Chase Liam Deogracia

Start from the beginning
                                    

Ang gwapo niya, wala siyang kapores-pores at ang kinis ng mukha niya. Nakakahalina rin ang abuhing mga mata niya. Tapos ang tangos pa ng ilong niya na talagang bumagay sa kanya. No wonder kaya maraming mga babae ang nahuhumaling sa kanya.

Napatunayan ko na 'yon dahil dati ay halos araw-araw na may nagpupuntang iba't ibang babae at hinahanap siya. Natigil lang iyon nang mas hinigpitan ni uncle ang security sa buong mansyon.

“We will leave this place soon.” Parang nabingi naman ako sa biglang sinabi niya.

“P-po?”

“Lilipat na tayo, Selena. I bought an island in a far away province. I decided for us to live their, for good.” Naiiyak na napalayo ako sa kanya.

“Ayoko po, I don't want to leave this place!” Pagkontra ko sa desisyon niya.

“Selena! Don't be hardheaded!” nag-iigting ang pangang bulyaw niya sa akin. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak, hindi matanggap ang naging desisyon niya.

“Ayoko po! Kung gusto niyo, umalis kayo ng mag-isa...pero hindi po ako sasama!” Matigas na paninindigan ko.

“Whether you like it or not, you'll going with me! Do you understand, Selena?!” Hindi ko siya pinansin at tumakbo na lang papunta sa kwarto ko.

Doon ay umiyak ako ng umiyak hanggang sa makaramdam ako ng pagod at makatulog.

Nagising akong madaling araw na. I look at my wallclock that was hanging at the wall and saw that it was already 3am in the morning.

Before I fell asleep last night ay nakaisip ako ng paraan upang hindi matuloy na isama ako ni Uncle sa island na pagmamay-ari niya.

I decided to escape this mansion. I'm already tired sa lahat ng pangongontrol niya sa akin. All my life ay siya na lang ang palaging nasusunod. Siguro panahon naman na para makapagdesisyon ako para sa sarili ko.

Maingat akong lumapit sa may pintuan ng kwarto ko at sinilip ang labas. Good thing dahil mukhang tulog pa si uncle. Madilim pa ang paligid at walang nakaswitch na ilaw.

Maingat akong nag-impake ng mga damit at gamit ko sa backpack na dadalhin ko. Hindi ko kukunin lahat dahil mabigat na. Yung mga pinaka-kakailanganin ko lang talaga.

Nang matapos ay napahinga ako ng malalim. Napaisip pa ako kung ano pa ang kulang. I don't have my own phone, ayaw ni uncle. Pero alam ko kung paano gumamit nun dahil tinuruan ako ni Ethan. May cellphone kase siya. He has the same age as mine.

'Pera! Wala nga pala akong pera!' Bigla kong naisip.

'Hayst, bahala na!'

Maingat akong naglakad pababa sa hagdan upang hindi makagawa ng ingay. Sukbit ko ang backpack ko mula sa likod. Tumungin ako sa paligid, mukhang wala naman talagang tao.

Nang padaan na ako sa may tapat ng sofa ay bigla na lamang akong nagulat nang may magsalita.

“Where do you think you're going?” Pagkatapos nun ay may narinig akong 'click' sound at biglang bumaha ng liwanag sa buong mansyon.

Nanlalaki ang matang napatingin ako sa lalaking nakatayo malapit sa switch area ng mga ilaw habang seryoso at nag-iigting ang pangang nakatitig ng mariin sa akin.

“U-uncle!” Nagugulat at natatakot na anas ko.

“Do you think you can escape from me?!” Galit na sambit niya at mabilis na lumapit sa akin bago ako padarag na kinaladkad patungo sa kwarto niya.

Nang makapasok ay pabagsak niya akong itinulak sa malambot at malaking kama. Napahilot naman ako sa kamay kong kumikirot dahil sa paghila niya.

Napahawak ako sa pisngi ko nang biglang sampalin niya ako. Napaiyak ako sa sakit at kirot na naramdaman.

One Shot Stories About ObsessionWhere stories live. Discover now