3

1 0 0
                                    

Floraine

"Floraine, gising"dinig kong gising sa'kin ni Ate Quielle sa labas ng kwarto ko. Nagising naman ako duon, at napansin ko ring dito na'ko sa desk ko nakatulog.

11:45pm

Tumayo ako mula sa upuan ko at binuksan ang pinto.

"Hi"bati ni Ate pagkabukas ko ng pinto. "Ate, it's quarter to 12, why are you here?"i asked. Sumilip siya mula sa likod ko at nakitang maayos parin ang itsura ng kama ko.

"Mukha kang bagong gising pero ang ayos ng kama mo. Sa desk ka nanaman ba nakatulog?"she asked. "Ate, it's late"i started. Hinila niya naman ako papasok sa kwarto ko. I hissed at the sudden contact and tumama sa pasa ko ang hawak niya. Binitawan niya agad ang kamay ko and she gave an apologetic look. Tinignan niya desk ko at nakita niyang naka bukas ang laptop at tablet ko habang may mga papel at notebook na naka kalat.

"Manang told me na hindi ka pa nagdidinner. She told me na you fell asleep bago ka pa niya tawagin para kumain, hindi ka na daw niya ginising kasi mukha ka daw pagod. Have you been hard on yourself again? Does your bruises hurt? Gamutin natin 'yan later"tanong ni Ate habang naglalabas ng pagkain sa coffee table ko at umupo sa sofa ko bago tumingin sa'kin.

"I'm just tired ate. Madaming nakaabang na reportings sa amin ngayon, and madami ding projects ang SSLG ngayon."sagot ko.

Bigla namang pumasok si Kuya Sky sa kwarto.

"Skylar, you're here"bati ni Ate Quielle. "My apologies i came late Ielle, may tinapos lang. Hi bunso, i'm sorry for how mom and dad acted earlier"bati ni kuya at hinalikan ang ulo ko.

Kuya Sky and Ate Quielle are twins. Both are caring and protective pag dating sa'kin.

"Hi Kuya, what are you also doing here?"i asked. Umupo si Kuya sa tabi ni ate Quielle at tumingin sa'kin. "We're here to spend time with you. We know na hating gabi na, pero napapansin kasi naming masyado nang harsh ang pakikitungo nila Mom sa'yo and we don't want you to be sad. And we're here to make bawi na rin kasi we've been busy the past few weeks kaya hindi ka na namin masyado nakakausap"sagot ni Kuya.

"I'm used to it Kuya. Getting compared to you and Ate is normal for me now. I'm used to it."sabi ko at umupo ulit sa may desk ko para ipagpatuloy ang inaaral ko.

Lumapit si Ate Quielle sa'kin at hinablot ang notebook na hawak ko.

"Bukas mo na ituloy 'yan. Eat Raine. You haven't ate yet. Please. Then gagamutin natin 'yung mga pasa na binigay nila Mom sa'yo."sabi ni Ate. "Hindi pa siya kumakain?"tanong ni Kuya. "Hindi pa ako nagdidinner kuya."sagot ko. "Why? Na'ko buti na lang binili namin ni Ate Ielle mo 'yung favorites mo. Nagpadeliver kami ni Ate mo ng ramen, maanghang pa. Ito oh"sabi ni Kuya at nagbukas ng isang container na may lamang ramen.

"Bumili din pala kami ng Iced Matcha Latte. Favorite mo rin 'yan diba?"sabi ni Ate. I stood up from my seat and hugged Ate Quielle.

"Thank you ate Quielle"sabi ko. She hugged back and caressed my hair. "Hoy, bakit si Quielle lang may hug asan akin?"reklamo ni Kuya. Pumiglas ako kay Ate at lumapit kay Kuya Sky para yakapin ito.

"Ito talaga inggitero. Kain na tayo, lalamig na ramen ni Raine"sabi ni ate. Tumango naman ako at sinimulan nang kainin 'yung binili nilang ramen, habang sila naglabas ng ramen nila.

______

"And that is the end of our presentation. Thank you for listening"pagbati ko. "Thank you for that wonderful presentation Group of Alvarez, you may now take your seats."sabi ni Mr. Del Mundo. We thanked him again and went back to our seats.

