CHAPTER 02

243 12 4
                                    

Habang binugbog ako ni Juls ay may isang babae ang biglang lumabas sa loob ng malaking basurahan tsaka niya dinilaan ang mga dugong nakadikit.

"Teka, baliw ba ang isang yan?" Sabi ni juls.

Agad naman nilang pinagtawanan pero hindi sila pinansin nung babae.

"Mukhang wala na sa sariling pag iisip boss." Sabi nung kasama ni juls.

"Oo nga, (sabay tingin sakin) ganyan ang mangyayari sayo pag hindi mo ibigay ang hinihingi namin!" Sigaw ng isa pa.

Tatlo kasi silang palaging nang bu-bully sakin kaya wala akong laban.

Hindi nalang nila pinansin yung babae tsaka binalik ni juls ang tingin niya sakin.

"Akin na." Sabi ni juls sabay abot ng kamay.

Ngumiti lang ako kahit hindi ako masaya.

"P-pero juls, wala talaga akong pera." Sabi ko sa paawa na boses.

Dahil dun ay agad na sinipa ni juls ang mukha ko at tumilapon yung mga dugo malapit sa basurahan.

"J-juls, maawa ka... wala pa talaga akong pe-"

Naputol ang pag sasalita ko dahil pinag sisipa niya ako sa ulo habang pinagtawanan ako ng dalawa niyang kasama.

"Ano!? Hindi mo pa rin ba ibigay ha!?" Sigaw ni juls.

Sobrang sakit ng pinaramdam niya sakin tuwing maniningil siya ng pera kahit wala naman akong utang sa kanya.

Habang pinagsisipa niya ako ay dahan dahang lumapit ang babae sakin ng nakadapa tsaka niya dinilaan ang mga dugong nasa lupa. Kaya napatigil si juls sa kakasipa tsaka niya pinatong ang paa niya sa ulo ng babae at nagsalita.

"Hoy baliw, umalis ka." Sabi niya.

Hindi nakinig ang baliw at nagpatuloy lang ito sa kakadila ng dugo.

"Sabi ko, (sabay tinulak niya ang babae gamit ang paa) umalis ka!" Dagdag pa Juls.

Hindi parin umalis ang babae na ipinagtaka ko pero napansin kong nag e-enjoy siya sa kakadila ng dugo.

Dahil dun ay nagalit si Juls tsaka niya sinaktan ang babae.

"Ang sabi ko, (sabay sipa sa ulo ng babae) umalis ka!!!" Sigaw niya.

Dahil dun napaatras ang babae at nahiga sa lupa.

Nang mahiga siya sa lupa ay dito ko nakita ang kanyang mukha, napakadungis niya tingnan at hindi matukoy ang hitsura dahil sa dumi. Pero ang ipinagtataka ko lang, bakit pula ang kulay kanyang mata?

Agad na tumayo ang babae at bumalik sa kakadila ng dugo.

Dahil dun ay napikon si juls at kinuha niya ang ulo ng babae at pinaharap sa kanya.

Aakmang sasampalin na sana niya ang babae sa mukha nang bigla siya nitong tinalunan at kinagat ang leeg.

"Ahhh!! Bwesit na babae ka!! Aahh!!" Sigaw ni juls.

Agad na nagsilapitan ang dalawa niyang kasama ngunit hindi ito nagpaawat, kinagat niya ang leeg ni juls at nagsilabasan ang mga dugo.

"Ahhh!! Tulongg!!!" Pagsisigaw pa niya.

Bigla akong napaatras habang nakaupo sa lupa, nakatitig ako sa ginawa nung babae at kahit anong suntok pa ng dalawang kasama ni juls ay hindi ito naaapektuhan.

Hanggang sa napaluhod nalang si juls sa lupa at nagkalat ang mga dugo sa kanyang katawan, bunugbog ng dalawang kasama ni juls ang babae pero tila ba'y wala itong nararamdamang sakit.

Maya maya pa ay hindi na magawang makagalaw ni juls ay nanginginig nalang siyang nakahiga sa lupa, dahil don ay biglang natakot ang dalawa niyang kasama at bigla silang tumakbo paalis.

Labis na kaba ang nararamdaman ko, nakaupo ako ngayon sa lupa habang may isang babaeng baliw sa harapan ko na uniinom ng dugo ng tao.

Gustohin ko mang tumayo at tumakbo pero hindi ko magawa, para akong naninigas na yelo dahil sa takot.

Hanggang sa hindi na gumalaw si juls at malaya nang makainom ng dugo ang babae.

"A-a-aswang!" Nauutal kong sigaw.

Agad naman siyang tumigil sa kakainom ng dugo at tumingin sakin.

Dahil dun ay bigla akong nanginig at mas lalo akong kinabahan, pero binaling lang niya agad ang atensyon niya sa leeg ni juls at nagpatuloy sa pag inom ng dugo.

Palihim kong sinilip ang leeg ni Juls at dito ko nakita ang napakaraming kagat sa leeg.

Nang matauhan na ako ay tsaka lang ako nakakuha ng lakas at naisipang tumayo.

Hinayaan ko lang siyang uminom ng dugo at aakmang maglalakad na sana ako paalis pero bigla siyang tumigil sa kakainom at tumayo.

Dahil dun ay pinagpapawisan ako.

"Dito na ba ako mamamatay?" Sabi ko sa isip.

Dahan dahan siyang lumapit sakin ng nakayuko.

"L-lagot!" Dagdag ko pa.

Nang makalapit na siya sakin ay tsaka lang siya tumingin sa mga mata ko.

"L-lagot na talaga! Mamamatay yata akong virgin!" Sabi ko pa sa isip.

Napapikit nalang ako ng mata at hinayaan ko nalang na kakagatin ako ng aswang, pero nagulat nalang ako dahil narinig ko siyang tumawa.

Dahil dun ay dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at bumulagta sa harap ko ang isang mukha ng duguang babae na may kulay pula na mata at nakangiti itong nakatitig sakin.

Nakakatakot siyang tingnan tsaka ako nagsalita.

"A-aswang! Paki-usap! Patayin mo ako ng hindi ako nasasaktan!" Sigaw ko pa at pinikit ko ulit ang mga mta ko.

Agad naman siyang natawa at nagsalita.

"Salamat, dahil sayo ay napawi ang uhaw ko." Sabi niya.

Nabigla naman ako, anong ibig niyang sabihin? Kaya minulat ko ang mata ko tsaka ako nagsalita.

"H-ha?" Kaba kong tanong.

Sumagot naman siya ulit.

"Sobrang tagal ko nang hindi nakainom ng dugo, pero dahil sa dugo mo ay nakatikim ulit ako ng preskong dugo ng tao at hindi ko napigilan ang sarili kong uminom pa ng marami kaya napatay ko ang isa mong kaibigan." Sabi niya.

Agad akong napailing at sumagot.

"H-hindi! Hindi ko sila kaibigan!" Sabi ko.

Dahil dun ay ngumiti ang babae at nagsalita.

"Kung ganun, okay lang siguro kong tutulungan mo akong itago ang bangkay niya?" Tanong niya at nagsalita pa.

"Tsaka hindi ako isang aswang okay? Isa akong bampira." Dagdag pa niya.

Dahil dun ay agad akong naguluhan.

"Talaga ba? (Sabay tingin sa leeg ni juls) May bampira bang ganyan kung makakagat?" Sabi ko at tinuro ko ang leeg ni juls na halos wala nang balat.

Agad namang natawa ang babae at sumagot.

"Edi sorry, hindi ko kasi mahanap ang ugat niya kaya kinagat ko nalang ang buo niyang leeg haha." Natatawa niyang sabi.

Di ko alam kung matutuwa ba ako dahil wala nang manggugulo pa sakin o kakabahan dahil may kasama akong bampira.

To be continue...

Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

Please paki correction kung may maling words o letters. Thank you!

Gangsta VampireWhere stories live. Discover now