Nakatingin ako ngayon sa likod ni Amadeus. He growed up. I know it. He’s more mature. I also know that.

“I saw everything about him. He is a transparent person. Bihira mo lang iyon makita sa isang lalaki. Kaya sana pag-isipan mo maigi ang mga magiging desisyon mo. Para sa inyong dalawa.” 

“We talked last night. We apologized to each other. He explained his side. Everything that happened. He wants me back, Cassie, but my heart…” bumuntong hininga ako. “Hindi pa ako handa para buksan ulit ang puso ko sa kanya.” 

Tumango-tango ito. Tila naiintindihan kung anong pumipigil at bumabagabag sa akin.

“He will understand it, Cassie. Basta sabihin mo lang sa kanya. He waited for you in case you didn't know. We’ve been beside him for a long time. We know him.” 

She tapped my shoulder at inakay na ako para makasunod sa dalawang nasa unahan.

Nakarating kami sa beach house nila Aiden at tulad nga ng sabi ni Cassie ay puting buhangin nga ang meron doon. Namamangha akong pinagmasdan ang dagat ang mismong puting buhangin.

“You can roam around. Ako na ang magpapasok ng gamit mo sa loob.” Napalingon ako sa kanya.

“Uhm, no. Mamaya na lang siguro kapag lalabas na din sila Cassie.” 

Kinuha ko ang maliit na duffel bag ko, pero mabilis niya itong nakuha sa kamay ko at siya na mismo ang nagbitbit papasok sa loob ng beach house.

“Thank you,” nasabi ko na lang.

“You’re always welcome, Milada.” 

Tumango ako kahit pa tingin ko ay may malalim na ibig sabihin ang sinabi niya.

Apat ang kwarto ng beach house. Pero dahil mag-asawa na si Cassie at Aiden ay isang kwarto na lang ang kinuha nila. 

“Sana nag-isang kwarto na lang kayo,” ngumiwi ako.

“Stop it, Cassie.” Natatawa kong sabi.

“Oh bakit? Kami nga ni Aiden, nag sex na agad kahit hindi pa mag-jowa eh.” 

Suminghap ako at hindi na napigilang batuhin siya ng unan.

“Cassie!” 

“Oops!” tumawa siya ng malakas habang ako naman ay namumula na.

“Kung hindi siguro kayo naghiwalay ni Amadeus baka nauna pa kayong ikasal sa amin eh.”

Hindi ako sumagot at nag-ayos lang ng gamit ko.

“Ito naman! Naisip ko lang naman. Hindi ka na sumagot diyan.” 

“Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko, Cassie.”

“Oo na! Sige na! Tatahimik na lang ako.” 

“Ang mabuti pa, tulungan mo na lang ako ayusin ang gamit ko.” 

Natawa na lang ako sa kanya ng tumulis ang nguso nito. Wala naman siyang sinabi at tinulungan na lang sa pag-aayos ng gamit ko.

Nang masiguro na lahat kami ay nakapagpahinga na ay nagdesisyon na kaming lumabas para ayusin na ang bonfire na gaganapin mamaya. Pero sa totoo lang si Aiden at Amadeus lang naman ang nag-aayos habang kami ni Cassie ay may kanya-kanyanh ginagawa.

Nilabas ko ang cellphone ko at nagpasya na kumuha na lang ng mga litrato. Una kong kinuhanan ay ang bundok. Sumunod ay ang mismong dagat. Kinuhanan ko din ang aking paa sa may puting buhangin. At nang wala ng makuhanan ay nagpasya na akong bumalik malapit kay Cassie.

Ngunit nahagip ng aking mata si Amadeus na nagsisibak ng kahoy. Wala itong damit pang-itaas at tanging ang maong pants lang ang naroon at itim na belt. Tumutulo din ang pawis niya sa katawan dahil sa pagsisibak nito.

Operation: Secret GlancesWhere stories live. Discover now