"So class, as you all may know maulan ang weather natin ngayon, so make sure to bring your umbrellas, raincoats, and boots para hindi kayo maulanan. Anyways, may final project kayo for Finals, you all will be partnered sa Stem for this project. This may take 2 weeks para matapos niyo, so i'm giving you 2weeks to finish your project with your designated partner, which i will be posting sa bulletin mamaya para makita ni'yo partners ni'yo alright? Class dismissed, have a nice lunch"sabi ni Mr. Del Mundo and lumabas na ng classroom.

Tumayo ako sa upuan ko at lumabas na ng room para pumunta ng library. Habang naglalakad papuntang library ay napansin ko ang pag patak ng ulan sa court yard. Tumigil ako saglit at lumapit sa railing ng 3rd floor para pag masdan ang ulan.

Madaming taong dumadaan sa likod ko, at hindi naman nila ako pinapansin kaya hinayaan ko na lang. Iaabot ko na sana ang kamay ko para maramdaman ang pag patak nito, nang may tumabi sa akin.

"Hello Ms. Alvarez"bati nung tao. Ah, si Flavio. "What do you want Flavio?"i asked. "Wala lang, napansin ko kasing pinagmamasdan mo 'yung ulan, kaya napagpasya ko na samahan ka"sabi niya. "Hindi ko kailangan ng kasama para pagmasdan ang ulan Flavio. Leave me alone"saad ko. "Fine. Pero pag kailangan mo ng kasama, tawagin mo lang ako"sabi niya at umalis na.

Umiling na lang ako at ipinagpatuloy ang paglalakad ko papuntang library.

Francis

"Hidalgo may bago daw tayong projec- Uy ang cute naman niyan, may kamukha ah, familiar"sabi ni Florence. "Narinig ko nga. Humss daw ang partner kay Sir Del Mundo. At ito, wala lang, gusto ko lang gumawa ng doll. Cute nga eh, reminds me of someone"sabi ko.

Kakatapos ko lang kasi lagyan ng damit 'yung crocheted na doll na ginawa ko. Kakatapos ko lang magcrochet ng damit nito. Uniform namin 'yung damit.

"Uniform nga natin 'yung damit eh. Ah! Kilala ko na! Si Floraine 'yan nuh? Ang galing mo ah, kuhang kuha mo 'yung itsura. Pero, isang beses mo pa lang siya nakikita ah? Kabisado mo na agad features niya?"tanong ni Florence. "Hindi naman kuhang kuha features niya dito eh. Buhok lang naman kailangan kabisaduhin dun. And madali lang kabisaduhin ang wavy brown hair."sabi ko at itinago sa isang box na dala ko ang doll.

"May gusto ka ba kay Floraine, Francis?"tanong ni Florence. "H-Huh?! Wala 'no! Bakit mo naman nasabi 'yan? Hindi ko pa nga nakikilala ng lubusan 'yung tao"sabi ko.

"Oh, ba't defensive? Nagtatanong lang naman ako. Hindi mo naman siya gagawan ng doll kung wala kang gusto or hindi mo siya crush eh. Tinignan mo, nagcrocrochet ka pa ng heart. Ano, wala?"sabi niya. Tinignan ko 'yung hawak ko, ayon tama nga siya, nagcrocrochet ako ng RED na heart.

"Hindi ko alam Rence, hindi pa ako sigurado dito kung gusto ba talaga 'to o simpleng pag hanga lang eh."sabi ko at itinago ang pang crochet ko sa kit nito.

Bigla namang lumapit sa amin si Julio.

"Naka post na 'yung list ng partners sa bulletin."sabi niya. Tumayo naman si Florence at lumabas na ng room. Ako, itinago ko muna 'yung box at kit ko sa bag bago sumunod sa kanila papuntang bulletin.

Nandoon na rin ang ibang Humss students, may tatlong bagong papel na nakapaskil sa bulletin, at 'yon nga ang listahan.

Florence De Chavez & Yumi Del Mundo
Rein Felipe & Jade Fernando
Elya Hernando & Yugo Flavio
Denise Hermano & Fred Smith

Francis Hidalgo & Floraine Alvarez

"Oh! Partner mo si Floraine!"sambit ni Florence. "Nakita ko nga Rence"sabi ko. Pinicturan ko 'yung list, at itinago na ang phone ko. Bigla namang dumating si Floraine. Tumingin naman ito sa'kin. Shit ang ganda.

"I'm looking forward on working with you Hidalgo"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Free In The RainWhere stories live. Discover now