“W-wow!“ Sabi ni lucinda.

“Heh! Bata palang ako, mahilig na ako sa rambulan kaya malabong makalapit kayo sakin ngayong may kakayahan akong strength at speed.“ Sabi niya.

Dahil dun ay biglang sumaya si lucinda.

“S-sa w-wakas!“ Sabi niya at naluha-luha.

Agad namang nagtaka yung founder.

“Bakit naman?“ Tanong nung founder.

“For all this years! Ngayon lang ako nakakakita ng bampirang may laban na sa mga lobo!“ Sabi niya at pinunasan ang luha.

Dahil dun ay bigla namang nahiya yung founder tsaka siya ngumiti. Napansin namin yung isa pang lobo at umatake ito kay lucinda, pero imbes na umilag at umatake ay tumakbo siya.

Dito ako napaisip, hindi siguro marunong lumaban si lucinda.

Dahil dun ay iniskortan siya ng mga baguhang bampira na may karanasan na sa rambulan.

Inatake ulit nung lobo si lucinda pero bago pa siya nakalapit kay lucinda ay agad na sinalubong nung dalawang bampira at magkasabay nila itong sinuntok.

Tumilapon naman yung lobo.

“Okay ka lang lu?“ Sabi nung isang lalaki.

Tumango lang si lucinda tsaka nagsalita pa yung isang lalaki.

“Pagkatapos nito, dapat may mag turo sayo kung paano lumaban.“ Sabi niya at ngumiti.

Well, tama naman yung lalaki. Wala kasing ibang ginawa itong si lucinda kundi ang magtago, siguro kung mga dugo lang ng tao ang mga iniinom niya ay malamang may alam itong kunting fighting skills. Dahil halos sa mga tao ngayon na nandito sa syudad ay mga gangster.

Agad namang umalulong ang mga lobo at dito nga ay may dumating pang lobo, pero sa pagkakataong ito ay kulay grey naman.

“Anong klaseng lobo nanaman yan?“ Tanong nung lalaki.

Agad na inatake nung kulay abo na lobo ang commander ng gang at dito na ako nagulat, dahil nakailag nga ang commander pero nung sinubukan niyang umatake ay nakailag rin yung lobo.

“I see.“ Sabi nung commander at nagsalita pa.

“Yung unang umatake na kulay brown ay ang pinakamahinang lobo, ngayon ay mas malakas na.“ Sabi niya.

Imbes na matakot ay biglang sumaya yung mga gangster.

“Edi mas okay nga'yan, boring naman kung mahihina ang mga kalaban natin ngayong may dalawang powers na ako.“ Na-excite na sabi nung lalaki.

Agad na lumapit yung founder kay lucinda tsaka sila lumapit samin.

“Magtago lang kayo jan, kami na ang bahala dito sa mga naglakas loob na kalabanin tayo sa territoryo natin.“ Sabi nung founder.

Agad namang tumango si lucinda na may nakaukit na ngiti sa mukha.

Dahil dun ay hindi na magpaligoy-ligoy pa ang mga ganster at sila na ang unang umatake.

Since napakadami namin dito sa loob ay 3 vampires versus 1 wolf ang labanan, nagsaya ang mga bampira sa pag patay ng mga lobo. At parang ngayon lang nakakakita si lucinda ng lobo na tinatalo ng mga bampira.

Habang pinag bubugbog nila ang mga lobo ay biglang nagsalita si lucinda.

“Paikutin nyo ang ulo, jan sila namamatay!“ Sabi niya.

Napansin ko ngang hindi namatay ang mga lobo sa pambubugbog nila, hindi nga humina.

Dahil dun ay sinubukang pagkagatin sila ng mga lobo pero nang makailag na ang kakagatin ay may susuntok naman sa gilid.

Nagsaya talaga ang mga ganster sa kauna-unahang laban nila bilang isang bampira.

Agad namang sumugod ang founder kasama ang commander at ang target nila ay ang mga kulay grey na lobo, si commander ang aatake tapos kung iilag yung lobo ay nasa gilid si founder nag aabang tsaka niya hahawakan ang ulo at iikutin para mamatay.

Ganyan lang ang statregy nila hanggang sa lumipas ang ilang minuto ay nagkalat sa sahig ang dalawang uri ng lobo, dahil dun ay nagsaya kaming lahat sa kauna-unahang panalo namin.

Aakmang mag ce-celebrate sana sila pero biglang mag isang lobo ang umalulong sa itaas, isa itong lobo na nakatayo at parang tao kung titingnan.

“Teka, ano yan?“ Sabi ko.

To be continue…

Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

Please paki correction kung may maling words o letters. Thank you!

Gangsta VampireWhere stories live. Discover now