Jacob Andrei Montecillo

484 19 6
                                    


“Wife,” nanginig ako nang marinig ang baritonong boses na nanggaling mula sa likuran ko. Mariin akong napapikit nang maramdaman ang marahang pagdampi ng mga daliri niya sa hubad kong likuran.

Nakatapis lang kase ako ng tuwalya ngayon dahil katatapos ko lang maligo mula sa banyo.

“J-Jacob,” I nervously said.

Kita ko ang pagnanasa sa mga mata niya nang pasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. Tuluyan na siyang lumapit sa akin at hinapit ako papalapit sa kanya.

Ramdam ko pa ang mabining pag-amoy niya sa buhok ko bago ako bigyan ng marahang halik sa may punong tenga ko na ikinapikit ko.

“Where did you go, hmm?” Labis ang kabog ng dibdib ko sa naging tanong niya. Ang akala ko ay hindi niya malalaman na umalis ako kanina dahil labis ang pag-iingat ko na hindi ako mahuhuli ngunit nagkamali ako.

Nawala sa isip ko na kaya niya palang gawing posible ang imposible dahil makapangyarihan siya.

“Didn't I told you to behave?” Malambing ang tonong sabi niya ngunit alam ko na isa lamang 'yong pagbabalat kayo. I know him, alam ko na kung anong tumatakbo sa isip niya.

Tama ako, dahil makalipas lang ang ilang sandali ay biglang naging mabagsik ang kanina'y maamo niyang mukha.

Mariin niyang pinisil ang bewang ko na ikinaigik ko. Mabilis na nagragasa ang mga luha sa pisngi ko dahil sa takot na nararamdaman mula sa kanya.

“N-nasasaktan ako,” pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa maliit na bewang ko ngunit matigas siya.

“Do you want to be punish? Again?” Mariing tanong niya. Umiling ako. Natatakot ako sa maaari niyang gawin, ayoko nang maulit pa ang nangyari dati.

“Binisita ko lang sila n-nanay dahil n-namimiss ko na sila,” mahina ang boses na paliwanag ko sa kanya. Napahinga ako ng malalim nang binitiwan niya na ang mahigpit na paghawak sa bewang ko.

“You could've told me. I'm sorry, wife.” Kinabig niya paharap sa kanya ang mukha ko at masuyo akong hinalikan.

Paano nga ba ako napunta sa sitwasyong ito?

Mahirap lang kami ng pamilya ko. Nabubuhay lang kami sa pagtatanim nila nanay ng mga gulay at kadalasan ay kapag anihan na ay binebenta namin ito sa merkado. Kasama ako minsan ni nanay sa pagbebenta. Minsan ay inaabot na kami ng dilim sa tuwing matumal ang benta.

Medyo malayo ang tinitirhan namin mula sa palengke kaya talagang mahaba-haba pa ang lalakarin bago makauwi. Wala rin kaming sasakyan kaya naglalakad lang kami.

Ang buong kalupaang kinatitirikan ng mga bahay sa amin ay pag-aari ng mga Montecillo. Hindi lang doon dahil malawak ang lupang pagmamay-ari nila. Pati ang pwesto sa palengke ay sa kanila rin.

Hindi na nakapagtataka dahil ang matandang si Don Raul Montecillo ay ang gobernador sa buong lugar namin. Mayaman sila at makapangyarihan.

Ang don ay may nag-iisang anak at 'yon ay si Sir Jestoni Montecillo at ang asawa naman nito ay ang sikat na artistang si Ma'am Jessie Gomez Montecillo. Meron silang nag-iisang anak na lalaking hindi ko pa nakikita dahil ang bali-balita ay nasa ibang bansa raw ito.

Masaya naman kami sa pamamalakad ng gobernador dahil malaki talaga ang naitutulong nito sa aming mga mahihirap. Mabait din ang anak at manugang nito.

Kasalukuyan akong labing pitong taong gulang noon at high school graduate lang din ako. Hindi na ako nakapagkolehiyo dahil sa hirap ng buhay. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang panganay.

One Shot Stories About ObsessionΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα