Hopelessly, Devoted To You

513 2 0
                                    

𝐓𝐢𝐭𝐥𝐞: Hopelessly, Devoted To You

𝐀𝐮𝐭𝐡𝐨𝐫: Toripresseo

𝐒𝐭𝐨𝐫𝐲 𝐃𝐞𝐬𝐜𝐫𝐢𝐩𝐭𝐢𝐨𝐧:

Blurb

"Mas maganda naman ako sa kakambal ko hindi ba?" tanong ni Desiree. Sinabi ni Azure Lucero na mas mabait si Jasper.

Nahampas siya ni Desiree ng tubo sa sikmura. Napaluhod ito at agad siya dinaluhan nina Loki.

"Ikaw! Sumusobra ka na! Hindi ka lang namin pinapatulan dahil ayaw namin mas magalit si Jasper! Magpasalama-"

Napatigil si Tiago Lucero na nakaupo sa sahig hawak sa braso si Azure nang hawakan ni Desiree ang panga niya at ilapit ang mukha.

"Bakit- anong gagawin mo?" tanong ni Desiree. Sigarilyo, beer at mint candy. Naamoy lahat iyon ni Tiago- nakatingin silang lahat kay Desiree.

Pare-pareho silang napapatanong kung sino ba talaga ang babae at kung kakambal ba talaga nito ang nakilala nilang pinaka-soft hearted and caring na tao.

Nilapit ni Desiree ang labi sa mukha ni Tiago. Aalis si Loki nang iharang ni Desiree ang tubo na tinungkod niya sa pader at sa espasyo kung saan lulusot ang lalaki.

"Gawin niyo ang gusto ko- tutulungan ko kayo kausapin ang kakambal ko. Papayagan ko din kayo lumapit sa kaniya ng ilang metro ng hindi nasasaktan," ani ni Desiree matapos ilapit ang bibig sa tenga ni Tiago.

"No! Bakit kami papayag! Akala mo ba natatakot kami sa iyo!" sigaw ni Tiago. Umayos ng tayo si Desiree at bahagyang ngumisi matapos idutdot sa noo ni Tiago ang tubo.

"Hindi ko kayo tinatanong. Inuutusan ko kayo. Mukha ba akong nagtatanong?" may ngisi na sambit ni Desiree at tiningnan sina Tiago na para bang ang liliit lang ng mga ito na nilalang.

 Mukha ba akong nagtatanong?" may ngisi na sambit ni Desiree at tiningnan sina Tiago na para bang ang liliit lang ng mga ito na nilalang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(G × B × B × B)
(Desiree × Loki × Tiago ×Azure)

Poly Stories Recommendation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon