CHAPTER 3: Nathan's and Miles' Best Friends [EDITED]

Magsimula sa umpisa
                                    


Nang hindi na namin siya makumbinsi pa, umayos na ko nang upo at itinuon ang tingin sa hawak kong notebook.


First of all, let me introduce myself to you. I'm Maxene Lalaine Fortalejo, Max for short. And one of Miles' best friends since high school. May connection ako sa may-ari ng school na 'to kaya huwag na kayong magtaka pa kung marami ang nasisindak sakin.


But, I'm not a bully. Hindi ako katulad ng ibang estudyante rito na mang-aaway at magpapaka-bitch na lang kapag walang magawa. Lumalaban ako kapag may umaaway at nang-aapi sa mga kaibigan ko, lalo na sa Bhest namin.


I love writing. Kahit second year pa lang ako, editor-in-chief na ko. At kung iniisip niyo na nakuha ko ang posisyon na 'yon dahil sa connection ko, well it's up to you. I don't have much time to prove myself to you. I was born to be a writer and you can't do anything about it.


Pero, mga piling tao lang ang ini-interview at pini-feature sa article na sinusulat ko. Hindi naman kasi ako magsusulat ng mga bagay o tungkol sa isang tao na hindi ako interesado. At ang mga kaibigan ko ang top choices ko para sa article ko. Hangga't maaari nga, gusto kong isulat ang tungkol sa mga buhay nila. Gusto kong malaman ng lahat how amazing and interesting my best friends are.


Interesado rin ako sa isang lalaki rito sa campus. Well, ibang pagkainteresado ang ibig kong sabihin diyan. You know Errol Nathaniel Montecaztres? He's simply known as Nathan. At siya lang naman ang pinakasikat at pinakakilala sa university namin. At kung tawagin nga siya, The Most Popular Heartthrob. Sa gwapo ba naman niya, sinong babae ang hindi mahuhumaling at magkakagusto sa kanya? Iyon din siguro ang dahilan kung bakit The Most Flirt Guy ang tawag sa kanya ni Bhest.


Well, na-feature ko na naman si Nathan sa article ko ng isang beses. It was all about the basketball and his team. But, once is not enough! I wanted to know what kind of guy he is, his ideal girl and if he had a serious girlfriend before.


Pero, katulad din siya ni Bhest. Mailap siya sa pagsagot ng mga tanong na may kinalaman sa personal niyang buhay, naiiling na sabi ko sa sarili ko.


Pag-angat ko ng ulo ay napadako ang tingin ko sa labas ng classroom namin. Isang lalaking nakapamulsa at nakasandal sa pader ang nabungaran ko. Well, a gorgeous guy to be exact.


I know him. Si Juan Crisostomo Ibarra! Kidding. Pero, kapangalan niya talaga yung bida sa Noli Me Tangere. Ang buong pangalan niya ay Juan Crisostomo Carredano, one of the basketball varsity players. And as far as I know, he's one of Nathan's friends at mas kilala sa nickname na Juice.


Tumingin siya sa direksyon ko at ngumiti. Gravity! Ang cute niya mag-smile. Waaahhh! Ako ba? Ako ba ang nginingitian niya?


Lumingon ako sa likod. Ang lapad nang ngiti ng lola niyo habang nakatingin sa direksyon ni Juice. Umabot hanggang likod ng ulo.


Di ko napigilang iikot ang aking mga mata. Eh di siya na! Siya na ang nginingitian ni Juice! As if I care kung magngitian sila sa harap at likod ko. Psh!

Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon