawag si Adrian, "Hoy Adrian Miguel Tan! Kaklase kita pero I won't tolerate your actions towards others especially to girls. Kung ayaw mo sakanya, sabihin mo nang maayos. Stop being a jerk.'' sigaw ni Elaiza. As expected tumingin lang si Adrian at umalis na. Hinawakan ko si Elaiza ''Okay lang ako. Hayaan mo na siya.'' sabi ko. 

Pagkatapos ng nangyari samin ni Adrian ay nagpasama ako kay Elaiza para pumunta sa banyo at mag-ayos ng sarili. Sa katunayan kanina ko pa pinipigilan ang sarili kong lumuha sa harapan ng maraming tao. Elaiza looked at me and she pulled me into a hug I suddenly bursted tears in her arms and she knew how much pain I'm experiencing right now.

''Am I not enough for him? Ano bang mali sa'kin? Ano bang ginawa kong mali sakanya? I'm just a simple girl trying to pursue him but it fucking hurts.''  I said. 

''Walang mali sa'yo, Luna. You're enough at wala kang ginagawa mali. Sadyang ang mga lalaking pinipili mong mahalin ay walang pakelam sa tao katulad ni Adrian. Ang dami dami dyan, bakit yung taong alam mo hindi ka magugustuhan pa? Why would you settle for less?'' She answered.

LUNA'S POV 

After what happened earlier, I tried to stay as calm as possible even though I knew everyone was probably gossiping at that moment in my life. Hindi ko na alam iisipin ko ngayon. Ang tanga tanga ko sobra. 

Lunchtime 

It was lunchtime. Nakaramdam ako ng gutom kaya naman naisipan kong puntahan si Elaiza sa room nila. Nilakasan ko ang loob ko para kumatok sa pinto nila. Para akong tanga naghihintay na may magbukas hanggang sa bumukas yung pinto at nagulat ako. Akala ko kung sino! Si Andrei lang pala! 

''Oh! Para kang namang nakakita ng multo d'yan! Grabeng gulat ah!'' sabi niya habang tumatawa. Tinignan ko siya bago ako magtanong ''Tapos na klase n'yo? Patawag naman si Elaiza oh'' sagot ko. Tumingin siya loob ng classroom nila saka sumagot ''Wala siya dito lumabas siguro.'' Bigla akong nagtaka sa sinabi niya kasi hindi naman nalabas ng room yon eh unless kasama ako.  

Fast forward 

Magkasama na kami ni Elaiza ngayon papuntang canteen para kumain na dahil may klase pa kami mamayang 1:10 pm. 

After a lot of walking haha, nakarating na din kami sa canteen ''Teh hanap kana ng upuan, bibili lang ako food'' sabi ko kay Elaiza.  Nakapila ako para bayaran ang pagkain binili ko pinipigilan kong maalala yung nangyari kaninang umaga kahit alam kong pinaguusapan na ako ibang tao dahil sa pangrereject sakin ni Adrian. Tinignan ko si Elaiza pero busy siya sa pagseselpon kaya tumingin nalang ako sa mga taong parating dito sa canteen. 

May napansin akong pamilyar na mukha ang parating sa canteen naramdaman kong namumula ang mga pisnge ko habang nagbabayad sa kahera. Si Adrian pala 'yon. Siya pala yung naglalakad at kasama ang kaibigan niyang si Andrei. 

Tinigilan ko na paglingon sakanila at nagpunta na kay Elaiza umupo na ako para makakain na kami habang kumakain ay napapatingin ako sa paligid baka sakaling masulyapan ko siya ''Hoy kanina kapa lingon ng lingon dyan, sino ba hinahanap mo?'' tanong ni Elaiza.  ''Huh? Wala ah! bawal ba tumingin?'' sagot ko.  Shet! Nakita ko siya! Gusto kong tumalon sa saya pero naalala ko yung nangyari kanina. 

Time skips

 Hinatid ko na si Elaiza sa room nila kasi malapit na mag time tapos sa hindi ko inaasahan nabangga namin yung isa't isa ni crush. Sakto! may dala akong gamit kaya naman nahulog ang mga ito akala ko tutulungan niya ako pero he just walked by and ignored me while picking up my things on the floor at that moment ang bastos niya sa paningin ko.  



Pursuing HimWhere stories live. Discover now